1

8 0 0
                                    

Maeve's POV

"Hay, ang init na naman ng panahon. Kelan ba kasi matatapos ang summer na to?"

Eto na naman si ako panay reklamo sa utak ko. Pano ba naman kasi, June na, eh ang init2 pa din. Diba dapat tag ulan na ngayon? pero teka, speaking of June, may bigla na naman akong naalala.

"AAAAAAHHHH!!!!! No! forget it na please!!" pasigaw kong sabi

"Hoy, Maeve? anyare sa'yo diyan? kanina ka pa ha!" galit na sabi ng pinsan kong si Fiona.

"eeeh, pabayaan mo muna ako. gulong gulo ang utak ko plus may naalala lang akong something na nag pop up na naman sa marumi kong utak. Hay ayoko na nga. Hoy, Fi! libre ka naman diyan ng milktea o. mag pa deliver na tayo. sobrang init na talaga, di na kaya ng skin ko." arte kong sabi

Eto kasing pinsan ko, work from home kaya naiingayan sakin tuwing umaga. 3am-12pm kasi ang duty nya weekdays at eto ako, 10am palang, panay ingay na't gusto na agad mag milktea.

"Behave ka nga muna diyan Maeve. Ang gulo mo. Queueing ang tickets ko ngayon kaya mamaya ka na mag milktea. Dun ka nga muna sa kwarto mo. Gusto mo bang mag OT ako? dahil ako, ayoko!! Gusto ko na matulog please lang. 2 hours na lang Maeve oh. Pwede ba?"

Oh, ayan na nga at napagalitan na ako ng tuluyan. Eh kasi naman 7pm pa ako nag on ng aircon kagabi at ayoko ng paandarin ulit ngayong umaga. Mahal na Meralco ngayon noh tsaka nagtitipid ako. Kakaresign ko lang kasi sa isang car insurance company. Ang laki laki ng quota per month at ang hirap magka commission. Aba, kelangan kong makaipon pero pano kung konti lang naman nakukuha kong incentives monthly dahil sa baba din ng commission ko. Eto kasing head naming dati, panay landian sa isang staff ayon nasiraan ng ulo, ginawa palang kabit. Ayun, damay2 na lahat Lalo na sa work performance.

Eh, wala nga akong lovelife eh tapos nadadamay pa tayo sa problema nila, better off this way. Nag Immediate resign ang lola niyo. Sino ka dyan?

"ATEEE MAEVE!!!" --- pasigaw na tawag sakin ng kapatid ni Fiona na si Kelly.

"oh, bakit? ang ingay mo, nasa kabilang bundok ba ako?" hirit ko

"nahiya naman ako sayo Ate, eh kanina lang, pinapagalitan ka ni Ate Fi eh" - pabirong bawi ni Kelly sakin

" eeeehhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh sige na nga. Spill the tea na. dami mo pang alam. Bakit ba?" sabay salubong ng kilay para kay Kelly

"Alam mo ba? may hiring ngayon. Ready ka na bang magwork ulit?"

My heart went OOOPPPPSSSS! hmmm... ready na ba akong magtrabaho? Para sa bills, OO! Pero sa katawan ko, parang tinatamad pa akong gumising uli ng maaga. HHAHHAHA ang tamad mo talaga Maeve.

"HUY! Tulala ka na naman Ate eh. bahala ka, isang staff nalang kulang nila oh. May copy ka ba ng resume sa laptop ko? send ko dito sa kanila ha?" sabi sakin ni Kelly habang hawak niya ang kanyang Ipad pabalik ng kwarto niya.

Lutang na naman ako dahil kakaresign ko lang last week, di ko pa naeenjoy ang pagiging unemployed ko, eh issasalang na uli ako sa pressured world. Pero sige, try natin. Wala namang mawawala eh. Pero teka? ano nga bang trabaho yan??

"HOYYY KELLY! SANDALI!!!" tinakbo ko na nga patungong kwarto ni Kelly dahil nadagdagan na naman anxiety ko sa ginagawa niya.

Ilang beses akong kumatok sa pinto at pagbukas ni Kelly, pulang pula pisngi nya sa kakatawa.

"Hoy teka. sinend mo na ba? di mo pa nga nadiscuss sakin anong klaseng trabaho yan eh. Mamaya, papasayawin ako nyan sa club ha!" pasigaw kong sabi kay Kelly na ngayo'y nakangiti habang nakatitig sa Laptop nya.

"HUY!!!!" tinapik ko na ang isa dahil ayaw pa din magsalita.

"Ate naman eh. ang sakit ah! eh, hintayin mo nalang tawag nila ha? Maliligo na ako. Matulog ka na muna ate para mawala na naman pagkalutang mo!" itinaboy niya na nga ako palabas ng kwarto nya at tulala pa din ako dahil di ko alam anong pinasok ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 15, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One summer nightWhere stories live. Discover now