29.

68 2 0
                                    

Umagang-umaga pa lang ay hindi na ako mapakali. Kahit sa pagligo, abala ang isip ko sa pag-iisip kung paano ang gagawin mamaya. Nakaranas naman na ako ng ganito pero, hindi ko alam kung bakit kinakabahan pa rin ako.

"Lara, bakit hindi ka mapakali? Maupo ka rito at kumain ka na," puna ni mama.

"Kabado ka ba, 'nak?" tanong naman ni papa sa akin bago humigop sa kape niya. Inayos ko ang skirt na suot ko saka naupo sa upuan ko para makapag-almusal.

"Medyo po," sagot ko habang nagsasandok ng kanin.

"Kaya niyo 'yan, 'nak," my mother cheered me up. Kinausap lang nila ako nang kinausap hanggang sa napawi ang kaba ko habang nag-aalmusal kami. Ilang minuto lang ang lumipas, nag-chat na si Sarus na malapit na siya.

Nagsipilyo ako at inayos ang suot kong puting short-sleeved polo na naka-tucked in sa itim kong skirt. Wala akong mahiraman ng coat kaya hinayaan ko na lang. Pormal pa rin namang tingnan. Nang maayos ang sarili ko, lumabas ako habang dala ang mga bag ko at folders na naglalaman ng research paper namin.

"Mama, Papa, alis na po ako," paalam ko sa mga magulang ko nang makalabas ng kwarto. Humalik ako sa pisngi nila bago tumalikod pero, natigilan ako nang makitang may tao pala sa sala namin.

"Magandang umaga," aniya at agad gumuhit ang ngiti sa labi ko nang makitang napakagwapo niyang tingnan sa pormal na suot niya.

Like me, he's also wearing a white long-sleeved polo tucked in his black slacks. May coat siyang nakalagay lang sa braso niya habang ang bag niya ay nakasukbit sa balikat niya.

Leisarus Vincent is freaking attractive! So attractive as hell!

"Goodluck sa inyong dalawa, mga anak!" I heard my mother said before bidding us goodbye. Habang nasa byahe, abala lang kami ni Sarus sa pag-uusap tungkol sa defense namin. Kahit hindi kami magkagrupo, nagtulungan kaming dalawa at aminado akong kumalma ang kabado kong puso ko dahil sa kaniya.

Pagdating sa school, naabutan namin ang mga kaklase na abala sa paghahanda para sa defense namin. Inilapag ko ang gamit ko at lumapit kaagad sa mga kagrupo ko. Sa tatlong grupo na magde-defense, kami ang una kaya inaral naming muli ang paper namin.

Our leader properly divided our parts. She also listed possible questions the panelists could ask. Nakaupo ako sa isang tabi at abala sa pag-intindi sa parte ko nang may maramdaman akong nagpatong ng kung ano sa balikat ko. It was Leisarus.

"Suotin mo muna itong coat ko," bulong niya. "Your bra's color is showing, cover it," dagdag niya at tinulungan ako sa pagsusuot ng coat niya.

"Ang bigat," natatawang sabi ko. "Bakit hindi mo sinabi na nakikita pala 'yong kulay ng bra ko? Bumyahe tayong ganito ako?" nakakunot noo kong tanong.

"Kanina ko pa gustong ipasuot sa 'yo ang coat ko kaso baka pawisan ka sa jeep. Tinakpan naman kita kanina kaya, huwag kang mag-alala," sagot niya bago ngumiti sa akin.

"Bagay sa 'yo," nakangiting aniya bago hinaplos ang pisngi ko. "Goodluck, Lara," bulong niya bago yumakap sa akin.

"Goodluck din, Sarus," bulong ko at niyakap din siya.

My heart thumped when the time comes. Pinatawag na kami sa room kung saan magaganap ang defense at bago ako lumabas ng classroom, lumingon muna ako kau Sarus na agad ngumiti at tumango sa akin. I nodded back and waved at him before going out.

"Kaya natin ito, guys," one of my groupmate cheered.

Dama ang lamig sa classroon nang pumasok kami. Our panelists greeted us and gestured us to proceed. Panay ang paghinga ko nang malalim habang pinapakinggan ang part ng mga kagrupo ko. I silently cheered for them to discuss well and after a while, my turn came.

Catch Me When I Fall (SCS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon