CHAPTER 21

104 4 0
                                    

Artemis stood and went to the balcony, kipkip niya ang kumot sa hubad niyang katawan. After an amazing night with Orion, nakatanggap siya ng text mula kay Governor Lamariey. He was asking na mag-online siya kung may bago silang irereport sa kanya. Sinabi niya ditto na wala pang bagong report si Dike, pero nangako itong sa pag-uwi sa makalawa ay may maganda ng balita. Saglit siyang nanatili sqa balcony ng unit ni Orion and looked at the moon and the stars in the sky. It's so calming that just by the look at it  ease all her tension from work at sa personal nilang problema sa mga hysterics ni venus sa maya't mayang pagpapadala ng killer ng mga hindi kaaya-ayang bagay. It's a good thing that Dr. Caleb is there for there sister. Imbes na tumulong muna ito sa kasong hawak nila ay inuna nito ang pag-aalaga sa kapatid nilang si Venus.


After a few minutes she went back to the bed and lay beside Orion. At dahil nakabukas ang bedside lamp ay Malaya siyang matitigan ang kakisigan ng nobyo niya.


She's about to sleep ng marinig niya itong umungol at balingan niya ay nakita niyang pabiling-biling ito sa higaan, malalaki ang butil ng pawis sa noo.


"Ryu.. Ryu ..", sa pagitan ng mga ungol ay sambit nito na nakapagpatigil sa hangin ng kamay niyang hahaplusin sana ang mukha nito.


Napataas ang kilay niya sa narinig na pangalang binanggit nito. Sa pagkakaalam niya ay wala ng natitirang kapamilya ang nobyo at wala din siyang nabasang taong nagngangalang Ryu sa file na ibinigay ng kapatid na si Dike as a result ng pagpapaimbestiga ni Yna ditto.


"Ryu.. Ryu..", pabiling-biling ang ulo nito habang patuloy na tinatawag ang pangalang Ryu. Hindi naman niya sigurado kung babae o lalake iyon kaya ayaw niya munang pangibabawin ang emosyon.


She tried her best to sleep that night ng maging mahimbing na muli ang tulog ng nobyo. Ayaw niyang kutuban o bigyang kahulugan ang nangyari pero sabihin ng woman's instinct ang naramdaman niyang kaba.


********************************************************************


"Sis, nakikinig ka ba sa akin?", tanong ni Yna sabay tapik pa sa balikat niya.


Muntik na siyang mapalundag sa ginawa ng kapatid, napatingin siya dito at nakita niya ang pag-aalala sa mukha nito at ng iba pa niyang kapatid. Sa meeting na 'yon ay si Venus lang ang absent, they gave her a break para magpakalayu-layo muna habang hindi pa nila nahuhuli ang criminal.


"Are you ok Art?", tanong ni Dike.


Umayos siya ng upo. "Yeah, I'm fine. Medyo marami lang kasing trabaho sa office", she tried to smile to them kahit hindi abot sa mga mata niya. "Ano nga ulit 'yon Yna?".


"I said, may bagong natuklasan si Dike tungkol sa nangyari sa Greece na mukhang may kinalaman sa pagpatay sa anak ni Gov", Yna patiently tell her again.


Tumayo si Dike at sinimulang buksan ang presentation niya.

"This is the file of the young Antonio Alexopoulos during the trial of his crime", at nakita nila ang larawan ng isang gwapo at napakainosenteng bata. "Gaya ng ini-report na ni Caleb sa inyo ay umalis siya ng Greece kasama ang nakababatang kapatid na si Mina Alexopoulos at ang anak ng kalaguyo ng kanilang ina na napag-alaman nating si Paolos. I did try my best to get his last name dahil yun na ang ginagamit ni Antonio ng umalis sila ng Greece pero sa hindi malamang dahilan ay nabura lahat ng record tungkol sa kanilang tatlo".


"How come nabura lahat? Ba't may info kang nakuha tungkol sa kanila?", Fina asked, puzzled.


"Masyadong naging maugong ang kasong iyon dahil sa isang menor-de-edad ang salarin kaya naman covered ng media ang kaso. Nakapaghalughog ako sa national library ng clippings ng balita tungkol sa kaso", Dike explained.


"How about Mina and Paolos' pictures?"Art asked while drinking her iced tea pero nakatingin sa kapatid ang mukha.


"Walang kahit anong pictures ng dalawa, they were not allowed to go to the court back then dahil masyado pa din silang mga bata", napabuntung-hininga si Dike.


"So we are in a dead end again?", tanong ni Yna.

"Yeah, I guess.", saka tumitig sa mata ng kanilang nakatatandang kapatid.


"But I have a proposition mga sis. I know this is very dangerous but we have too do this para mahuli ang criminal na ito", may pag-aatubili pa sa tinig na sabi ni Dike.


"What is that?", sabay-sabay pang tanong ng tatlo.


Then she grin at them.

 ***********************************************************

"I can't believe you agreed to this Yani!", galit na bulyaw ni Venus mula sa kabilang linya.

Nakikini-kinita na ni Yna ang namumulang mukha ng kapatid at ina-alo naman ito ng mabuting doctor na si Caleb.


"how dare you, all of you!", muli nitong sigaw.


Kung hindi lang kailangan ay hinding-hindi ikaw ang gagawin naming pain sa criminal. Andami mong reklamo

!

, sigaw ng utak niya.


"Stop acting like a child Ven. All of us have been equipped for such times as this and besides, hindi naman kasalanan kung ikaw ang pinupuntira ng kung sino man yan", nnaiirita na ring sagot ni Yna.


Narinig nalang niya ang pag-iyak ng kapatid sa kabilang linya at pang-aalo ni Caleb ditto, pinayagan kasi nila ang doctor na samahan ang kapatid sa pagtatago at pagpapakalayo-layo. Naiintindihan niya ang pinanggagalingan ng galit ni Venus, bakit pa nga ba naman siya pinagtago tapos ngayon ay gagawin pa siyang pain? At first ay ayaw nilang pumayag nina Fina at Art sa plano ni Dike pero nakita nila na wala ng ibang paraan para mahuli ang criminal.


"You have to do this sis, hindi pwedeng magtago ka habang-buhay", she said with conviction in her voice.

The Deadly Goddess: ARTEMISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon