Chapter 11

310 6 0
                                    

#Inlove

Dalawang linggo niya akong iniiwasan simula nuong may muntik ng mangyari sa amin, bakit ang dali lang para sa kaniyang kalimutan ang nangyari sa amin? Mas lalo niya lang akong sinasaktan sa ginagawa niya, hindi niya ba alam na nasasaktan na ako.


Labing isa, labing dalawa hanggang isang daan na akong nagbibilang ng segundo kung kailan siya babalik ulit dito. Halos magagabi na. Iyong huli lang na pagsulyap niya sa akin ay ang nuong sinugod si Sol sa hospital.


Dahil sa kaniyang sugat, lahat din kami nag-alala sa kaniya, pero mas lalong nag-aalala ang kapatid ni Doc Cutler kaysa sa mga magulang niya. Nagtataka na nga ako ron dahil kakaiba narin ang kinikilos ng nakakatandang kapatid.


Hindi ko lang masabi ang mga chismis ko kay Doc dahil hindi na naman ako papansinin non. Halos ginawa ko narin lahat ng pagpapapansin sa kaniya pero ganuon parin, hindi niya ako pinapansin. Dederetso na lang agad siya sa kwarto at ilolock 'yon.


Kaagad kong naramdaman ang pagbukas ng seradura ng pintuan at nakita kong iniluwal nuon si Doc Cutler, may dala itong bag at dala dala nya rin ang kaniyang uniform na puti. Nakapolo naman siyang black na tinupi hanggang siko at ang kaniyang slacks na itim. Hindi rin papatalo ang buhok niyang nakataas, ngunit may natira pang mga hibla sa ibaba na siyang nagpaganda ng mukha niya.


Nagulat siya nang lumapat ang tingin niya sa akin na ngayon ay nakaupo na ako sa hagdan habang nagbibilang, napasimangot ako dahil wala na naman itong reaksyon.


"Kanina pa ako rito.... hindi ka man lang nagsabi sa akin kanina," pagsisimula ko ng usapan.


"Sinabi ko naman kay Manang, Lesha." Matipid na sagot nito at tinanggal na ang kaniyang sapatos na itim at inayos na 'yon sa may lalagyanan ng sapatos.


"D-dinalhan din kita ng lunch sa office mo, pero wala ka ron...." mahinang sambit ko pa. Bahagya naman itong bumuntong hininga.


"Sabay kami ni Ross maglunch," sagot niya na naman. Hindi na naman siya nagdagdag ng sasabihin at kailangan ay ako pa ang magsimula ng usapan o topic dahil hindi siya magsasalita kapag hindi ko siya kinausap o tinanong.


"May problema ka ba sa akin?" inis na tanong ko.


Kumunot naman ang noo niya at bahagyang tinapunan ako ng tingin kasabay ng paggalaw ng kaniyang panga.


"Iniiwasan mo 'ko, Doc. Bakit at ano bang dahilan ng pag-iwas mo sa akin, ha!" sigaw ko rito. Lumapit ako sa kaniya at tumingin ng mariin, bahagya ko ring hinawakan ang kaniyang braso ngunit parang napaso pa siya sa aking pagkakahawak.


Parang napapaso ang puso ko at unti-unting dinudurog dahil parang ang layo-layo niya na sa akin, hindi naman siya ganito nung bago pa mangyari sa amin 'yon. Hindi niya ako tinatratong hangin lang sa mga mata niya.


"Busy lang ako, sorry..." sambit nito at akmang tatalikod na, habang ako ay nakatingin parin sa kaniyang malapad na likod.


Hindi ko na napigilang tumulo ang aking luha, hindi ko na rin makayanan ang lamig ng pakikitungo niya sa akin, hindi ko kaya. Wala akong nagawa kung hindi tiisin nalang at pinilit ko nalang ipikit ang mata ko, at tinulog na lang 'yon.

The Doctor Affection (De Viola #2)Where stories live. Discover now