ATLANTIS

5 0 0
                                    

"Good morning, si Yesh nandito ba?" Almost immediately the classroom went silent.

Lumingon 'din ako agad sa pintuan nung marinig ang pangalan ko. Kuya Dom's head was peeking inside the room. 'Yung mga babae sa front seats kung saan siya nagtanong, agad na namula at tinuro ako.

Tumayo ako at isinilid muna ang scrapbook sa loob ng bag. Then walked towards Kuya Dom. He was smiling from ear to ear nung makita ako. Itinaas niya ang kamay na may hawak na cellophane. I could see biscuits, a choco drink and cola inside the transparent cellophane.

Umatras siya mula sa pintuan para hindi makaharang sa mga papasok na kaklase ko. Nagkakatingin pa sila ng mga kasama nung makita si Kuya Dom, Kuya Caleb at Kuya Ash sa labas ng classroom.

"Bakit?" Mabilis kong saad nung makalabas. Kahit kasi nakatalikod ako sa classroom, ramdam ko ang titig ng mga kaklase ko saming apat.

Kuya Dom handed me the cellophane after I talked.

"Hindi ka nag recess" saad niya. Hindi ko alam kung paano nila nalalaman, but this isn't rare. May miminsan talagang hinahatiran nila ako ng snack sa classroom pag hindi ako nag r-recess.

"Si Kuya Kokoy?" Saad ko nung makitang silang tatlo lang ang bumaba mula 4th floor ng Senior High building para mag recess.

It's a rare sight kapag kulang sila ng isa o dalawa.

"May tinatapos na assignment kaya nagpabili nalang" tumango ako kay Kuya Caleb at napansin ang isang cellophane na dala niya.

"Si Fr--Kuya Fred?" But instead of answering, nagyaya na si Kuya Dom umalis. He is looking at his wrist watch, napatingin tuloy ako sakin at nakitang may 10 minutes nalang na natitira sa break.

Nagpatiuna siyang maglakad palabas ng building ng Grade 10 matapos magpaalam, sumunod 'din si Kuya Caleb. But Kuya Ash slowed down.

"May tinatapos 'ding assignment kaya nagpabili 'din ng snack. Kaso nakalimutan ni Dom kaya baka hindi siya makapag snack ngayon" Kuya Ash was smiling widely. Agad namang napakunot ang noo ko at automatically na inilahad ang snack na binili nila para sakin.

"Oh no. Mas kailangan mo ng kain sa liit mong 'yan. And Kokoy would surely share his snack" then he chuckled. Pabiro ko naman siyang sinimangutan.

"Mauna na kami" he said.

"Salamat dito Kuya Ash" tinaas ko ang kamay na may hawak sa mga snacks. He smiled at ginulo ang buhok ko bago sumunod kay Kuya Caleb at Kuya Dom.

Hapon nung isinuli ko na kay Kristen ang scrapbook niya. She was smiling brightly at me nung inilahad ko ang scrapbook. Pauwi na siya nung tinawag ko.

"Salamat!" She is smiling brightly habang pabalik balik ang tingin sa scrapbook at sakin.

"Hmm" I just said and smiled.

"Pauwi ka na?" She said and smiled at me again. Umiling ako.

"Hindi pa, manonood ako ng laro ng kuya ko ngayon" I said at tinignan ang relo ko. They must have been in the court now.

Laro nila ngayon, Strand vs. Strand. ABM Strand ata ang kalaban nila. That is why they kept practicing this passed few days. Matatangkad mostly and players ng ABM, magagaling 'din 'daw mag laro.

"STEM vs. ABM diba ngayon?" Tumango ako.

"My Kuya is playing too. Gusto mo sabay na tayo pumunta sa court?" Napakunot ang noo ko. May kuya siyang Senior High?

"Sino?" Hindi ko napigilang saad.

"Atlantis Hidalgo" napanganga ako habang nakatingin sa kanya.

Atlantis Hidalgo is the MVP last year. Siya 'din ang dahilan kung bakit defending champion ang ABM ngayon. Played quite well last year. This is his last match just like the Enriquez cousins and Kuya kasi g-graduate na sila.

What are the Chances? (Nightfall Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon