SENRI'S POV:
--
It's been a year since the incident happened and Sinji is still in the hospital. Luther decided to bring her to France for her recovery.Malaki pala ang impact na nagagawa ng tattoo na inilagay sa batok ni Sinji, Flame at Barbara.
Flame confess everything he knows about the tattoo, all of the consequences and how to remove it permanently.
Pero sa estado ng katawan ng anak ko ay hindi siya basta-basta maiaalis agad dahil delikado ang tattoo na nailagay sa batok ni Seiji. The tattoo that implanted on Seiji is rarest one beside Sinji's tattoo. It will activate anytime if the person needed it.
Ayun sa paliwanag ni Flame, ang tattoo na ginawa niya ay isang proteksyon sa taong pinagtaniman nito pero hindi niya alam ang magiging epekto dahil sa libo-libong bata na pinagtaniman nila ng tattoo tanging si Seiji lang ang nakasurvive sa loob ng capsule.
"May nakikita ka na bang posibleng maging sagot kung paano matanggal ang tattoo sa batok ni Seiji?" tanong ko kay Gun.
Kasalukuyan kaming nasa laboratoryo ng HuPoFEL at pinag-aaralan ang dugo ni Seiji. Wala naman kaming nakikitang kakaiba sa dugo ng anak ko at sa tattoo sa batok nito.
"Negative, pare. Ang magagawa lang natin ay imonitor ang dugo ni Seiji. Maybe I can build some gadgets for Seiji and his siblings para mamonitor sila araw-araw."
"Parang kinulong mo naman ang anak ko sa gagawin mong 'yan."
"Yun lang ang tanging solusyon na alam ko. Anong gusto mo, matulad siya kay Sinji?"
Natameme ako sa sinabi ni Gun.
One year na ang nakakalipas pero hindi pa rin nagigising si Sinji. Ayun kay Gun, nasa coma si Sinji at hindi namin alam kung kelan siya magigising.
Nasa France ngayon ang katawan ni Sinji at minomonitor siya ni Boss doon. Hindi ko pwedeng iwan ang HuPoFEL kahit gustong-gusto kong makita si Sinji. Maging ang mga anak ko ay hindi ko maiwan dito sa Pilipinas.
"Hindi mo pa ba susunduin ang mga bata?" untag sa akin ni Gun.
Napabuntong-hininga na lang ako bago ko tinalikuran si Gun at tinungo ang pinto palabas ng laboratoryo.
Sa isang buong taon, wala akong ginawa kundi ang alagaan ang mga anak ko, pagsabayin ang trabaho sa HuPoFEL at gitarista ng banda. Noong una nahirapan ako lalo na sa mga anak ko pero dahil na rin sa suporta ng mga kaibigan ko ay nalagpasan namin ang lahat ng ito.
May mga panahong naging target si Seiji ng pumutok ang balita na anak ko siya, at nalaman sa under ground society na meron akong tagapagmana at nasa ilalim ito ng pangangalaga ng Bloodfist.
Hindi nila kayang pabagsakin ang Bloodfist kaya ang anak ko ang tinitira nila pero nagkamali sila ng binangga.
Pagkarating ko sa parking lot ay agad akong sumakay sa kotse ko at pinaharurot yon paalis sa balwarte ng HuPoFEL. Kailangan kong sunduin ang mga anak ko na nag-aaral sa L.A University.
Ilang minuto pa ang nakalipas narating ko ang L.A University. Ipinarke ko ang dala kong sasakyan sa harap ng I.T building at ng bumaba ako ay tinitignan ako ng mga estudyante.
"Hindi ba si Senri 'yan ng BlackHand?"
"Oh my god. Ang hot niya ang ang gwapo."
"Papicture tayo?"
Hindi ko pinansin ang mga estudyanteng nagbubulungan, bagkus tinungo ko ang Primary school nitong university at naghintay sa mga anak ko sa waiting area ng kindergarten. May mga magulang rin na naghihintay roon pero hindi ako umimik at hinayaan silang pag-tsismisan ako.
BINABASA MO ANG
Missing Melody
Любовные романы[BLOODFIST SERIES 3] On an unfaithful day that seemed to echo the weight of their past, Sinji Natividad and Senri Daeyl Kurusaki found their paths intertwined once more. The air between them crackled with tension, a palpable mix of pain and unresolv...