Three Days Before Valentines

85 3 2
                                    

Naranasan mo na bang ma-friendzone? O kaya nang friendzone? Mahirap ba? Masaya? Nakakatakot? O nakakalungkot? Kasi alam mo matapos ang araw na iyon, alam mong hindi na normal ang lahat between sa inyong dalawa.

Tapos biglang dadating yung point kung saan iisipin mo na 'what if kung hindi ko siya na friendzone? What if I gave him a chance? Will there be a better one than this situation?' 

Tapos iisipin mo na 'tangina!! Gusto ko ata siya, naging indenial lang ako!'

Alam mo, mas masaya kung naging totoo ka nalang. Totoo ka sa sarili mo at lahat ng negative sa future na naiisip mo e napalitan ng positive thoughts. Sana kasi hindi ka nagle-let go ng chances, ng opportunities.

Gusto mo ba ng malupit na kwento? Isang kwento ng babaeng nang friendzone ng taong alam niya sa sarili niyang may chance? Na may special naman talaga sa kanila pero hinayaan nalang niyang mag-slip ang chance na mag-take ng new step ang meron sa kanila kasi takot siya. Takot siyang magmahal. Takot siyang magtiwala at masaktan ulit.

Duke Manlipe posted new status: 

I tried to go on like I never knew you 

I'm awake but my world is half asleep 

I pray for this heart to be unbroken 

But without you, all I'm going to be is incomplete

Isang status sa facebook ang nakakuha ng attention niya. Isang mensahe na hiniling niya na hindi nalang niya nakita, na hindi nalang niya napansin, na sana hindi nalang na-caught ang attention niya, dahil doon bumalik ang lahat. Bumalik lahat ng nangyari sa kaniya sa isang hapon tatlong araw bago ang valentines.

Isang malalim na buntong hininga ang nilabas niya. Bigat na bigat na siya. Paano nga ba babalik ang dati? Sa panahon na magkaibigan lang sila at sa panahon na iniisip niyang best friend niya ang taong yun. Sana pala hindi nalang siya pumunta. Sana hindi nalang siya pranka. Sana nagpaasa nalang siya kahit alam niyang masasaktan iyong tao. At least, hindi siya namomoblema sa mga nasabi niya. Pero mali pa rin iyon, kasi alam niyang tama naman yung ginawa niya. Puta! Ang hirap pala maging totoo. Lalo na pag ang totoo ang magiging dahilan ng kawalan ng taong pinagkakatiwalaan niya.

"Madelle! Kakain na!" sigaw ng nanay niya.

Dahil doon, nawala na naman siya sa mundong matagal na niyang ginawa.Sa mundo ng pantasya. 

Agad niyang pinatay ang laptop at bumaba para makasabay sa hapunan nila. 

Nakita niyang nandoon ang kaniyang kuya, bunsong kapatid, pinsan na babae, nanay at ang kaniyang balik-bayang ama.  

Umupo ito sa laging niyang upuan. Tahimik na kumuha ng pagkain at kumain. Normal na siguro sa isang pamilya na magkwentuhan habang kumakain, pero normal ba ang pamilyang nagbabarahan habang kumakain? Ito ata ang paboritong parte ng ating bidang karakter, ang banatan at barahan nilang magkakapatid, isama pa ang amang feeling ata e binata pa. 

Natapos din siyang kumain, tumayo at dumiretso sa kaniyang kwarto, sa sanctuary niya. Sa apat na sulok ng kwarto niya, doon niya nararanasang mabuhay sa mundong siya lang ang may alam, siya lang ang nakakaintindi, siya lang ang bida. Siya lang.

Habang nag-eemo siya, biglang bumalik ang araw na iyon. Ang araw, bago mag valentines. Ang hapong iyon. Ang pinakamahabang hapon ng kaniyang high school life.

"What if? Paano kung...?" paulit-ulit na sinasabi ng utak niya. Paulit-ulit na iniisip ng utak niya.

"Pero hindi, tama lang ako," pilit niyang pinaiintindi sa sarili,"kung hindi ko iyon ginawa, papaasahin ko pa siya. Mas aasa pa siya. Mas magiging mabigat pa iyon sa konsensya kesa sa ngayon."

Three Days Before ValentinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon