Akin Ka Baby Boy!

134 7 56
                                    


Kanina ko pa hinihintay si Valerie. Kaibigan ko lang naman. Nandito na kasi ako sa meeting place namin. Bibili daw siya ng mga damit. Medyo shopping obssesed din kasi siya.

"Allysa! Allysa!" narinig kong may sumigaw. Tumingin ako at nakita ko ang isang Valerie De Guzman at Isang Byun Baekhyun.

Bakit nandito yung ungas na yun?

Lumapit ako sakanila at naka-holding hands sila. Sana ganun din kami ni Kyungsoo in the future :3 Tumabi ako kay Valerie tinapat ko yung bibig ko sa tenga niya. "Akala ko ba tayong dalawa lang? Bakit nandiyan ang boyfriend mo?" bulong ko sakanya.

Ngumiti lang siya at tinaas ang kamay nila. "Samahan niya daw ako. Di ka daw pwedeng pagkatiwalaan." sabi niya. Nakita ko naman si Baekhyun na tawa ng tawa.

"Ikaw bakla ka! Halika dito!" sigaw ko sakanya. Hinarangan naman kami ni Valerie agad. "Hep! Hep! Tama na!"

Nagsimula na kaming este silang mag-shopping. Wala akong pera eh! Di binigyan ni motherhood. Si Valerie at Baekhyun naka-apat na shopping bags na. Nahihiya ako!

Kumain kami sa isang restaurant para mag-lunch. Tapos dumeretso rin sa school. May practice kasi ang EXO at EXO-L. Ang EXO ang pinaka-magaling na football players. Walang makakatalo sakanila. Isa sakanila crush ko. Si Do Kyungsoo. Pogi kasi!

Ang mga EXO-L naman ay yung cheerleaders. Nag-momotivate para manalo ang EXO. Isa ako dun. 2 years na ako sa cheerleading. Sana kahit minsan napansin rin ako ni Kyungsoo. Ako yung incharge sa tumbling and buhat-buhat. Di ako nawawala dun :)

"Ok from the top! 1, 2, 3!" pagkasabi ng instructor ay gumalaw kami agad.

Nag-tumbling na kami ni Chelsea at pumunta sa pwesto namin. "GO! GO EXO! GO! GO! GO EXO! GO!" sigaw namin habang ginagalaw ang pompoms namin bago nag-split si Valerie. Yes, kasama siya.

Nag-break kami ng 10 minutes at nag-punta sa bench. Nakita ko naman na nag-prapractice ang EXO. Nakasuot sakanila ang football uniform nila. Yung pang practice. Iba kasi yung pang-laban nila. Astig noh?

Nakita ko naman agad yung lalakeng nakasuot ng football uniform na may 12 sa likod. Nickname niya ang nakasulat sa uniform niya. Apelyido niya daw kasi his family is his inspiration.

Si Minseok, Yifan, Junmyeon, Yixing, Jongdae, Kyungsoo, Zitao, at Jongin, puro nickname nila ang nakalagay sa uniform nila.

Nakatitig ako sakanya nang mapatingin siya saakin. Umiwas naman ako ng tingin at namula. Napansin kong nag-grin siya. Namula naman ako at kinilig. Tinignan niya ako! OMG! Sinabi ko sa isip ko.

Nagsimula ulit ang practice at yun tumbling here, tumbling there, tumbling everywhere! Gabi na rin ng matapos kami at ang EXO.

Bago pa umuwi ang EXO ay pinuntahan muna ni Baekhyun si Valerie at binigyan ito ng tubig. Sweet nila. Napatingin naman ako kay Kyungsoo. Pawis na pawis siya. HAWT!!

*dugdug* *dugdug* AHHHHH! Yung puso ko. Tumigil ka pleaseee!

Nilunok ko nalang ang laway ko at nag-paalam na. Di ko na keri yang hotness niya!

Nakarating ako sa bahay at syempre bihis na rin. Next week pala ang finals nila with Riverwood University. Syempre Northdale University ang panalo! Kami yun eh!

Kinuha ko phone ko at chineck facebook ko. Friends kami ni Kyungsoo sa fb kaya nakikita ko updates niya. May pinost siya 17 minutes ago. Picture niya ng naka-piece sign habang pawis siya at suot parin yung uniform niya. Tinignan ko yung likes at comment. 934 likes. 612 comments.

Aish. Daming likes. Famous kasi si baby boy. Sa dami ba naman ng tao sa NU. Nilike ko rin syempre. Nag-post din si Junmyeon at Zitao ng pictures nila. Handa na daw sila sa laban.

One Shot: Akin Ka Baby Boy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon