Chapter 29: Mysterious Girl

194 7 1
                                    

"Sino 'yong girl? Kilala ko ba? Nandon ba siya sa ospital? Nag-uusap pa rin ba kayo hanggang ngayon?" Sunod-sunod na tanong ni Dreams matapos ipagtapat ni Kaiden na may isang babae ang nanakit sa kanya noon.

Malaking pagsisisi ni Kaiden na ipinagtapat niya iyon sa babae dahil hanggang sa byahe nila pauwi ay kinukulit siya ito upang paaminin kung sino iyon. Ginawa lahat ni Kaiden para makaiwas dahil ayaw niyang sabihin kung sino ang babaeng tinutukoy niya. Hindi pa siya handa na sabihin o ipaalam manlang ang pagkakakilanlan ng babae. Bukod kina Oheb, wala ng ibang tao ang nakakaalam tungkol sa bagay na 'yon.

"Uy! Magshare ka naman kahit konting detalye manlang." Sinundok  pa ni Dreams ng bahagya ang tagiliran ni Kaiden kaya sininghalan niya ito.

"Stop it, Dreams, nagdridrive ako." Suway nito.

"Sabihin mo na kasi kung sino 'yon para hindi na kita kukulitin."

Kahit na anong pangungulit ni Dreams ay hindi niya napapayag si Kaiden na sabihin ang totoo. Bukambibig niyang tanong iyon hanggang sa makarating sila ng unit. Maski sa hapag kainan ay hindi siya tinantanan ni Dreams. Nagtulog-tulugan pa siya nong pati sa pagpapahinga niya ay kinukulit siya nito.

"E sinabi mo ba sa kanya kung sino 'yong babaeng tinutukoy mo?"

Edward asked after drinking the wine from the glass he was holding. They were at the bar at that time to relax and also to have a hot seat with Kaiden who didn't talk about his date with Dreams.

Sinimangutan siya ni Kaiden saka mayabang na itinaas ang gitnang daliri nito dahilan oara umingay sa pwesto nila dala ng kanilang tawanan. Gusto nilang malaman kung inamin na ba lahat ni Kaiden kay Dreams ang totoong kwento ng buhay niya. Alam nina Oheb lahat ng nangyari sa buhay niya. Sa kanila niya ipinagkatiwala lahat ng sikreto nito sa buong buhay niya. Kaiden has no one else to talk to about his problems but Oheb.

"Why should I tell her? Sino ba siya?" Kaiden responded rudely then took a slice of apple.

"Siya lang naman ang nanay ng anak mo." Oheb replied with a smile, he and Marco laughed and gave a little high five. Kaiden was annoyed by the tongues of the two, so he took the circular tissue that was used and threw it at the two, who quickly dodged it.

"Tsk! Tigilan mo 'yang mga biro mo, Heb, baka makalimutan kong kaibigan kita."

Nagtawanan silang lahat sa naging reaksyon ni Kaiden. Hanggang sa mapunta sila sa seryosong usapan na lahat ay sabik na sabik makinig. Hindi na halos sila makatangay sa pinagsasaluhan nilang wine.

"Wala ka bang balak makipag-ayos sa kanya?" Seryosong tanong ni Oheb. "Matagal na 'yon, Kai, uso magmove on."

"Hindi naman porket matagal na hindi na masakit sa akin." Usal nito habang nilalaro-laro ni Kaiden ang wine sa loob ng kanyang baso. "Hindi panahon ang makakapagdesisyunan kung kailan ko siya dapat patawarin. Wala sa tagal ng panahon 'yon, Heb."

Nagkatinginan ang tatlo sa naging sagot nito. May katwiran rin naman kasi siya. Sa tagal ng panahon na kinikimkim ni Kaiden ang galit, naging manhid na siya. Gusto niyang umiwas pero naghahanap siya ng kalinga ng isang ina. Gusto niya itong patawarin pero nahihirapan siya. May gusto siyang patunayan pero palagi siyang nahihirapan. Sanay siyang mag-isa pero minsan nangungulila siya.

"Drive safely boys." Paalala ni Kaiden sa kanyang mga kasama nang makalabas sila ng bar.

Nanatili lamang sila roon ng ilang minuto para maibsan ang kanilang pagod. Hindi nila masyadong nilunod ang mga sarili sa kalasingan dahil magmamaneho pa sila pauwi. Nagpaalam na ang tatlo sa kanya, binusihan pa siya ng mga ito saka sunod-sunod na umalis ang kanilang mga sasakyan. Nahuling umalis si Kaiden dahil nasa likurang bahagya ang kanyang sasakyan.

Pagkarating niya sa kanyang unit, naabutan niya si Dreams na mahimbing na natutulog sa mag sofa. Pilit pinagkakasya ng babae ang kanyang sarili sa medyo makitid na sofa para lamang makahiga ng maayos. Nagkalat sa lamesa 'yong pinagkainan niya ng lansones. Kahit na inis na inis si Kaiden rito, ginawa niya pa rin ang lahat para hindi makagawa ng ingay para hindi magising si Dreams sa pagkakatulog.

Papasok na dapat siya sa kanyang kwarto nang matigilan siya. Napako ang tingin niya sa selpong hawak ni Dreams. Naglakad siya ng maingat palapit sa gawi ng babae saka naupo sa tapat nito. Pinakialaman niya ang selpon ni Dreams at doon niya nakitang in-stalk niya ang facebook page ng petshop malapit sa kanila. Talagang desidido si Dreams na kunin 'yong gusto niyang aso.

Kung ganoon lang kadali sa kanya na pagbigyan ang gusto ng babae, ginawa na niya. Bukod sa abusado na ito masyado sa kanya, hindi siya sang-ayon sa gusto nito. Hilingin na niya lahat huwag lamang iyon dahil hindi siya papayag.

"You did a great job, Doc. Kaiden." Pamumuri ng isang doktor sa kanya nang matapos ang operation training na naganap kasama siya. Naging matagumpay ang operasyon na ginawa nila kaya pati mga kasama nilanh nurses ay namamangha ng sobra sa taglay niyang galit. Pinaulanan nila ito ng puri hanggang sa makalabas sila ng operating room.

"Ngayon pa lang nakikita ko ng magiging pinakamagaling kang doktor, Doc. Kaiden. Napabilib mo 'ko ng sobra, mukhang totoo nga ang chismis tungkol sa'yo." Tugon ni Doctor Alfred at tinapik ng bahagya ang balikat ni Kaiden.

Napangiti si Kaiden at napakamot sa kanyant batok. "I'm just doing my job, Doc. 'Yon naman ang trabaho natin, hindi ba?"

Tumango ang doktor sa winika ni Kaiden. "Baka nga malampasan mo pa ang galing ni Head Doctor Katlyn." Birong tugon nito kaya natigilan si Kaiden. Ngumiti na lang siya ng peke at umiwas ng tingin. Narinig na naman niya ang pangalan ng doktora na iniiwasan niya.
"Speaking of Doc. Katlyn, kaano-ano mo siya, Doc Kaiden? Ngayon ko lang napansin na parehas kayong Garcia. Are you related to each other?"

"No, we're not, Doc." Mabilis na sagot nito. "Hindi.. hindi ko siya kaano-ano, Doc."

                   *            *              *
"Kaano-ano niya kaya 'yong sinabi niyang nanakit sa kanya? Girlfriend niya kaya? Bestfriend? Firstlove?" Tanong ni April habang nakapwesto ang paa niya sa mesa dahil nililinisan niya ang mga kuko nito. Naisipang dumalaw ni Dreams sa bahay nina April dahil gulong-gulo ang kanyang isipan sa pagiging mysterious  person nito. Kinakailangan niyang kausap at nabuburyo siya ng sobra don dahil mag-isa na naman siya.

"'Yon nga ang ayaw niyang sagutin e. Kinulit ko na kahapon, ginawa ko na lahat ayaw niya pa ring sabihin kung sino. Hindi tatalab ang pagiging detective conan ko sa pagiging mysterious person non e."

"Bakit naman kasi magsasabi sa'yo, ano ka ba niya? Asawa ka ba? Girlfriend ka ba? Hindi naman 'di ba? Isa ka lang hamak na walang karapatan sa paningin niya. Isang hamak na housemate ka lang niya, wala ng iba." Depensa ni April.

"Pero, nanay ako ng magiging anak niya."

"Bakit tanggap na ba niya?"

Doon natigilan si Dreams at hindi niya alam ang isasagot sa tanong na 'yon. Napako ang tingin niya sa malayo saka napaisip. May katwiran naman ang sinabi ni April sa kanya. Literal na wala siyang karapatan dahil una sa lahat, hindi naman sila magjowa o mag-asawa para mag-open up si Kaiden sa kanya.

"Bes, maski naman ikaw siguro hindi ka magsasabi sa taong hindi mo naman kaano-ano. Sabi mo nga, ayaw ka niyang maging kaibigan, hindi ka rin niya girlfriend o asawa, literal na wala kang karapatan." Paliwanag ni April na patuloy pa rin sa paglilinis sa kuko nito sa paa. "Hindi mo pa ganon nakukuha ang tiwala niya kaya siguro ayaw niya pang ishare sa'yo. Malay mo, masyadong seryoso ang bagay na 'yon sa kanya kaya pinipili niya ang taong pinagsasabihan niya ng problema niya."

"Ah basta, close man kami o hindi aalamin ko kung sino ang babaeng 'yon. Kung ayaw niyang sabihin, edi aking aalamin. Sorry siya, hindi ako 'yong tipo ng tao na sumusuko na kaagad. Malalaman ko rin kung sino 'yon, humanda siya.

HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon