Chapter 28: Pinakbet

182 9 1
                                    

"Mga wala kayong kwentang kaibigan," garalral na tinig ang pinakawalan ni Kaiden nang prangkahin niya ang kanyang mga kaibigan sa ginawa ng mga ito na hindi sumipot sa kanilang usapan. "Talagang wala kayong sinayang na oras para ipagpalit na lang ako ng ganon sa ulam, hmm?"

Nagsitawanan sina Oheb, Marco at Edward sa panenermon iyon ni Kaiden sa kanila. Sakto na sabay-sabay silang nagsidatingan sa parking lot ng ospital. Pagkapark ni Kaiden sa kanyang kotse ay mabilis siyang bumaba at nilapitan ang mga ito. Nagsikamot sila ng ulo dahil alam nila kaagad ang dahilan kung bakit salubong ang mga kilay ni Kaiden sa kanila.

"Doc, kalma! Dapat nga magpasalamat ka pa sa'min kasi pumayag kami sa gusto niya e." Ani Oheb at ngumiti.

"Oo nga," sang-ayon naman ni Edward, abala siyang kinukuha ang puting coat nito sa back seat ng kanyang sasakyan. "Hindi mo kaagad sinabi sa amin na magdadate kayo, edi sana nireschedule namin kaagad 'yong lakad natin."

"Tsk! Alam niyong never akong mag-aask sa girl para makipagdate sa akin. Wala sa bokabularyo ko ang magsayang ng oras sa walang kwentang bagay." Depensa ni Kaiden.

"Bakit galit na galit ka? Hindi ka ba nag-enjoy sa date niyo kahapon ni Dreams?" Nagpakawala ng nakakaasar na ngisi si Oheb kaya matalim ang tingin na itinapon ni Kaiden sa kanya.

"Walang nakakaenjoy kapag 'yon ang kasama ko." Nagsimula na siyang maglakad papasok sa ospital at sinundan naman siya ng tatlo.

"Kaiden, hindi porket pumayag kami ay wala na kaming kwentang kaibigan. Ginawa namin 'yon para makapagrelax ka naman kahit konti. Puro ka nalang trabaho e, nakakalimutan mo ng mag-enjoy." Paliwanag ni Marco at bahagyang tinapik si Kaidsn dahilan para balingan siya nito ng tingin.

"Tama! Chicks na lumalapit sa'yo, inaayawan mo pa." Sabat naman ni Edward na nasa gilid, sinusuot na niya ang coat nito.

"Maganda naman siya, bakit hindi ba siya pasado sa taste mo?" Tanong ni Oheb.

"No!" Mabilis na sagot ni Kaiden. "Kahit  kailan hindi ako magagandahan at magkakagusto sa kanya. Kahit siya na lang ang natitirang babae dito sa mundo, mas gugustuhin ko na lang mamatay kaysa mahalin siya. She's not my type and I will never let myself fall inlove to that woman. Never!"

                                   *      *       *

"Never ka pa bang nakaranas ng date o may kadate, Daddy Doc?' Tanong ng babae sa kanya habang nag-iikot sila sa may mall na una nilang pinuntahan. Sa sinabing iyon ni Dreams at binalingan siya ng tingin ni Kaiden.

"Tsk! Anong tingin mo sa'kin, kahapon lang pinanganak?" Pagsusungit nito at inilagay ang dalawang kamay sa magkabila nitong bulsa. Kung ilalarawan ang postura ng lalaki, halatang napilitan lang ito na sumama. Walang kabuhay-buhay ang kanyang itsura na animo'y lantang gulay.

"E mukhang ignorante ka kung umasta e. Psh."

Matapos ang matagalan nilang pag-ikot sa naturang mall, napagdesisyunan ni Dreams na magpasama kay Kaiden na pumunta sa store ng pambata upang tumingin ng mga gamit ng baby. Nagtalo pa silang dalawa nong una dahil nakaramdam na ng pagod si Kaiden sa mahaba-haba nilang paglalakad. Nairita ito ng sobra sa pangungulit ni Dreams sa kanya kaya wala na siyang nagawa kundi ang magpatangay rito papunta sa naturang store.

Naunang pumunta si Dreams sa section ng mga damit ng baby. Halos lumuwa ang mga mata niya dahil nagagandahan siya ng sobra sa mga nakadisplay roon. Gusto niyang bumili pero wala siyang budget kaya hanggang tingin na lang siya. Matapos siyang tumingin sa mga damit, nagpunta naman siya sa section ng sapatos at hindi rin nakaligtas sa kanyang mga mata ang mga unan saka mga higaan ng baby.

HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon