SINJI'S POV:
--
HINDI ko alam kung matutuwa ako sa pinaggagagawa ni Saviel. Beach wedding ang theme ng kasal namin at kasalukuyan kaming nasa resort na pagmamay-ari ni Trev."Bakit parang hindi ka masaya?" usisa sa akin ni Kastiel habang karga ang anak nitong si Kasreil Grei. Nakaupo ang mag-ina sa dulo ng kama na siyang tinutuluyan ko.
Napairap ako sa kawalan.
Sino ba naman kasing matutuwa kung sa kalagitnaan ng gabi ay dadalhin ako sa isang lugar na hindi ko alam kung saan tapos may piring pa ako sa mata? Hindi ako natutuwa sa kaganapan ngayon.
"Sinong matutuwa sa ginawa sa akin? Ramdam ko na 'yong excitement kaso naudlot."
"Ay ang arte. Ikaw lang ata ang kilala kong labag sa loob ang magpakasal. Ayaw mo na ba kay Senri?"
Hindi sa nag-iinarte ako o ayaw ko kay Senri. Ang sa akin lang ay huwag nilang gamitin ang anak ko para sa sorpresang ito. Halos mawalan ako ng malay sa sobrang pag-aalala ng itawag sa akin ni Saviel na nawawala ang mga anak ko, tapos pagdating ko dito sa resort na sinabi nung kumuha ay bigla akong piniringan at dinala sa kwartong ito. Nagising na lang ako na iba na ang damit ko.
"Hindi sa ayaw ko kay Senri, naiinis lang ako."
"Pwede ka pa namang umatras kung ayaw mo." segunda naman ni Ernaline habang nag-aayos ito ng sarili niyang mukha.
Inirapan ko ito at muli akong humiga sa kama.
Sa dami ng pinagdaanan namin, hindi ko aakalain na makikita ko ang sarili kong may pamilya na. Maging ang mga taong importante sa buhay ko ay may sarili na ring pamilya. Ang sarap lang isipin na sa dami ng dagok at pagsubok na dumating sa amin nanatili kaming matatag at pinagtibay ng panahon.
"Bumangon ka dyan, Sinji. Malapit na ang oras ng kasal mo." pamimilit sa akin ni Kastiel pero hindi ko pinansin ang babae bagkus ay nagtalukbong ako ng kumot.
Matutulog na lang ako kesa umattend sa kasal ko.
"Ano ba!?" reklamo ko ng biglang may humaklit sa kumot dahilan para mapabangon ako mula sa kinahihigaan kong kama.
Ang mga naniningkit na mga mata ni Saviel ang sumalubong sa akin.
"Anong kaartehan yan at hindi ka pa nag-aayos ng sarili mo, Sinji Natividad?"
Tumayo ako mula sa kama at hinarap si Sav. Ipinagkrus ko ang dalawa kong braso sa ibabaw ng dibdib ko at tinignan si Sav na parang nag-aamok.
"Kahit hindi ako mag-ayos ng sarili, maganda ako Saviel Hyuga."
"Aba! Lumalaban ka na?"
"Naman."
Sabay kaming napasigaw ni Sav ng tumama ang noo namin sa isa't-isa at tinignan kung sinong hampas-lupa ang nambatok sa aming dalawa.
"What the fuck... Kuya?" natameme ako ng makita ang bulto nito Kuya. Nakasuot ito ng hawaiian polo shirt at four pocket tokong shorts at naka-tsinelas pa. Habang ang sun-glasses nito ay nakasabit sa may bandang dibdib kung saan nakabukas ang dalawang butones ng suot nito.
"Kailan ba kayo titino na dalawa? Hanggang sa kasal ba naman puro kayo kalokohan?" komento ni Kastiel na naiiling pa bago tumayo mula sa kinauupuan nito ng makitang pumasok sa kwarto si Reiden Grei.
"Wala kasi akong supply ng bitamina kaya kinulang sa turnilyo ang aking utak." sagot naman ni Sav at hinawi pa si Kuya Luther para makalapit sa pwesto ni Ernaline.
"Kulang daw sa dilig, Kuya. Pano ba 'yan mukhang napag-iiwanan ka na." bulong ko naman kay Kuya Luther.
"Tss. Why am I included? Do I look like I'm a developer of her medicine?"
BINABASA MO ANG
Missing Melody
Romance[BLOODFIST SERIES 3] On an unfaithful day that seemed to echo the weight of their past, Sinji Natividad and Senri Daeyl Kurusaki found their paths intertwined once more. The air between them crackled with tension, a palpable mix of pain and unresolv...