Simula

0 0 0
                                    

Simula

"Kelly gumising kana na nga dyan, alas sais na, malalate kana, first day mo pa naman ngayon, jusko kang bata ka."

Naudlot yung maganda kong panaginip noong narinig ko ang malakas na boses ni nanay.

"Nay ano bayan aga aga pa eh" ungot ko habang pakamot kamot pa sa ulo at papahid pahid sa mata kung may muta. Badtrip na naman ako kase naudlot na naman ang panaginip ko.

"Jusko kang bata ka, anong maaga pa, eh alam mong first day of classes ngayon, nako Kelly Grade 11 ka na ah, magbago kana, tigil tigilan mo yang kakapuyat mo dyan at magpokus ka sa School ngayon, di ba sabi mo babawi ka?"

"Alam ko Nay" sabi ko nalang.

First Day of classes kase ngayon at oo Grade 11 na ako, at gusto kung bumawi ngayon. Ipapakita ko ang tinatago kung galling ngayon. Dahil noong nasa Grade 7 to 10 ako ay diko naipamalas ang galing dahil nga nahihiya pa ako, pero noong dumating ang pandemic ay nagbago ang lahat, tumaas ang confidence ko. At ngayon sigurado na akong mag With Honor.

"Oh ingat ka nak ah, basta galingan mo sa school, wag kang magpapatalo okay!"

Opo nay, paalam na po" paalam ko kay nanay bago ako naglakad papunta sa sakayan, malayo pa yung sakayan dito na maghahatid sa amin sa school, mga nasa 100 hakbang pa.

"Manong plitik ni" sabi ko sa Ilokano.(Manong pamasahe ko po)

"Ni singkwenta met toy kwartam, awan baryam dita? Barya lang sa umaga." sabi nya.(Singkwenta naman itong pera mo, wala ka bang barya dyan?)

"Awan garud manong" (Wala po kuya)

Napilitan nalang syang magpasukli sa kapwa nya driver dahil wala talaga akong barya, kasalanan ko ba na hindi ako naniniwala sa barya lang sa umaga.

Nang makarating sa school ay parang sobrang saya ko, alam nyo yun, yung pakiramdam na habang tumitingin ka sa school ay parang bumabalik ang lahat, Kahit maraming nagbago ay, para sa iyo, parang iyon parin na parang walang nagbago, kase pandemic kaya two years kong hindi nalilibot ang school. Pumupunta naman kami dito pag kumukuha ng modules o kaya'y nagsasubmit pero iba talaga ang pakiramdam ko ngayon.

Habang naglalakad sa hallway ay may nakikita akong mga pamilyar na mga mukha, at hindi pamilyar na mukha. Parang nag sink in sakin na, marami pa akong makikilala, mga bagong mukha, barkada at pwede ding maging kaaway. Pero ngayon alam kong marami ng nagmatured na mga kaklase ko noon, yung nakikita kong post ng klasmayt ko noon na sobrang liit, eh sobrang tangkad na, tapos yung Morena noon na classmate ko at palaging binubully eh sobrang ganda na, pati nga yung bading eh sobrang siga na, jusko parang sa tingin ko nga eh parang wala namang nagbago sa akin.

"Good morning maam, asan po dito yung Room ng 11-ICT" Tanong ko sa teacher na nakasalubong ko sa bulding ng Senior High.

"Ah sa Computer Room Anak, doon sa pinakagilid na Room."

"Salamat po maam" sagot ko at sakto naman na may sumigaw sa pangalan ko.

"Kelly,Uyy Jean Kelly" si Edna pala na classmate at isa sa mga bestfriend ko mula nung Grade 7 pa.

"Uyy Kumusta" sabi ko.

"Anong kumusta, parang di tayo nagkikita, eh magkabarangay lang tayo!"

"I mean, kumusta anong pakiramdam mo kase nga First day of Face to face classes ngayon after two years diba?"

"Hayst, parang ngayon palang nababagot na ako, Lalo na nung nalaman ko yung mga subject natin ngayong first semester, yung Gen. Math talaga ako takot eh."

"Uyy nukaba kaya natin to no, tayo pa ba"

"Oo kaya natin to Lalo na't ang daming mga poging estudyante! Alam mo ba, may classmate tayong sobrang pogi, Ben ang pangalan, sobrang pogi promise, tapos sa GAS-A, si Kyle tapos yung isa pa na matalino daw, di ko alam yung pangalan eh, sa GAS-B naman si Mark yung pinsan mo, sa HE ay si Samuel nako, sinong di gaganahang pumasok no?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Battle of the HonorsWhere stories live. Discover now