It has been five months mula ng magising si Artemis sa kanyang pagkaka-coma pero hindi magawa ni Orion ang matagal na niyang plano kapag nagising ang dalaga: ang magpropose dito.
Gustong-gusto niyang sakalin si Caleb sa gamot na ipinainom sa nobya. Gumaling nga ito at lahat-lahat pero nagka-amnesia naman! At ang nakakainis pa ay mukhang ang isang taong nakalipas lang sa buhay nito ang hindi nito maalala. Caleb told them na kahit umepekto ang anti-body na inilapat nila sa dalaga ay naapektuhan na ng lason ang short-term memory ng dalaga ng kumalat ang lason at muntik ng maubusan ng oxygen sa bahaging iyon ng utak nito.
"Damn!", napamura siya ng makita ang nobya na sanay na sanay na nagpa-practice sa shooting range sa loob ng mansiyon ng mga ito.
Araw-araw ay bisita siya doon at ang pakilala lang muna sa kanya ay ang pulis na nag-asikaso sa kasong hinawakan ng grupo nila sa nakalipas na taon.
He tried his best na makalapit sa babae pero mukhang napakatigas nito, madalas ay hindi siya pinapansin at minsan naman ay tinatanguan lang siya.
"Iyan ang totoo niyang ugali bago ka niya nakilala Orion, kaya kung totoong mahal mo siya ay makakapaghintay ka", naalala niyang sabi ni Dike sa kanya.
Nakaupo siya sa labas ng shooting range at matamang pinagmamasdan ang bihasang pagbaril ni Artemis sa target nito.
The huntress and negotiator of The Deadly Goddesses, huh?,
hindi niya alam kung matatawa o ano pero hindi niya akalain na sa likod ng mala-anghel nitong kagandahan at mga ngiting tumunaw sa puso niya ay nakatago pala ang isang mabangis na babaeng handing gawin ang lahat para sa katarungan at hustisya.
Napabuntung-hininga siya ng maalala ang kasong hinawakan niya, ang kaso ni Governor Lamariey. Napag-alaman nilang si Rakim pala ang nagpapanggap na Governor Lamariey at humingi sa kanila ng tulong. Siya rin pala ang totoong Lamariey at ginamit lamang ito ni Antonio para hindi ma-trace ng kahit sino. Maging ang kapatid nitong si Mina o Carmi ay ang apelyido ng nanay ni Rakim ang ginamit. Si Antonio ang nagpasya noon, siya din ang nagsabi kay Mina na dahil patay na ang tatay ni Rakim ay aakuin niya ang responsibilidad nito sa pag-aalaga sa binata. Ngunit ayon kay Rakim ay kinuha siya nito at inalagaan para siya ang magbayad sa kasalanan ng kanyang ama. Matapos ang isang taong pananatili nila sa Pilipinas ay pinalabas nito sa kapatid na namatay ito at ipinaako kay Rakim ang pag-aalaga kay Mina. That time, Antonio o Toni is already suffering from a psychological dilemma of killing people he thinks is like his mother. Namasukan diumano ito sa hasyenda ng dating gobernador ng Cavite bilang isang clerk, at dahil matalinong binata ay napahanga ang matandang gobernador at ginustong ipakasal sa nag-iisa nitong anak na babae na noo'y nabuntis ng dati nitong nobyo. Inako ni Toni ang responsibilidad sa pinagbubuntis nito at walang nakaalam na hindi niya anak ang bata maliban sa pamilya ng babae at kay Rakim na ng mga oras na 'yon kinuha niyang kanang kamay sa kanyang malalagim na Gawain. Ipinagtapat din ni Rakim na nagkaroon ng relasyon si Toni kay Louise, dahil ng malaman ng dalaga na hindi nito totoong ama ang lalake ay nagrebelde ito at inakit ang batam-bata at gwapong amain. On the night of her debut, she succeeded in seducing him pero inatake na naman ng kanyang psychological dilemma ang lalake at matapos may mangyari sa dalawa ay pinakain niya ito ng berries ng cronium. He called Rakim at sinabihang itapon ang katawan ng dalaga ngunit hindi nito inaasahang nagpanggap lang pala itong nawalan ng malay dahil narinig nito ang plano ng amain sa kanya. Nang ibyahe ang katawan nito at masiraan sa may tulay ang sa kotse ng mga tauhang inutusan ni Rakim ay bumaba ang dalaga at dahil noon palang umeepekto ang lason sa katawan nito hindi nito natantiya ang mga nangyari.
