RALPH's POV
Nakausap ko ng matagal yung mommy ni Lyza. Inexplain nya saakin kung ano ba nangyayari sa buhay nya ngayon at wala pa syang kaalam-alam.
Kung titignan mo naman kasi si Lyza parang simple lang syang babae. Yun pala, magmamana sya ng isang napakalaking kumpanya, nakaset na sya sa arranged marriage, ganun. Ang laki ng future nya.
"Ralph. Dear, i'm so sorry. Naset na si Lyza sa arranged marriage, i can't cope with the idea na magkakaboyfriend sya lalo na't ganito, my daughter will get hurt at the end, habang maaga pa, it's better to deal with it as soon as possible."
Tumingin sakin si Lyza at naubo dahil nalunok nya yung kinakain nya. Agad syang napatingin sa camera at inagaw yung phone nya.
"Mommy! Ano po yun?!"
"You're set for an arranged marriage already diba? Even i don't have a choice. Hand your phone to Ralph, anak i'm talking to him."
"But.."
"Give it, NOW." Pag oorder ng mom nya sakanya.
Bumalik yung phone nya saakin at napansin kong nag-iba agad mood nya. Kanina, ang saya saya nya lang.
"I like you for Ly though, but prove to me that you'll do everything just for my daughter, you know, some things can or may change."
Napaisip ako. Bakit kailangang ganun? Ang ganda ganda na ng nangyari, agad agad nasira. Hindi naman sa dapat naming itago yung samin ni Lyza. Pero, kagabi lang naman ako nagsimula manligaw kay Lyza, pano nya nalaman?
"Ralph. Cr lang ako."
"Sige."
"Tita. I'm ready to sacrifice everything and do everything just for your daughter. I won't be a perfect boyfriend pero i'm sure that i'll try."
"Those are just words. Show it."
"Opo. I will."
"Good. Okay i have to go, it's 6 am here and i still have no sleep! Bye, tell Lyza ha."
"Ok po. Bye po."
Arranged marriage? I admit, hindi nakakatuwa pakinggan yun.
Maganda malaman na hindi pala kilala ni Lyza kung sino yun?
Ang kinakatakot ko, paano pag nakilala nya yun? Iiwan nya nalang ako? Sa isip palang nakakalungkot na eh.
**
LYZA's POV
Sinubukan kong hindi magwala sa harap ni mommy at ni Ralph. Kaya nag cr ako. Unti unti naninigas yung kamay ko na para bang gusto kong sumuntok ng tao. Buti nalang wala akong kasabay ngayon dito sa banyo.
*flashback.*
2 years ago..
Bumaba ako kasi narinig ko si Manang kausap si mommy. Nandito kasi sila for a short vacation.
"Opo. Nakaayos na po lahat ng lugar rito sa bahay."
One na narinig ko yan, may bisita.
Nagpakipot ako kasi syempre di ko pa alam noon kung sino yung bisita namin.
"Hi sweetheart. Gising ka na pala. Oh, maligo ka na." Sabi ni mommy.
naligo na ako at nagpajamas.
"Mrs. Lim, hello." Bati ni mommy sa bisita. Siguro business partners nila 'to.
I tried to stalk them, nakatambay lang ako sa hagdan. So eto yung business partners nila. I was only 15 that time. Nagtagal at nagtagal yung usapan nila kaya nabore ako. I went to my room. Pero bago ako makaalis, may narinig akong nagsalita. May kasama sila.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ♥ (EDITING)
Novela JuvenilSabi nga nila, "We trust the liars, curse the innocent, and FALL for the HEARTBREAKERS." Naniniwala ka ba jan? Naexperience or nadaanan mo na ba ang love? Nainlove ka na ba? Minsan, dumadating yan sa mga panahon na hindi mo inaasahan. Minsan nga eh...