"Magandang simula na 'yan, bes, ituloy-tuloy mo 'yan. Papayag akong gamitin mo 'tong jowa ko basta siguraduhin mong mapapaamo mo 'yan ah?"
Umagang-umaga ay ibinalita na kaagad ni Dreams ang nangyari sa pagitan nila kagabi ni Kaiden lalo sa pag-iisip nito na nobyo niya si Pablo. Hindi niya naipakilala kay Kaiden na boyfriend iyon ng bestfriend niyang si April. Para kay Dreams, maganda rin na hindi niya ito naipakilala para may magamit siya da kanyang plano.
"Oo na. Jusko! Tama lang na sundin ko 'yong suggestion niyo e. Taba talaga ng utak niyo." Tugon niya at saktong rinig niya na na bumukas ang pintuan ng kwarto ni Kaiden. "Bes, babye na, gising na siya. Babalitaan na lang kita mamaya." Hindi na niya hinintay ang sagot ni April at ibinaba na niya ang tawag saka dali-daling inayos ang kanyang sarili.
"Goodmorning Daddy Doc." Pagbati niya rito sa bagong gising na lalaki. Magulo ang buhok nito at naniningkit pa ang mga mata nito pero nandon pa rin ang taglay nitong kagwapuhan.
Plinano talaga ni Dreams na gumising ng maaga para ipagluto ng almusal si Kaiden para masimulan na niya ang kanyang plano. Halos hindi pa siya nakatulog kakaisip ng paraan para mapainlab niya ang doktor. Desperada siyang gawin ang plano para mangyari ang pinapangarap niya yon ay ang matanggap ni Kaiden ang kanyang ipinagbubuntis. Confident naman siya na kay Kaiden ang bata pero walang silbi ang pagpapatunay na siya ang ama kung wala itong pagmamahal at pagtanggap na makukuha niya sa doktor.
Wala siyang natanggap na tugon mula sa doktor bagkus nilagpasan lamang siya nito at binuksan ang refrigerator upang kumuha ng tubig.
"Gutom ka na ba? Ipinagluto kita ng breakfast mo." Ipinakita niya ang hawak na pinggan kung saan nakalagay 'yong mga niluto niyang ulam para kay Kaiden. Napunta ang tingin ni Kaiden sa plato pero kaagad rin itong umiwas ng tingin.
Hindi mawari ni Dreams kung natutuwa ba ang doktor sa pinaggagagawa niya o nabwibwisit ito.
"Don't worry, 'yong mga stuff ko 'to, ako mismo ang nagluto, hindi ko binili sa labas kung 'yon ang inaalala mo." Paliwanag nito at sinundan niya ang doktor papunta sa dining area. "Teka, ano gusto mo, coffee o gatas? Ipagtitimpla kita. Wait lang ah."
Ibinaba ni Dreams ang plato ng ulam saka dali-daling nagtungo sa kusina upang ipagtimpla ng kape ang doktor. Malaking pagtataka ni Kaiden kung bakit bumait bigla si Dreams sa kanya kumpara nitong nagdaang araw na halos magrambulan na silang dalawa sa pagtatalo.
"Tsk! Alam kong may kailangan ka, sabihin mo na lang kaysa magbait-baitan ka pa dyan." Tugon ni Kaiden saka lumagok ulit ng tubig sa hawak niyang baso.
"Uy! Grabe ka naman. Wala akong kailangan, gusto lang kitang pagsilbihan, 'no. 'Di ba, ganon naman ang gawain ng misis, aaasikasuhin niya 'yong asawa niya kapag ganon na papasok sa trabaho." Depensa nito at naglakad papunta sa pwesto ni Kaiden upang ilapag 'yong tinimpla niyang kape.
"You're not my wife."
"Ang KJ mo, kunwari nga lang e." Nagpapadyak sa sahig na parang bata si Dreams. "Kumain ka na at ipaghahanda kita ng tubig na mainit panligo mo."
"Tsk! Stop acting you're mabait, Dreams. Hindi bagay sa'yo." Conyo na tugon ni Kaiden saka nagpakawala ng nakakaprangkang tawa kaya sinulyapan siya ni Dreams.
"Eto naman parang 'di sanay sa'kin." Tinapik niya pa ng mahina ang balikat ni Kaiden saka natawa.
"You're different today." Napahawak si Kaiden sa kanyang baba saka sumandal sa kanyang kinauupuan. Na kay Dreams ang kanyang tingin na animo'y sinusuri ito mula ulo hanggang paa. "Hulaan ko, may lakad kayo nong Pablo kaya nagpapagoodshot ka sa akin ngayon para mapayagan ka, right? O baka may gusto kang ipabili na cravings mo or baka need mo ng pera, tama." Pumalakpak pa ito.
BINABASA MO ANG
HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMAC
Teen FictionDoc. Kayden, isang doktor na walang balak magkaroon ng pamilya dahil para sa kanya mas mahalaga ang trabaho. Sa pagmamahal niya sa kanyang propesyon, nakalimutan na niyang sumaya at planuhin ang pagkakaroon ng pamilya. Ngunit, isang pangyayari ang b...