"Inisip niyang makakalangoy siya sa ilog kapag tumalon siya, pero hindi niya alam na napatagal lang ang epekto ng lason dahil sa alak na nainom niya. She died while in the water", naalala pa niyang saad ni Rakim habang isinasalaysay ang lahat ng pangyayari. "Antonio is a schizophrenic, everytime a woman would show interest in him, he would hear voices telling him that that woman is like his mom", patuloy nito. "I have to put up with him through all the years for Carmi to have a life—a normal life", puno ng pagmamahal sa itinuring nitong kapatid ang mga mata nito. Itinuring na din nitong tunay na kapatid si Mina and even gave her all the world. At dahil matalino at may pinag-aralan ay napalago nito ang trust fund na iniwan ng mga magulang bago namatay.
Rakim had been under the witness protection program and was given pardon because of the fact na hindi siya mismo ang pumapatay, just an accessory to the crime. Idagdag pa ang mga ginawa nito para mahuli ang totoong kriminal.
Nabalik sa kasalukuyan ang isip niya ng marinig ang malakas na putok ng baril. He saw her smile with satisfaction ng makitang bullseye ang target.
This will definitely be a bad idea but I have to try it to win her back.
Tumayo siya at napagpasiyahang sundin ang suggestion ng magkakapatid para bumalik ang ala-ala ng nobya niya tungkol sa kanya.
**********************************************************************************
Excited si Art ng araw na iyon dahil napag-usapan nilang magkakapatid na magkita sa isang restaurant para mag-bonding. Matagal-tagal na din mula ng lumabas silang kompleto. O baka hindi niya lang maalala na lumabas na pala sila ng kompleto. Napabuntung-hininga siya ng maalala na may partial amnesia siya. Hindi siya makapaniwala na nagyayari pala talaga iyon sa totoong buhay. Tumayo na siya mula sa pagkakahiga pero muli ay nahiga ng maalala ang kanyang panaginip. Mula ng magising siya sa pagkaka-ospital ay madalas siyang dalawin ng mga erotikong panaginip kasama ang isang lalakeng hindi niya maaninag ang mukha. Ayaw naman niyang itanong sa mga kapatid kung may naging kaugnayan siya sa kahit sinong lalake dahil natitiyak niyang mauungkat ang tungkol sa mga panaginip niya. NAmula siya sa isiping iyon at naipikit ang mga mata. Hindi niya maiwasang mag-init sa isipin palang ng mga panaginip na 'yon. The man was giving her one hell of a ride in her dreams. Hindi niya mapigilang hawakan ang mga labing sakop nito sa kanyang mga panaginip.
Napabalikwas siya ng bagon ng marinig ang malakas na katok sa pinto.
"Rise and shine Art! It's a big day today!", narinig niyang saad ng kapatid na si Fina sa labas ng pinto at umalis din agad ito.
Damn! Am I really having a daydreaming with a man with no face?!,
pagalit niyang sabi sa sarili. Nagmamadali na siyang tumayo at naghanda sa pagliligo at pilit na iwinaksi ang naging panaginip niya.
BINABASA MO ANG
The Deadly Goddess: ARTEMIS
Fiksi UmumIsang misteryosong pagkamatay ng isang labingwalong taong gulang na babae ang kailangan malutas ng secret group na kinabibilangan nina Diana, Dike, Artemis, Fina at Venus; ang Deadly Goddesses. But on their way to unraveling the mysterious death of...