Avianna's POV
Madalas ang pagsakit ng ulo ko nitong nakaraan. Minsan panga ay nawawalan ako ng Malay. Kasalukoyan kaming kumakain sa canteen kasama ang dalawa.
Napatingin ako sa papalapit at naupo ito sa harapan ko na matamis na nakangiti sakin.
" Yuan! Diba may date ka'yo ni Silvia" Napatingin ako kay Yuan.
Tumango ito sa tanong ni Sam " Hindi ko naman gusto, Parents ko ang may gusto sakanya bilang fiance ko" Yuan said.
" Ganon talaga, Pati buhay natin ay parents ang mag didisesyon. "Kath.
"Maganda naman si Silvia, Matalino at mabuting tao. Perfect match ka'yo"Aniya. Bumaling ito sakin.
"Pero may iba akong gusto" Problema ngayon. May iba siyang nagugustohan ..Tumonog ang bell kaya nagsibalikan na kami sa classroom.
Sinundo ako ng driver ni Mommy at gusto daw akong pumonta sa.mansiyon. Ang dami pang bodyguards dahilan ay yong nangyaring pagkidnap sakin kaya kahit saan ako magpunta may mga bodyguards.
"Seniorita, naghihintay napo sila satin"Tumango ako .
Binuksan ng guards ang gate ng makarating kami. Tumigil ang sinasakyan konang makarating na kami sa tapat ng mansiyon. Bumaba ang driver at umikot pa siya para buksan ang pinto para sakin.
Kinuha ko ang bag ko at lumabas. Nakita ko ang kotse ni Raph dito kaya nandito narin siya. Pagkapasok ko ay sinalobong ako ng mga maids at bumati sila.
"Mom" Nakibagbiso si Mommy at ganon rin si daddy na hinalikan kosa pisnge..
Nilibot ko ang paningin ng mapansing may kulang.
"Where's Lolo"Aniya ko.
Natanong kona siya dati noong nasa Hospital ako dahil hindi siya dumalaw man lang sakin. Sabi ni Kuya hindi daw maganda ang lagay niya.
Matapos ng dinner at yong pag-uusapan para dito ay lumabas ako patungo sa pool. Nakatayo ako rito habang nakatingin sa langit.
Naramdaman kong may tao sa likoran ko pero hindi ko pinansin iyon.
"Tatanggapin mo ang alok ni Daddy" Binasag ko ang katahimikang bumabalot samin.
"Hindi ako pweding tumanggi, Daddy mo'yon" Tiningnan ko ito na nahuli kong nakatitig sakin..
Mabilis rin akong nag-iwas ng tingin ng mapagtantong mapapatulala na ako sa kakatitig sakanya. Naupo ako sa gilid ng pool at hinayaang mabasa ang mga paa ko.
Mag re-resign siya ganon? Iiwan niya ang pagiging prof at doon mag tatrabaho sa company ni Lolo.
Napatingin ako sakanya ng marinig ang pag-tunog ng phone niya. Kinuha niya ito at tinitigan ang screen. Tumingin siya sakin bago lumayo at pindutin yon.
Sino naman 'yon at ayaw niyang marinig ko ang pag-uusapan nila.
Ngumiti ako ng makita kosi Ariane na papalapit . Malaki narin ang tiyan niya. Kinasal na sila ni Kuya na silang dalawa lang . Hindi man lang kami sinabihan. Ngayon lang din namin nalaman na sabihin ni Kuya.
"Malamig dito sa labas!"Aniya.
"Gusto lang kitang kausapin, Via!"Ngumiti ako at tumango.
Pansin ko ang pamumutla ng mukha niya at panghihina niya. Bumaba ang tingin kosa balikat niya na mayroong nalagas na buhok roon.
" I have a cancer"
Hindi ako nakapagsalita at pag-awang ng labi. Marahan niyang hinimas ang tiyan niya at malungkot akong tiningnan.
"Ayaw kong malaman ito ni Sev!, My Doctor said my life would not reach one year. "Parang bumagal ang paghinga ko.
Kong ganon ang hinihintay lang niya ay ang mailuwal ang anak niya.
"Promise me, hindi ito malalaman ng Kuya mo"Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako doon.
