Chapter 13

320 6 0
                                    

#Harana

"Ang mahal dito, hindi mo naman sinabi sa akin na dito mo pala ako dadalhin, Doc." Sambit ko. Hiniwa niya muna ang steak ko bago niya isubo sa akin 'yon. Katulad ko ay hindi pa nakakaranas na itrato ako ng tama.


Ngayon ko lang naramdaman ang pagpapahalaga ng isang tao sa akin, isang taong hindi ko aakalaing magiging kami.


"I wan't to spoil you, Lesha." Sabay ngiti nito.


Tuwing gagawin niya 'yon ay hindi ko mapigilang kiligin, konti nalang talaga magtatatalon na ako rito mismo sa loob ng restaurant. Lumalabas ang kaniyang pantay pantay at mapuputing ngipin habang ang kaniyang dimple ay lumalabas din.


Hindi ko rin napansin na nakatitig na pala ako sa kaniya, habang nginunguya ko ang aking kinakain. Nawawala na yata ako sa aking sarili, jusko naman kasing lalaking ito. Bakit kasi ganito siya mambaliw ng mga babae.


Kaya siguro patay na patay si Maam Rosset sa kaniya ay ganito rin siya katulad sa akin na deep inside ay kinikilig na rin.


"Sus... hindi pa nga tayo, ganyan ka na. Paano nalang kung naging tayo baka naman bilhin mo na itong restaurant na 'to ha!" biro ko.


Natawa naman ito nang marinig ang banat ko kasabay non ay ang pagpunas niya sa kaniyang labi, kahit pagpupunas ay nakakaattract pa rin. Hindi ko alam na ganito ako kabaliw sa kaniya na kahit sa simpleng bagay ay nagiging cute sa paningin ko.


"Hindi lang 'yon ang magagawa ko kapag sinagot mo na ako," sambit nito. Tumitig ito sa akin at natawa sa naging reaksyon ko. Kumuha siya ng table napkin at pinunasan ang aking gilid ng labi. Akala ko naman daliri niya ang ipupunas sa bibig ko.


Kaunting pakipot pa, Lesha. Huwag mo munang ibigay sa kaniya ang sagot dahil baka mamaya ay bigla ka nalang iwan niyan. Hindi tuloy ako makapagfocus sa aking kinakain dahil nakatuon lang ang aking atensyon sa kaniyang mukha.


Kung paano gumalaw ang panga niya habang ngumunguya ito, kung paano siya kapino gumalaw na pang mayaman at galing talaga sa mayamang pamilya.


Halos mapuno na ang tiyan ko habang hinihimas ito, hawak niya ang aking kamay habang lumalakad papuntang counter para magbayad ng kinain. Kinuha niya ang black card sa kaniyang itim na wallet at binigay 'yon sa babaeng crew.


"Saan tayo pupunta ngayon, Doc?" tanong ko.


"Hotel," sambit nito.


Kaagad lumaki ang aking mata nang sabihin niya 'yon, tumingin naman ito sa akin na parang may nagtatakhang mukha. Napakamot ako nang ilong habang iniisip ang susunod kong sasabihin. Parang napipi tuloy ako.


"We don't do anything, dadalawin ko lang si Drew. Iyong kaibigan ko, may lagnat kasi...." sambit nito. Nag-iwas siya nang tingin sa akin at parang nabunutan naman ako ng tinik sa kaniyang paliwanag. Akala ko kasi gagawin na namin 'yon, pwes hindi ko naman inaalala na baka mamaya mabuntis niya ako.

The Doctor Affection (De Viola #2)Where stories live. Discover now