One Shot Story

302 7 0
                                    

Isang gabi ay may kumatok sa kaniyang pintuan, naalimpungatan siya mula sa mahimbing na pagkakatulog.

Madilim ang paligid at tanging sinag lamang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa kapaligiran.

Bago siya bumangon sa higaan ay lumapit sa kaniya ang alaga nyang pusa.

Tumingin ito sa pintuan na malapit sa sulok ng kaniyang kuwarto.

Patuloy padin ang pagkatok ng kung sino man hanggang sa dahan dahan itong nagbukas.

Wala siyang nakikita kundi kadiliman pero dahan dahang nag-adjust ang kaniyang paningin sa dilim at nakakita sya ng isang pigura hindi niya mawari kung ano ito pero sobrang payat, matangkad at kung tumayo ay parang isang hayop na apat ang mga paa.

Dahan dahan itong lumapit sa kaniya habang ito ay humuhuni na parang ibon ngunit napakasakit sa tenga ito ay nakakabingi at nakakaapekto sa pagiisip.

Siya ay natatakot at hindi makagalaw o makapagsalita kahit anong pilit niya ay hindi niya ito magawa kakaunti na lamang ang pagitan nilang dalawa at akmang kukunin na siya nito ngunit siya ay nagising, isang panaginip lang pala.

Saktong pag-gising niya ay may kumatok naman nagaalangan siyang pagbuksan ito dahil baka ito ang nilalang na nasa panaginip niya at muling kumakatok sa kaniyang pintuan.

- end

DILIMWhere stories live. Discover now