Hate at First Sight (SHS Series #1) Completed
The Chant of Love (SHS Series #2)
This story contains spoilers from Hate at First Sight (SHS Series #1)
**************************************
Bea's POV
"Mama.. kanino po 'tong resort na 'to?" Tanong ko.
Naninibago kasi ako, hindi naman mahilig sina mama at papa na pumunta ng mga resort lalo na't gabi na at kaming tatlo lang naman.
Some of our helpers are carrying decorations, foods, and drinks. Hindi naman ako nabalitaan na may pa-party sila, biglaan 'to ah.
"It's for us anak, saatin 'tong resort na 'to." Sabi niya.
I was stocked and can't move, I still trying to refresh my mind but the sentence what I heard from mom is legitimate.
Pero, papaano?
I can't even imagine that they were planning this type of business before, hindi pa din ako makapaniwala dahil hindi naman sila mahilig sa ganitong business.
Karamihan kasi sa business namin ay puro beauty products at mga bags, paano napunta sa resort?
"Alam kong nagtataka kayo anak kung bakit tayo gumawa ng resort." Sabi ni papa.
Hindi pa rin ako makapag-salita, siguro bukas ang opening ng resort. May mga tao kasing nagdi-disenyo nito, malaki naman ang space, may pool para sa mga bata, mayroon ding para sa mga katulad ko at para rin sa mga matatanda.
Magaganda din naman ang mga cottage, mayroon ding tambayan, sa dulo nito ay puro na pang-bata dahil may mga slides at kung ano-ano pa.
Sa totoo lang, wala akong hilig sa ganito.
"Napag-isipan kasi namin ng mama mo na maiba naman, sayang naman kasi baka kung saan pa mapunta ang pera natin." Sabi niya.
Tumango nalang din ako, hindi din naman ako maka-relate sa sinasabi nila. Masaya ako kasi may bago silang business, pero 'di ko masasabi kung mapaglalaanan ko ba ng oras 'tong business nila dahil for sure, involved nanaman ako sa business na 'to.
I'm not the type of daughter that hates our businesses, though the fact is I really don't want their plans, I still support them as long as it works.
"Infareness 'no? Maganda din naman 'tong resort nila na 'to." Sabi ni Kuya.
He's the eldest among the siblings, we're four.. and I'll admit na si kuya 'yung may maraming makukuhang mana, maybe 'coz of his skills.
Isa siya sa mga kilala kong great young entrepreneurs.
Pinagmasdan ko masyado ang resort at oo nga naman, maganda.. ramdam kong papatok ito, especially sa mga kabataan. Aesthetic kasi at may pagka-modern design.
"Sa design okay tayo d'yan, 'yung magma-manage ba, okay?" Tanong ko.
Kung hindi ako papayag na mag-manage ng resort na 'to, pwedeng si Kuya naman ang mag-manage nito, but the question is... papayag ba siya. Lalo na't, mas bet niya 'yung mga club at night bars.
Huwag naman sanang ako pa ang ma-involve sa business na ito, dahil isinusumpa ko na hindi ko matutuunan ng pansin 'to, especially.. for some reasons.
"Labas ako d'yan Bea, alam mo namang ayoko ng mga ganitong business." Sabi niya.
Like what I said.. argh!
Napahinga nalang ako ng malalim, my god! Magsisimula namaman ang paghihirap ko. Hayst!
YOU ARE READING
The Chant of Love (SHS Series #2) | ONGOING
Teen FictionThis is a story that came from the music, how the chant makes them fall in love? Read the thrilling story of a girl who falls in love first and a man who falls in love last. Can they still be? Even if the woman's feelings for the man have been lost...