Nang makasakay ako sa eroplano, doon ko lang naisip ang sinasabi ni Jace , wait anong Palawan? Palawan? Diba Baguio, Baguio ang unang destinasyon ko hindi Palawan.
Pilit kong tinatawagan si Jace para sabihin na Baguio ang unang pupuntahan ko pero naka off ang cellphone niya, hanggang sa iannounce ng pilot na kailangang iturn off ang mga cellphone. Napabuntong hininga na lamang ako.
Nakarating ako ng Baguio at diretsong pumunta sa hotel na titirahan ko. Well my bosses are really good to their employees hindi nila hahayaan na sa isang murang hotel titira ang mga empleyado nila and all expenses paid, with black card at a month vacation after your work is done.
Ang pinapatayong bagong mga resort hotel ng company namin ay may halo halong inspired theme parang pinaghalo halong burj al arab, terrezo, bali, santorini ang mga themes iba iba, pero ang kagandahan kahit alam mong ang ganda ng ambiance, service ay very affordable. Gusto kasi ng mga may ari ng kumpanya namin na homey atmosphere ang mga nagbabakasyon at they treat every guest na royalties pero hindi masakit sa bulsa, naranasan na daw kasi ng magasawang may ari na masiraan Ng bahay dahil sa bagyo at kailangang tumira sa hotel pero hindi nila kayang magtagal dahil sa mahal ng accomodation. Kaya ng makabawi sila ang business na ito ang una nilang ginawa. Dahil sa kabutihang puso ng mayari ng mga hotels lumago ng lumago ang business nila, at madami silang natutulungan.
Nagpahinga ako saglit ng may narinig akong katok.Nang buksan ko ang pinto ay ang assistant ko ang aking nabungaran.
"Hey miss, is your room fine?" Tanong nito sa akin.
"Yes, I am thank you" sagot ko dito.
"If you need anything, feel free to call me or call for hotel services, Im just staying to the left beside your room" sabi nito
"Okay, thank you, do you have my schedule for today" tanong ko dito.
"Yes miss" sabay abot sa akin ng ipad na naglalaman ng schedule.
"Ok, please meet me at the lobby after 5 minutes, I will just freshen up and we can go".
Tumango ito at naglakad paalis ng aking room.
Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Jace pero hindi ko pa din siya macontact. Kaya nag leave na lang ako ng message sa kaniya.
Natapos ang meeting ko with all the hotel managers and supervisors. Umakyat ako sa room at bago pumasok sa banyo para maligo ay nagorder na muna ako ng wine at pagkain at pina room service. Nagiwan na din ako ng message kay Che para kontakin si Jace.
Napakasarap ng init ng tubig na dumaloy sa aking katawan, nahimasmasan na lang ako ng sunod sunod na makarinig ako ng doorbell kaya dali dali akong nagsuot ng robe at lumabas ng banyo at dumiretso sa may pinto.
Ang inaasahan kong room service para sa dinner ko ay wala, pero ang pagod pero nakangiting mukha ni Jace ang nabungaran ko.
"Hi love miss me" nakangiting bungad ni Jace.
Naguguluhan man "No, I don't" naiirita kong sagot .
"Hey, what happened" tanong nito sabay lapit at yakap sa akin.
Hindi ko maintindihan pero naiiyak ako ng makita ko siya kaya yumakap na lang ako.
Naguguluhan kong yinakap ang babaeng mahal na mahal ko. Nang makita ko siyang umiiyak hindi ako mapalagay at parang sinipa ako.
"Hey love, care to tell me what happened" bulong ko sa kaniya, habang hinahaplos ko ang likod niya.
"You, you're the problem" sabi ko kay Jace.
BINABASA MO ANG
Visions of Love: Riona (Unedited)
RomanceSeries of stories based on REAL AND REELS OF RELATIONSHIPS. -Ano nga ba ang tama? Let go or to hold on? Napapagod nga ba ang nagmamahal? Saan hahantong ang isang relasyon kung hindi ka siguro kung dalawa pa ba kayo dito o magisa mo na lang? Ipaglala...