CHAPTER 1

36 2 0
                                    

ATHALIA'S POV 

Tahimik akong naglalakad papasok sa room namin, dala-dala ko ang mga kakailanganin ko para sa Journal na gagawin ko patungkol sa eskwelahang pinapasukan ko at sa mga isyung tinataglay na rin nito. Kung pwede nga lang ilabas lahat ng bahong tinataglay ng mga estudyante at trabahador sa eskwelahang ito, matagal ko na talagang ginawa.

Sa totoo lang, pwede ko naman talagang ilabas ang baho ng bawat isa sa mga estudyante at trabahador dito sa lintek na eskwelahang ito. Masyado lang talaga akong mabait para sirain pa ang image nilang matagal naman na talagang sira.

Kagaya na lamang nang nakasanayan, marami na namang mata ang nakatingin sa akin habang naglalakad ako. Gustuhin ko man silang patulan kaso masama nga palang pumatol sa tanga, dahil baka maging tanga rin ako... kaya siguro hahayaan ko na lang. Wala naman silang alam. 

Sa tagal-tagal kong nag-aaral sa bulok na eskwelahang ito, nasasanay na lang din ako sa mga panghuhusga ng mga tao sa akin at sa mga ginagawa ko. Sinanay ko na rin ang sarili ko na maging matatag palagi, dahil sarili ko lang din naman ang maaasahan ko hanggang dulo. 

Sinanay ko na ang sarili ko na mag-isa, dahil wala na ang Ate kong kasama ko sa lahat. 

"Umiiyak ka na naman..." 

Agad akong napatigil sa pagmumuni-muni nang marinig ko ang boses ng kaibigan kong si Joseph.

"Tanga, may luha? May luha?" pamimilosopo ko.

"Sabi ko nga, wala. HAHAHAHAHAHA!" napapakamot sa ulong sabi nya. "Amin na nga ‘yang mga bitbitin mo para saan ba ‘to, Tata?"

"Para sa club namin, kailangan kong ipasa lahat ng articles na ginawa patungkol sa Benison" sagot ko.

"Baka naman naglabas ka na naman ng ikakasira ng mga tao rito, ha? Baka pagalitan ka na ni Ate Tina nyan." natatawa pang ani nito.

"At bakit naman ako pagagalitan ng isang sikat na aktibista rito sa Benison, ha?" seryosong tanong ko.

"Oo nga pala, nawala sa isip kong aktibista nga pala ang isang 'yon." ani ni Joseph habang napapasapo sa noo.

Hindi ko na lamang pinansin pa ang mga sinasabi nya, dahil panigurado akong hanggang mamaya sya magsasalita r'yan hangga't hindi napapagod ang bibig niya.

Nag-dirediretso na lamang ako sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa aming room.

Agad naman akong nakahinga nang malalim, nang makita kong kakaunti pa lamang ang tao sa room. Dumiretso ako agad sa pinakadulong upuan malapit sa bintana kung saan ako lagi nakapwesto.

Ibinigay naman sa akin ni Joseph ang mga bitbitin ko, at agad kong itinabi ito.

"Salamat." ani ko, at agad naman niya akong tinanguan.

Isinalpak ko muna ang earphones ko sa aking tenga, at agad na nagpatugtog.

Tahimik ang paligid, nakakapanibago.

Noon, kapag ganitong kadarating ko lang sa room, agad na mag-tetext sa akin si Ate Akime para lang tanungin ako kung nakarating na ba ako. Kung sasagot naman ako ng “oo”, maya-maya lang ay agad siyang pupunta rito kasama ang mga kaibigan niya.

"Ilang taon na rin pala..." bulong ko sa hangin at agad na napabuntong-hininga.

Maya-maya lang ay dumating na rin ang aming lecturer, kaya naman ay isinantabi ko muna ang mga thoughts na bumabalot sa isipan ko.

***

Mabilis natapos ang klase namin, at ngayon ay lunch break na namin. Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa office ng club namin– ang Journalism Club. Kagaya nga nang nasabi ko kani-kanina lang ay kinakailangan kong ipasa ang mga articles na nagawa ko patungkol sa mga ganap nitong mga nakaraan.

So far, there is no such happenings that caught my attention.

Nang makarating na ako sa office namin ay agad naman na ako bumwelo na kumatok, nang bigla na lamang bumukas ito at tumambad sa akin ang ngiting-ngiting si Ate Ara.

"Oh, Tata. Nandito ka pala!" ani nito.

"Good Morning, Ate Ara. Nandyan po ba si Ate Tina? Ipapasa ko sana 'yong articles na ginawa ako about the past few days." I immediately asked, hindi ako fan ng small-talk kaya sinabi ko na talaga agad ang pakay ko... nagugutom na rin talaga ako.

"Tina, Tata is looking for you!" sigaw ni Ate Ara.

"Papasukin mo!" rinig kong sigaw ni Ate Tina, kaya agad naman akong humakbang papasok sa office.

"Good Morning, Athalia. Tungkol kanino ang article natin for today?" tumatawang ani ni Ate Tina.

"Tungkol po sa manyakis na utility sa school, char!" natatawa ring sabi ko.

"Loko kayo, mamaya may makarinig sa inyo!" suway naman sa amin ng isa sa pinakamalapit na tao kay Ate Tina– si Kuya Alexis.

"Edi pakinggan nila!" sabay naming sabi ni Ate Tina, kaya naman agad kaming nag-apir at nagtawanan. Samantalang ang dalawa naman naming kasama ay napapailing.

Matalik na kaibigan ni Ate Akime, ang mga ito. Kaya naman, sila na rin ang nagsisilbing mga nakatatandang kapatid ko. I'm so thankful of them, dahil hindi nila ako iniwan noong mga panahong lugmok na lugmok ako sa pagkawala ni Ate.

"Lapag mo na lang d’yan sa table ko ‘yong articles, beh. Basahin ko na lang later." nakangiting sabi ni Ate Tina, agad naman akong tumango, at akmang hahakbang na palabas ng office nang...

"No... It can’t be..."

"Ara, what's wrong?!" agad na tumayo si Ate Tina sa kaniyang kinauupuan, upang lapitan si Ate Ara.

"A-aimee... Si Aimee..." nanginginig na sabi ni Ate Ara.

Agad ko namang kinuha ang phone ko sa aking bulsa, at agad na binuksan ang net nito.

Sunod-sunod ang mga messages sa akin ni Joseph, kaya naman kahit tamad akong mag-basa ng mga chats ay binuksan ko ito out of curiosity.

From: Jojo
Tata, someone's committed suicide...

THE DEATH WISH OF AKIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon