Chapter 20
"Huh?" I looked at him puzzled. Inilapag nito ang cellphone at itinukod ang mga siko sa mesa.
"We're going to Astalièr." he said to me, like it's final at wala na akong magagawa.
"Ano'ng meron? Ba't tayo pupunta roon? Atsaka bukas agad?" halos hindi maipinta ang mukha ko.
"Isa ang Astalier sa mga gagamiting location, one of the most important location. Kaya sasadyain natin ng mas maaga." paliwanag nito. I think he really knows the place. Nanggaling na siguro siya?
"Bakit kasama pa ako? Hindi ba dapat sila Leo?"
"Alam na nila ang gagawin, I want you to come para makita mo ang lugar. There will be a big difference if andoon ka mismo at makita mo bago ka magsulat."
Reasonable naman ang sagot niya.
"So, tayo lang ang aalis? Hanggang kailan doon?" mahiwaga kong tanong. Tumaas ang kilay nito.
"Three days. At bakit? May gusto ka bang i-sama?"
Pwede pala?
"Sila Mira sana? Tutal, lagi silang andito sa office?" umiling ito. Sign he disapproves it.
Huh? Akala ko ba okay lang?
"They have work here, they are trying their best to cast the chosen actors. Wala na silang oras magbakasyon." He said firmly at may sense na naman sagot niya. I pouted.
"Why? Hindi ka ba masaya na ako ang kasama mo? Naghahanap ka pa ng iba?" he sounded bitter.
"Bakit naman ako masayang kasama ka? Tsaka nagbaka sakali lang ako na makakasama sila. Pero tama ka, wala ng oras magpetiks."
He looked offended by what I said, pero tumango rin ito kalaunan. He looked at his branded wrist watch then looked at me.
"Pwede ka na umuwi, you still have to rest and pack." saad nito.
Lumiwanag ang mukha ko. "Talaga?!"
"Ang saya mo ah, excited kang umuwi? Excited umalis ng office?"
"Excited iwan ka!" I answered back before closing the door, his eyes sharpened at me.
Bahala siya totoo naman.
Kinuha ko na ang bag sa desk.
"Bye Mira, Mark!" paalam ko sa dalawa, wala ang iba sa office. Pati si Leo na kausap ko kanina may pinuntahan ata.
"Aalis ka na?" tanong ni Mira.
"I need to, I have to prepare tomorrow."
"Bakit? Ano'ng meron?"
Napakamot ako sa batok.
"U-Uh, we're going to Astalier ni Caden--Sir Caden." I awkwardly said, sumilay naman ang ngisi sa labi nito.
"For work." habol ko.
"Ah, kaya pala masaya ka." may pang aasar sa tono nito.
"Huh? Masaya?" kumunot ang noo ko, ako? Masaya?
"Ay! Oo paglabas mo ng office iyong ngiti mong abot hanggang mata!"
"Hindi no!" I backfired.
Natawa ito lalo sa'kin.
"Oo, sige na Yara. Hindi na. Hindi ka na masaya, umuwi ka na pala at may lakad pa kayo ni Sir Caden." she surrendered but why does it feels na ako ang talo sa usapan?
Kasalanan talaga 'to ni Caden! Kung nananahimik lang siya at hiyaan akong magtrabaho ng tahimik hindi kami pag-iisipan ng kung ano-ano.
"S-Sige... alis na 'ko." paalam ko.
BINABASA MO ANG
Under the Stars (Tonjuarez Series I)
RomanceAyara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the person she avoided the most. Because of their past, and the trauma it brought her, the only defense m...