CHAPTER ONE

56 3 0
                                    

𝖢𝖧𝖠𝖯𝖳𝖤𝖱 𝖮𝖭𝖤

Its started with just one look, one smile and a cup of drink and now my life became thrilled.

---------------------

"What if ikaw nga yung crush ni Miah, Kao? "-pairap kong tiningnan si Vio.

Kasalukuyan kaming nasa bench kaharap ng field at nagbabasa. Hindi namin kasama sina Siex at Ethan dahil busy ang mga itong gumawa ng designs para sa music fest, silang dalawa kasi ang magaling roon.

"At bakit yan na naman ang biglang pumasok sa isip mo ha? "-i answered. Sa marami kasing pwedeng isipin ay yun pa talaga ang pumapasok sa isip niya ngayon.

Big deal sa lahat ang pagpaparinig nito sa IG account niya tungkol sa crush niya at nakakaani ito ng ibat-ibang reaksyon mula sa fangirls niya and I can't understand why people kept on talking about. Hindi ko talaga minsan maintindihan ang mga ganoong klase ng tao. What's with Miahs crush? or whats with Miah either at atat silang malaman ang crush nito?

"Hindi mo ba naiisip? tatlo kaming dumaan sa harap niya pero hindi niya iniabot samin yung milkshake tsaka prof din naman namin si sir Topher. Tsaka he's a med student Kao, bat niya bibigyan si sir Topher ng milkshake eh alam naman niyang allergic iyon dito? "-napaisip ako sa tinuran niya. Pero hindi pwedeng mag-isip ako ng iba, hindi pwedeng bigyan ko agad ng meaning yun.

"Haynako, imbes na magbasa ka ng lessons natin diyan ay iyan ang naiisip mo eh sa nakikita ko wala namang espesyal dun sa Miah na yun. "-napapailing nalang ako sa mga pumapasok sa isip netong kaibigan ko.

"Kao hindi kasi nakamulat ang mga mata mo sa mga lalaki kaya hindi mo nakikita. "-pasaring na tukso nito sakin. Agad ko siyang sinamaan ng tingin nang mapagtanto ang gusto nitong ipahiwatig sakin.

I never had a boyfriend, I've never been in a relationship and I must say sobrang boring ng buhay pag-ibig ko. I don't know maybe sa kagustuhan kong maabot kung ano man ang goal ko ay hindi naako nagkaroon ng oras para sa mga ganyang bagay besides sa panahon ngayon, paswertehan nalang ang makahanap ng matinong partner. I mean, there's a lot of cheating issues nowadays and finding someone that was has pure intention towards you might be difficult.

"I mean by just looking at him ay talaga namang masasabi mong maraming special sakanya. "-panimula nito nang mapansin na tila naguguluhan ako.

I glared then scan my notebook again. I never wanted to talk about unnecessary topics right now. Especially when it comes to love, flirting o kung ano man ang tawag ng iba dun.

"His face, alam mo bang para siyang anghel sa paningin ko Kao? "-napairap ako sa sunod nitong sinabi. "His skills on basketball is just so amazing. Alam mo ba nanood ako one time ng game nila? and Kao he's really with that appeal na wala sa ibang lalaki. "-yah ok.

"Yah ok. So? "—naiirita kong turan dito. She immediately tap my shoulder to get my attention.

"Kao, look at his recent post. "-sabi nito at agad inabot saakin ang cellphone nito.

Nakakunot-noo ko siyang tinignan at nagdadalawang isip kung kukunin ko ba ang phone nito.

"Tignan mo lang, and you'll realize something on it. "-kinuha ko ang phone nito at agad tinignan ang naroon.

It was an art, hindi ko alam kung ano or sino ang nasa painting na iyon pero nakikita kong isa itong babae. She was wearing a wonderful smile while holding a microphone, it looks like the girl is singing.

"Oh? anong meron dito? "-nagtataka kong tanong kay Vio.

Narinig ko itong huminga ng malalim tsaka kinuha sakin ang cellphone nito.

SOMBER OF THE NIGHT SKYWhere stories live. Discover now