Chaptet 11 " MGA KONDISYON "

23 3 2
                                    


THIRD PERSON'S POV:

Kitang kita ni Liza ang saya sa mga mata ng kanyang mga magulang habang kausap si Reggie. Halatang palagay na sila sa isat isa dahil nga matagal na rin naman silang magkakilala.

Sa puntong iyon nasabi na ni Liza sa sarili na malabo na talaga nyang mabawi ang nangyari. Ayaw nyang madisappoint ang kanyang mga magulang. Alam nyang tiwala na ang mga ito kay Reggie. Kaya nagdesisyon na syang panindigan na ang lahat. " Wala nang bawian "

LIZA'S POV:

" Iha, masiglang bati ni daddy
ng matanaw akong papalapit sa kinaroroonan nila.

" Kumusta ang pakiramdam mo? sabi ni mommy sabay hawak sa pisngi ko.

" Hi Liza ! , mahinang bati ni Reggie sa akin ngunit di ko sya nilingon.

" I feel better na po, malambing kong sagot kay mommy.

" O pano maiwan na muna namin kayo ng boyfriend mo, sabi ni daddy sabay kindat sa akin.

Bahagya lamang akong ngumiti sa tinuran nyang yun.

" Anong gusto mo ipapaluto ko kay Manag Eden? pahabol pa ni mommy.

" Corn soup na lang po mommy, tugon ko sa kanya.

Pagkatapos nga pag uusap namina ay agad na umalis na sina daddy at mommy. Kami na lang ni Reggie ang tanging nasa living room. Agad naman akong kinausap ni Reggie.

" Flowers for you , aniya sabay abot ng bulaklak.

" Thank you! Have a seat, malamig kong tugon sabay turo ng sofa malapit sa kanya.

Nang makaupo na kaming dalawa ay nanatili ang ilang segundong katahimikan . Ngunit agad din syang nagsalita.

" Kumusta na ang pakiramdam mo ? tanong nya sa akin.

Di ako sumagot sa kanya bagkus ay tiningnan ko sya ng seryoso . Nahalata ko ang pagtataka nya. Kaya agad na rin akong nagsalita

" Tell me , seryoso ka ba talaga sa akin? Saad ko sa kanya.

" Am .. oo syempre naman, walang pagdadalawang isip na sagot ni Reggie.

" Kung ganon, bakit mo sinunod ang payo ng ate ko? Bakit hindi mo hinintay yung talagang desisyon ko? Pano mo nasabing gusto mo ko at seryoso ka sa kin kung ako pinagkakaisahan nyo ako? Sunud sunod kong tanong sa kanya.

" Ah ...Liza .. let me explain. Alam kong mali ako sa pakikinig ko sa kanya pero desperado na ako.Natatakot kasi ako na ma friendzone ulit ako. Mahal na mahal lang talaga kita, sunud sunod nyang paliwanag .

Habang nag uusap kami ay napansin ko na sumisilip silip si Ate Cecille sa gilid . At yun ang muling nagpanumbalik ng inis ko .

" Kung mahal mo'ko mas gugustuhing mong hintayin ang tunay na sagot ko. Hindi mo rin gagawing isahan ako para lang sagutin ka. Kilala mo'ko at alam mo ang prinsipyo ko sa buhay. Pero ginamit mo yun , ginamit nyo yun para mapilitan akong mag oo dahil alam nyong ayokong magpahiya ng iba , sunud sunod kong sabi sabay tingin ko ng matalim kay ate Cecille.

" I'm really sorry Liza! Please hayaan mo akong patunayan sayo ang intensyon ko, pakiusap ni Reggie sa akin. " Kung gusto mong bawiin ang sagot mo tatanggapin ko but please give me one more chance, please Liza!!

Nakita ko na lalapit na si ate Cecille sa kinaroroonan naman kaya nagsalita na ako.

" No, hindi ko na babawiin ang sagot ko. You know me well , kaya ka nga nakinig kay ate di ba? Isa pa nakita ko kung ganon kasaya ang parents ko kaya okey na yun, pahayag ko sa kanya.

 "  My Serenity  &  Happiness  "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon