Elly pov:
Isang buwan na ang nakalipas at naging maayos naman ang lahat.
Hindi na naulit ang nangyaring pambubully sa akin pati na rin sa iba..
Pero hindi naman sa lahat nang panahon nawawala ang problema....kagaya ngayon...
" Kuya Cal! Kailangan ko nang sabihin sa kanila! Kailangan ko nang harapin ang lahat!" Rinig kong iyak ni sarai. Naglalakad lang naman ako papunta sa kwarto namin nang marinig ko na may nag uusap sa loob kaya pinakinggan ko sila.
" What' your plan then?" Sabi nang boses- teka si ulan yun ah. Anong nangyari?
" A-aalis po ako pansamantala sa gamus" nang marinig ko ang sinabi ni sarai ay tuluyan na akong pumasok sa loob.
" Iiwan mo na kami?" Agaran Kong sabi nang makapasok ako. Kita ko pa ang gulat sa mga mata nila.
"A-ate elly... H-hindi naman p-po ganun" sabi niya at agad na lumapit sa akin pero lumayo ako. Nasaktan ako nang makita ang walang tigil na pag-agos nang luha niya pero mas nanaig sakin ang kagustuhan na huwag siyang pakealaman.
" Gawin mo ang gusto mo sarai. You're big enough to to know what's right and wrong." At tuluyan na akong umalis. Narinig ko pa ang paghabol at pagsunod ni sarai sakin ngunit mas binilisan ko pa ang lakad ko. Kita ko rin ang gulat at pagkalito sa mga mata ng kasamahan namin nang dumaan ako sa sala hanggang sa malalabas ako nang bahay at pumara nang taxi. Mabuti nalang may dala akong pera.
Pagkatapos ko sabihin sa driver ang destination ko ay nagbayad na ako at bumaba, hahayaan ko muna ang sarili ko na magdesisyon kung saan ako mapadpad.
......
Nakita ko ang sikat nang araw na nagreflect sa tubig, masakit ang araw at bumahingin ngunit sa tulong nang ugat at dahon nang mangga ay naging malamig ang aking pakiramdam.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nandito,ang alam ko lang buhat nung bumaba ako sa taxi kanina at nagising nalang ako na andito na ako sa tabi nnag dagat.
Hula ko nasa ala-una na nang hapon, wala pa akong tanghalian. Muli akong napaisip, sa loob nang ilang buwan ko sa gamus, si sarai lang ang lage kong nakakasama. Lage niyang sinasabi na hindi niya ako iiwan at parati niya akong sasamahan. Ramdam ko naman na totoo siya. But, hearing those words kanina galing sa kanya na aalis siya? Di ko alam kung anong maramdaman ko basta ang alam ko, I'm hurt.
Nanatili pa ako nang ilang oras nang magpasya akong aalis na sana ngunit...
" Butiking palaka!"
Gulat ko nang makita siyang nakasandal sa likod nang puno na kinauupuan ko kanina.
" Kanina ka pa ba diyan?" Sabi ko nang makabawi sa gulat. Tumingin lang siya sakin at tumayo.
" An hour, i think?" Gulat naman akong napatingin sa kanya. Kung kanina pa siya, Bakit Hindi man lang niya ako tinawag? Saka paano niya nalaman na andito ako?
" Enough with your thoughts. Eat now" ani niya. Saka ko lang napansin ang isang supot at kahit hindi ko tingnan ay halatang Jollibee ang tatak.
" B-bakit di mo man lang ako tinawag?" Anyari sa dila ko huhu.
" I did" marahil hindi ko narinig. Ganun na ba ako kalutang?
Pagkatapos ay bumalik na ako sa pagkaka-upo sa ugat nang mangga at ganun din ang ginawa ni raine.
Oo! Si ulan lang naman ang nasa harap ko at tinitigan ako habang kumakain!
" Why?" Tanong niya na nagpakunot nang husto sa noo ko.
"H-ha?"
" Why did you leave earlier and didn't bother to hear her explanation?" Tanong niya habang hindi ina-alis ang tingin sa akin. Pakiramdam ko tuloy may dumi o ano ako sa mukha ko.
" E-ewan ko, Hindi ko lang tanggap na kaya niyang umalis sa pamilya. Siya pa naman ang nagsabi sakin dati na ma-swerte ako na napabilang sa inyo. Tapos ngayon? Aalis siya. Hinding-hindi ko matatanggap yun ulan-"
" What did you say?" Agaran niyang tanong. Napakunot naman ang noo ko hanggang sa marealize ko ang sinabi ko.
" A-ah Raine kase k-kaya u-ulan hehe" ani ko. Kita ko ang unting pagkurba nang labi niya, maganda pala siya-mas gaganda pa kapag nakangiti.
" Funny" and i hear a small chuckles of her. Nagulat man ay nakabawi din ako agad nang i-abot niya sa akin ang supot.
" Eat first and we'll go back home after" ani niya. Kaya kahit naiilang man ay kumain na ako.
After ko kumain ay niligpit ko na ang mga supot at tiningnan si Raine na kanina pa nakatingin sa akin.
" A-ah tapos na ako ulan" nauutal kong sabi. I dunno Bakit ako kakabahan kapag andyan siya. Siya kase yung babae na kapag lalapit ka madadama mo talaga yung " try me and your dead".
" Let's go home" gusto ko mang kumontra kaso wala akong magagawa kundi ang sumunod ng mauna na siyang maglakad.
Hanggang sa dumating kami sa van ay tahimik lang siya. Habang nagmamaneho ay pabalik-balik ang tingin ko kay Raine na nagmamaneho at sa labas.
" Spill" rinig kong sabi niya kaya automatic naman akong napatingin sa gawin niya.
" A-ako ba iyong kausap mo?" Tanong ko sa kanya at umismid naman siya. Di ko alam kung sa tanong ko ba o dahil sa hangin.
" You knew that it's only the two of us here. Unless, may nakikita ka na hindi ko nakikita" sabi niya wearing her poker face.
Agad ko namang nakuha ang nais niyang ipahiwatig sa simpleng "spill".
" S-si sarai... Nasa bahay pa ba?"
" Yes, at umiiyak yun nang paalis na ako to follow you." Agad naman akong nakokonsensya sa ginawa ko. Hindi ko man lang pinakinggan ang explanation niya.
" Don't give me that look." Ani niya kaya agad ko nalang ibinaling ang attention ko sa labas nang sasakyan.
Unti-unti kaming pumasok sa bahay at nagulat pa ako ng makita silang lahat sa sala.
"Elly!" Sabay nilang sigaw at napatayo pa ang iba ng makita ako. Agad na hinanap ng mata ko si sarai ng hindi ko siya makita kasama si calix.
" If you're looking for sarai, she's in her room right now." Ani calix na kakasulpot lang.
Tiningnan ko lang sila nang may pagdadalawang isip. Agad ko namang ibinaling kay calix ang atensyon ko at bahagya siyang tumango kaya Hindi na ako nagdadalawang isip na puntahan at kausapin si sarai.
1052 words
Thank you for reading and have a nice day dearest.
I apologize for my slow update.

BINABASA MO ANG
La Familia De Gamus ( COMPLETED )
Teen FictionIsang pamilya na binuo ng mga tao na hindi magkadugo. Ang Pamilya na nabuo online ay magkikita sa personal at titira sa isang bahay. Masaya silang namuhay kahit na minsan ay may hindi pagkakaunawaan na naganap, Hanggang isang tao ang pumasok sa pam...