"Rie!"
Rinig namin ang boses ni kuya na papalapit. Tumango ito sakin bago niya bitawan ang kamay ko at pumasok nasa loob.
"Rie, Where have you been? "
"Wala, Bumalik na ta'yo" Ariane said.
Hindi nagtagal ay sumonod na ako sa loob dahil nilalamig narin ako dito. Bumontong hininga ako bago pumasok sa kuwarto ko.
Naabutan kong kakalabas lang ni Raph sa Cr. Hindi kona ito pinansin at dumiritso sa bathroom.
Matapos kong mag-half bath ay nagbihis na ako ng pampatulog at naabutan ko itong nakahiga nasa sofa habang nakapikit ang mga mata niya.
Masyadong mahaba ang katawan niya para magkasya sa maliit na sofa. Makakatulog ba siya sa ganiyang posesyon.
Lumapit ako rito para gisingin siya. "Bumangon ka di'yan" Dumilat ito at taka siyang tumingin sakin.
"Malaki ang Kama, Makakatulog kaba diyan "Aniya. Tumingin ito sa kama bago tumingin uli sakin.
Bahagyan akong napakagat labi ng makita ang kakaibang titig niya.Hindi kona hinintay itong magsalita at bumalik sa kama. Inayos ko ang
kumot saka pumikit.Wala pang ilang minuto ay naramdaman ko ang pag-alog ng kama.may unan na nakapagitan samin dahil nilagyan ko ito kanina.
Naalimpungan ako ng tumama ang sinag ng araw sa mga mata ko. Pagdilat ko ay mukha ni Raph ang bumongad sakin. Nakaunan ako sa kanyang braso at nakayakap pa ako dito.
Agad akong napalayo rito dahilan ng pagkagising niya."Oh, Wife. Nakatulog kaba ng maayos" wala sa sarili akong tumango.Bahagyang nangunot ang noo konang makitang may pasa siya sa ibabang labi
Anong nangyari naman don?
"Bakit may pasa ka?" Aniya.
"Siniko lang naman ako ng katabi ko,Sinipa nga ako kaya sobrang sakit na ng likod ko ngayon. " Napakagat ako ng labi.
Ginawa koba talaga yon?
Hindi agad ako nakagalaw ng bigla niya akong hilain palapit sakanya. Humiga ulit ito at ginawang unan ang hita ko habang ang dalawang kamay niya ay nakayakap sakin.
"30 minutes"Manihang saad nito.Hindi nagtagal ay hindi na ito gumagalaw. .
Nag-anounce ang mga council kanina. Pinapatawag lahat ng member ng council. Hindi ko alam ang dahilan nila at dahil kasali ako don ay nandito ako ngayon nakikinig sakanila..
Nagsilabasan na kami ng mag Dismiss. Dumiritso ako ng canteen dahil nagugutom narin ako. Napatigil ako ng biglang sumakit ang tiyan ko.
"Via!"Dumating ang dalawa at mabilis silang lumapit ng makita ako.
"Via, Anong nangyayari" si Sam. Bago pa ako makapag react ay naramdaman kong may kamay na bumohat sakin. Pagtingin ko ay nakita kosi Raph na Seryoso ang mukha.
Tinago ko ang mukha konang pinagtitinginan na kami, Dinala niya ako sa Clinic kaya pati yong nurse ay panay tingin saming dalawa.
Tumingin ako sa napaka seryosong mukha ni Raph. Tayka galit ba siya sakin?.
"Hintayn moko dito "Ani nito at lumabas na siya.pagbalik niya ay madaming pagkain siyang dala. Napanganga ako dahil sa dami non.
"Anong tingin mo sakin baboy" Aniko.
"Kakainin moyan o ako ang kakain sa'yo" Napalunok ako at kinuha ang mga ito.
Ngumisi ito kaya matalim ko siyang binalingan..........
BINABASA MO ANG
My Husband is my Professor
RomantikAvianna Bell Martenez. The grand daughter of mafia king. para sa negosyo siya ay ipinagkasundo sakanyang dating boyfriend na dahilan ng kanyang pagdurusa . ayaw niyang makasal sa pinaka kinamumuhian niyang tao nguni't para sa may sakit niyang lolo.