UTS 19

3.4K 69 7
                                    

Chapter 19

Hindi ko pinalampas ang dumaan na weekend, I tried to revise and check if my work will pass Caden's standards. 'Yon lamang ang ginawa ko buong sabado at linggo, as far as I know nakabalik na ito ng Manila noong Sabado pa?

That's what he said though.

I checked his viber, hindi ko ito naaabutang online minsan ay one hour ago na o kaya 5 hours ago. I think he is not that active atsaka as if naman ichachat ko siya kaya nabobother ako, napansin ko lang.

I walked inside the office and greeted my co-workers at hindi na ako umupo sa  upuan ko. I headed immediately to the printer to print my files.

I know he's already here, maliban sa alam kong maaga talaga siyang pumapasok nakita ko ulit ang sasakyan niya kanina.

Wala naman ng epekto sa akin, siguro ay dala lang ng gulat? o kapag lagi kong nakikita ay nasasanay na ako. I don't know if this is really a good thing, but if this really helped me improved, then I think this is better.

Better than I expected, akala ko puro negative ang makukuha ko sa paglapit sa kanya.

I watched the papers being printed out, kinuha ko na iyon at inayos nang natapos na at inilagay sa itim na folder. Nang matapos ko ang ginagawa ay pumunta na ako sa office nito, I knocked twice bago pumasok, the manly scent of his room welcomed me again.

"Good morning." bati ko, hindi ito nakasagot at mukhang nagulat sa sinabi ko.

Ni hindi niya tinago ang reaksyon, his face looked amazed as I entered his office.

Tumayo ito sa upuan at umikot sa harap ng mesa, umupo ito ng bahagya doon. Nakakrus ang braso ay hinarap niya ako.

"Tapos na?" tanong nito nang iabot ko ang folder.

"Noong friday pa, kaso wala ka. Narevised ko pa ng kaunti."

Tumango-tango ito at binuksan ang folder, kahapon ang wala akong ibang maramdaman kundi excitement. Pero ngayong iniexamine niya na ang gawa ko at bigla akong kinabahan, kahit na sabihing kong matagal ko na siyang kilala at alam ko ang pagkatao niya, na kaya ko siyang itumba kahit anong oras. He is still more experienced and knowledgeable than me in this, this is his expertise.

Tahimik niya ito binasa, sinunod ko naman lahat ng directions na ibinigay niya sa akin. They want a romance and action story; I tried my best to highlight the two genres without taking the mysterious vibes of it.

His brows furrowed as he finished it, well intro palang naman iyon kaya hindi pa mabibigat ang nilagay kong scenes, hindi ba siya satisfied?

Nang matapos niya na itong basahin, kumuha ito ng ballpen. I saw him encircled some parts. Isinara na nitong nagfolder at ibinigay sa akin.

"I like it, continue with this story. I highlighted some parts to improved, I know you can do it, just revise those parts." maamo nitong saad, parang nagliparan lahat ng kaba ko kanina.

Mabilis ko iyong kinuha, "Thank you," sagot ko.

Aalis na dapat ako nang biglang may pumasok sa isip ko, tatanungin ko ba siya? Kapag hindi ako nagtanong will he find it rude lalo na't alam kong nagkaproblema nga siya? o hindi nalang ako magtatanong dahil baka ano ang isipin niya?

Bahala na.

"Caden,"

"Hmmm?" bumaling ito saakin.

"You went to New York?" yun palang ang sinabi ko at parang nakuha ko na ang atensyon niya.

"Oo, balikan lang."

"May problema sa New York?" sa company mo?

Tumaas ang kilay nito, nagtataka kung bakit bigla akong nagtanong.

Under the Stars (Tonjuarez Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon