Unfair Love (One Shot Story)

116 6 1
                                    

"Pat Pat!!!"

"Oh napano ka na naman Tabs?"

"Magdodota na naman ba kayo nina Mac?"

"Oo daw ata. Niyaya ako nila Christian e."

"Ganun ba? Wala man lang sinasabi sa'kin yun. Nasusura na talaga ako sa kanya."

"Parang di ka na nasanay kay Mac ahh?"

"Pat naman e! Unang una, hindi na nga siya nagsasabi sa'kin, saka siya magpapaalam pag aalis na. Tapos hindi man lang niya ako hinahatid kahit hanggang sakayan lang!"

"Kelangan mo ba talagang sumigaw?"

"Ang dami mo naman reklamo Pat e! Gusto ko lang maglabas ng inis ko!!!"

"Nakikinig naman ako ahh. Wag ka lang sumigaw!"

"Sorry." biglang nguso pa niya. Kaiba talaga ang babaeng toh. Tomboy kumilos pero may pagkababae din naman ang nararamdaman niya.

Ako nga pala si Kyle. Pat ang tawag sa'kin ni Tabs kasi payatot daw ako. At etong tomboy na tababoy na toh ang best friend kong babae, si Keira o Kei. Tabs ang tawag ko sa kanya, pangasar ko. Chubby kasi siya. Haha!

Kung tutuusin hindi ko naman siya tinuturing na best friend lang. Mas malalim pa kasi dun ang turing ko sa kanya. Napaka-special niya sa'kin.

Nakita kong papalapit na sa'min si Marco o Mac, boyfriend niya. Masama na naman ang tingin sa'kin. Sobra akong pinagseselosan nito e.

"Mhe, aalis na kami. Magdodota pa daw kami e." paalam niya kay Tabs.

"Hindi mo na talaga ako ihahatid?"

"Nagkayayaan na kasi. Bukas, promise, ihahatid na kita. Sorry ha. Babawi ako promise mhe."

"Buti ba kung may bukas pa. Tss. Geh! Isaksak mo sa baga mo yang dota mo!" umiral na naman ang pagkatomboy niya. Kinuha niya ang bag niya at umalis na.

"Keii naman!" sigaw ni Mac. Tumingin lang siya sa'kin at umalis na pero sa barkada niya siya pumunta. Hindi man lang ba niya susundan si Keira? G*go talaga tong lalaking toh.

Sinundan ko si Kei. Hindi na lang ako magdodota. Panigurado naman kasi umiiyak na naman siya.

Bakit ba kasi ang iyakin niya? Ang siga siga na nga niya tapos iyakin pa. Psh.

Nakita ko siya sa canteen. Daming pede pwedeng puntahan, dito pa talaga. Wala nga namang tao. Labasan na kasi.

Ibinili ko siya ng pagkain. Dito ko lang siya napapaamo e. Haha!

"Eto, kainin mo."

"*hik* H-Ha? *hik* Salamat!" pinahid niya agad ang luha niya. Arte pa, kukunin din naman. Haha!

"Ikain mo na lang yan! Alam ko namang effective yan sayo e! Haha!"

"Ampotah! Ganun? *hik* Sira ka talaga no?! *hik* Ulul!"

"Haha! Ay siya, akin na uli yan!"

"Ano ba?! Sayang! *hik* Akin na! Ikaw naman, hindi na mabiro. *hik*"

"Aba'y tahan na! Haha!"

Pinunasan niya ang luha niya saka umimik uli, "Tange! Ikaw kaya! Teka, kala ko ba kasama ka nila?"

"Ayoko na pala. Nagbago na isip ko." Mas mahalaga ka kasi sakin.

"Naks! Buti ka pa ganyan. *sigh* Kelan kaya siya magbabago?"

"Kung mahal ka naman ng isang tao, hindi ka naman ipagpapalit sa kahit na anong bagay e."

"Yun na nga ang masama. Para bang mas priority pa niya ang dota kesa sa'kin na girlfriend niya." nangingilid na naman ang boses niya. Sa'kin ka na lang kasi. Sa'kin magiging masaya ka.

Unfair Love (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon