Xyrine/Lor's P.O.V
Kasalukuyan akong nakanta-kanta habang pinag sisilbihan ko ang mga bisita ko dito sa boarding house na inuupahan ko.
"Mahal na Prinsesa, hindi niyo naman po kailangang pagsilbihan kami." saad ng mas nakakatanda sa kanila.
"It's okay, maluluto na ito at kakain na tayo..." ngiting saad ko.
"Ano nga ba ulit ang mga pangalan niyo?" tanong ko pa habang nag sasandok ng kanin.
"Ako po si Choki!" bibong saad ng batang halimaw na isa sa niligtas ko kahapon.
Halos mabawian siya ng buhay dahil sa bakal na net na yun.Ayun pala ang kanilang kahinaan.
Mabuti na lang tinuruan ako ni Sirene.Nag tataka ba kayo kung anong nangyari sa mga walang hiyang kawal na iyun?
>>>>FLASHBACK<<<<"At ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?!" galit na saad ko. Lahat sila ay takot na takot at gulat.
"H'wag niyo dakpin ang mga bihag! Sila ang nag hatid saakin dito!!" sigaw ko pa. Galit na galit talaga ako, pero mas nadag-dagan iyun ng makita kong humandusay ang batang halimaw."DALHIN SIYA SAAKING SILID!!!" galit kong saad sa mga kawal.
"O-opo m---mahal na prinsesa!" saad ng isang kawal at halatang nag pa-panick iyun. Well, lahat naman sila nag papanick.
"At kayo!" sigaw ko sabay turo sa apat na kawal na natira dito.
"P-po?" nanginginig nilang saad.
"Mag uusap tayo mamaya." kalmado ko nang saad at pumikit ng mariin para mabalik sa dati ang anyo ko.
Nang maayos na ang itsura ko, nakita kong naka nga-nga silang nakatingin saakin, at yung isang kawal ay nahimatay pa(Siya din po yung nahimatay na kawal sa previous chapter)
Napa iling-iling na lang ako at pinuntahan ang mga halimaw na ngayun ay nasa kwarto ko na.Ginamot ko sila sa tulong ni Sirene. Medyo nahirapan pa nga ako sa pag gamot sa bata dahil malaki talga ang kaniyang natamo. Pero nagawa ko pa rin naman na magamot siya.
Pagka tapos nun ay nag paalam muna ako sa kanila at pinuntahan na ang mga walang awa na mga kawal.
Pag dating ko doon ay naabutan ko silang naka luhod at tila takot na takot saakin.Ang gaserang hawak ko ay nilapag ko. Madilim na kasi, siguro nga ay madaling araw na eh.
"Who ordered you to do that?" malamig kong tanong sa pinaka lider nila.
Hindi ito sumagot kaya tinuro ko ang isang kawal at kasabay nun ay may lumabas kuryente sa hintuturo ko papunta sa kawal na tinuro ko. Isang iglap lang ay bulagta ito sa sahig.
Nakita ko mas natakot sila saakin. Ngayun pa lang mag uumpisa ang pag hihigante ko para sa Prinsesang ito. Hindi pa dapat sila ngayun matakot.
Nandito kasi ang kawal na kumidnap sa Princess Lorraine noon sa libro. Takot na takot ito at nanginginig pa."I. don't. want. to. repeat. what I. say." may diing bigkas ko.
"S-si Prince W-Wallen po your highness!" nanginginig na saad ng kawal. Napatingin ako sa kaniya pati na rin ang lider nila. Nakita ko pa itong tumingin ng masama sa nag sumbong na kawal.
Hindi ko alam, pero galit na galit ako ngayun!
"IPAKAIN ANG TATLONG KAWAL NA IYAN SA LEON!" sigaw ko sa mga kawal na kasama ko.
"Iiwan dito ang lider nila." malamig kong saad at tumalikod.Narinig ko pa ang sigawan ng tatlong kawal.
"M-mahal na Prinsesa! H'wag po! M-maawa p-po kayo!" sigaw nila ng paulit-ulit ngunit dire-diretso lang ako.Hindi niyo ko masisisi... Grabe ang galit ko ngayun. Muntikan nang mamatay ang walang kamwang-mwang na batang halimaw dahil sa kanila. Sumabay pa na nandun ang kwal na nangidnap kay Lorraine sa nobela, pati na din kay Wallen na basta-basta na lang nana-nakit. Tch!
Pumunta agad ako sa kwarto ko at natulog na. Nakita kong natutulog na din ang mga halimaw, meron dalawa sa sofa, meron dalawa din naka sandal sa kabinet ko, at yung bata naman ay may nilatag ako kanina na foam pero maliit lng yun at sakto sa kaniya kaya dun siya nakahiga.Napangiti ako at humiga na.And
EVERYTHING WENT BLACK...
>>>>End of Flashback<<<<
Ayun yung nangyari.
"Ako naman po si Fidora." magiliw na saad ng nanay ng batang halimaw.
"Ako naman po si Kolos." naka ngiting saad ng tatay ni Choki.
"Ako naman po Mil. Kaibigan ni Kolos." saad ng isa. Nginitian ko sila.
"Ako naman po si Doki!" magiliw din na saad ng isa. Babae si Doki at si Fidora. Habang si Koloso at Mil pati na rin si Choki ay lalaki.
"Nagagalak akong makilala kayo." naka ngiting saad ko.
"Kami ay nagagalak din na makilala ang isang katulad mong may mabuting puso. Siguradong magugustuhan ka ng aming hari!" saad ni Fidora. Siniko naman siya ni Koloso na kaniyang asawa.
"Masiyado ka talagang madal-dal, Fidora." seryosong saad nito at napa iling iling.
'Huh? Anong ibig sabihin ni Fidora? Kanilang hari?'
"H'wag niyo na lamang siya pansinin, mahal na Prinsesa." naka ngiting saad ni Koloso saakin.
"Osige ho. Kumain na po kayo." saad ko at nag simula na din akong mag sandok ng aking pagkain.
KASALUKUYAN akong nag babasa tungkol sa pag control sa kapangyarihan. I even reading books about self-defense in case of emergency, when someone planning to kidnap me again. Well, I will break their bones if they do that again, tss.
Lalo na ngayun na medyo marunong na ako ngayun. Walang nakaka alam nun kundi ako lang at si Sirene.Syempre nasa katawan ko siya eh.
"Mahal na Prinsesa, may nag hahanap po sa inyo." biglang sulpot ni Choki.
"Grabe ka naman Choki! Ginulat mo ako!" naka hawak sa dibdiban ko na saad.
"Hihihi! Sowwyy poe..." naka ngusong saad nito.
"Tss! Halika na nga." saad ko at hinawakan siya sa kamay.
Hinatid niya ako kung nasaan ang nag hahanap saakin.Pagka tapos nun ay umalis na siya. Nilibot ko ang tingin ko, nasa likod ako ng building ng boarding house.
Wala akong tao na nakita, pero ramdam ko ang presensya ng isang tao.Kaya hindi na ako nagulat nang may yumakap saakin sa mula sa likod.
"Baby..."
End of chapter 20.
BINABASA MO ANG
Reincarnated as the Villain inside the Novel
AdventureA girl named Xyrine will feel Pity for the Villain Lorraine, in so much pity she said something that would change her life and the Villain Lorraine.