Weird

56 7 4
                                    

      Habang natutulog si Gabriel ay nagising sya sa ingay...Ingay na galing sa
pintuan patungo sa kanya,,,
At isang makulit na sumampa pa ng kanyang kama para lamang magising sya.
     
      Sya si Jerry ang kaibigan ni Gabriel mula Elementary...masaya lamang ang kanilang samahan pero di naiiwasan na mgkaroon din ng minsang pagkaktampuhan at di pagkakaintindihan pero gaanon pa man kanilang pinag uusapan para di na lumalalim pa ang kanilang tampuhan.

      Ginigising sya ni Jerry,para sa unang pasukaan at unang klase nila...sa Senior high...

      "Uyy,gab...gumising ka na,first day of school naatin...bumangon ka na dyan."ang tugon ni Jerry na naakagiti ng mapang-asar kay Gab."Jerry naman ihhh! ano ba? ang ingay mo naman,natutulog paa yung tao eh! pano ka na naman nakapasok dito sa kwarto ko?" Inis pa na tanong ni Gab,dahil naputol kase ang kanyang panaginip.Malalaman na sana nya ang dahilan sa kanyang panaginip pero naputol na naman yun ng isang makulit at maingay na kaibigan.

       "Uyy,ano ka ba,si tita nagpapasok sakin dito,sabi nya gisingin na nga daw kita.Ano ka ba naman,tanghali na kaya."nainis na ding sabi ni Jerry at..."anong oras na ba?"ang tanong ni Gab at...bigla syang bumangon ng marinig ang sagot ni Jerry...

       "Alas syete na kaya...tanghali na,kaya bumangon ka na dyan..."ang sagot ni Jerry at...muntik pang mahulog si Jerry sa pagkakabalikwas ni Gab ng bangon...

       "Ano ba naman yan,tinanghali na naman ako."kamot pa ni Gab sa kanyang ulo at saka nag unat..."bakit ka tinanghali?Siguro ka kagabe noh!!"ang pang-aasar ni Jerry kay Gab,nuon pa.Kaya yun ang pang-asar nya dito ay dahil minsan nyang nahuli ito na naglalaro ng ano...kaya pinigilan na lang ni Jerry ang sarili na maalala pa ang noon...At iyon ang hindi alam ni Gab,kaya sinagot nya ito ng may pagkainis...

       "Anong naglalaro?Uyy,hindi ko gawin yun noh!!!baka ikaw..."Ang tanggi ni Gab kay Jerry at bumangon na ito..."Sshhh...wag kang maingay,bilisan mo na dyan,maligo ka na.Hintayin kita sa baba hah!"yun lang at lumabas na si Jerry ng kwarto ni Gab.

       Habang si Gab ay nagsisipilyo ay bigla nyang naalala ang kanyang panaginip...

       "Bakit kaya ganon?Ang Weird ng panaginip ko,hindi ko maintindihan kung bakit may nasusunog at kung bakit may putok ng baril akong naririnig?Ano bang ibig sabihin ng panaginip kong iyon?"tanong ni Gab sa kanyang sarili.At nakaharap lamang sa salamin.

       Makalipa ang ilang minuto ay papasok na ang dalwa...at habang nag da-drive si Jerry ay napansin nya si gab na nakatulala sa may bintana ng sasakyan...at nakatahimik lamang...

       "Uyy,bakit ba kanina
ka pang nakatahimik dyan?Unang araw ng pasok natin,late na tayo tapos tulala ka pa dyan.Bakit ba?"tanong ni Jerry sa kaibigan...

       "Jerry,nakaranas ka na bang managinip ng Weird?"tanong pa ni Gab at napatawa ng mahina lamang si Jerry at..."Panaginip na Weird? Siguro minsan,oo,pero normal naman ata yun,bakit?
Ano bang napanaginipan mo? At nasabi mong Weird.Wag mong sabihin yung dalwang lalake ang nakikita mo na naman." ang sabi pa ni Jerry.Noon pa nag kwekwento sa kanya si Gab about sa mga panaginip nito.Kaya nya natanong kung iyon ba ulit ang kanyang napanaginipan.

       "Mga paulit-ulit na apoy na parang nasusunog na gusali,hindi ko din alam kung bakit may pagputok ng baril.At lalong di ko din alam kung bakit sila ang laman lagi ng mga panaginip ko."tugon ni Gab para maliwanagan si Jerry at..."Alam mo ang panaginip,kabaliktadan daw yan eh!kung apoy ang nakikita mo,baka tubig yan sa tunay na buhay."ang pabiro pang sabi ni Jerry at nainis si Gab kaya naman..."Ewan ko sayo,labo mo namang kausap.Nasan si Neon?"paghahanap nya...at pag-iiba ng usapan...

My past is My future loverWhere stories live. Discover now