CHAPTER 34: Package

158 5 0
                                    

Huminga ako ng malalim. Habang nakakatitig sa kabaong na pababa nasa ilalim ng lupa ramdaman ko ang kamay ni Raph sa likod ko at paminsan minsan hinahalikan niya ang noo ko.

"Anong ginawa nila sa katawan ni Sam?" Mahinang wika ko.

Hindi niya sinagot ang tanong ko.

"Wife, Kailangan monang magpahinga" Tumango nalang ako at sumonod sakanya. Pumonta kami sa kotse at siya na mismo ang nagbukas para sakin.

Tahimik lang kami sa buong biyahe pabalik. Maraming nakabantay ngayon samin. Nangunguna ang kotse na sinasakyan ni Gab at Kyler habang ang mga tauhan nila ay nasa huli kaya nasa gitna ang kotse namin.

Napatingin ako sa litrato na binigay ni Patricia bago siya n*matay. Isang batang babae 'yon  hindi ko alam kong sino kaya pinapahanap na ngayon ni Raph.

Tumonog ang phone niya kaya agad niya yon sinagot. Tumingin siya sakin at agad na niloud speaker .

"Good news Via! Nahanap na namin siya" boses ni Max ang nasa kabilang linya.

Tumingin ako kay Raph na ngayoy naka titig sakin.

"Puntahan na natin" Tumango ito.

Nakarating kami sa isang maliit na bahay. Luma na'yon saka nakasara ang pinto nila kaya tingin ko walang tao. Lumapit si Raph sa babae para magtanong.

"Hindi ko alam kong saan sila nagpunta" rinig kong wika nong pinagtanongan.

Naghintay pa kami rito dahil baka dumating yong may ari ng bahay. Napatingin ako kay Raph na may dala siyang water mineral. Kinuha ko 'yon at ininom dahil nauuhaw narin ako.
"Sino ka'yo?" Agad akong napatingin sa isang matandang babae at habang hawak nito ang kamay ng batang nasa picture.

"Kumosta po, Ako po si Avianna kaibigan ni...... Patricia "aniya.

"Kilala mo ang Mommy ko" napatingin ako sa bata. Tumango ako lumapit ako saka yumoko para mapantayan ito.

Hindi ko alam na may anak si Pat. Kamukhang ka mukha ni'ya.

Hinayaan konang si Lola Belen at Raph ang nag-usap. Kasama ko naman ang anak ni Patricia .Napatingin ako rito ng lumapit siya at hinawakan ang tiyan ko. Bahagyan akong tumawa ng mahina. Yumoko ito saka tinapat ang tainga sa tiyan ko.

"I want to be his friend"ngumiti ako saka tumango napangiti naman ang anak ni Patricia.

Agad kaming napatingin sa gawi nila Raph ng biglaang pag iyak ni Lola belen. Tumingin ako sa bata na walang kamalay malay kong nasaan ang Mommy niya. Hindi ko alam kong paano ko sasabihin sakanya na wala na ang mommy niya.

Habang naglalaro siya kasama ang mga bata dito ay kinausap namin ni Raph. Gaya ng gusto ni Patricia iingatan ko ang anak niya.

"Sigurado po ba ka'yo na hindi ka'yo sasama samin"Umiling iling siya.

"Hindi ko puweding iwan ang lugar na ito. Ang pake usap kolang ay ingatan ni'yo ang anak ni Pat"Tumango ako.

"Opo, hindi po namin siya pababayaan "Ani ko.

Pagkarating namin sa mansiyon ay medzo nag-aalangan pang bumaba si Nathalia sa kotse. Pagkarating namin dito ay umalis na sila Gab at mga tauhan nila.

Hawak ko ang kamay ni Nathalia ng papasok na kami. Sumalobong ang sigaw ni Sevastian na tumatakbo palapit samin.

"Tita Mommy " tumigil ito at hindi na ako nayakap ng makita si Nathalia. Yumoko ako para mapantayan sila.

"Ian, Siya si Nathalia. Simula ngayon dito siya titira kaya maging mabait ka sakanya"Aniko.

"Nathalia? Hi Nathalia "Napangiti naman ako na magkaibigan na ang dalawa.

Nakaupo ako sa Sofa habang abala sa panonood sa dalawa na naglalaro doon na magkasama. Napatingin ako sa phone ng tumonog 'yon bumontong hininga ako saka sinagot ang tawag.

"Bakit?"Walang gana kong saad.

Ngayon pa talaga siya tatawag matapos hindi umowi ng ilang linggo at walang tawag. Pinag aalala niya si Summer dito.

"I need your help sis"bumontong hininga ako at pinakingan kong ano ang kailangan niya.

Tumayo ako ng maputol ang tawag . Hindi ko alam kong ano ba ang pinapahanap ni Yvo. Pumasok ako sa kwarto nila ni Summer. Nasa baba siya kaya wala dito si Summer.

Hinalongkat ko mga drawer pero wala akong nakitang Kulay Red na iwan. Basta pula daw 'yon

Nakuha ng atensiyon ko ang isang bagay sa ilalim ng kama nila. Nahihirapan pa akong yumoko roon pero bahagyan akong napamura ng makita ang brief sa ilalim at sa tabi non don ang pulang tela na may nakasupot.

Nakakadiri ka Yvo pati brief nandito sa ilalim.

Tiningnan ko kong ano ba 'yon pero napasigaw ako ng isa 'yong mata.

Nabaitawan ko agad at sa gulat ay napahawak ako sa dibdib. Napapikit ako ng mariin at parang nanghina ang mga tuhok ko ..H*nayupak nayon may balak ba siyang patayin ako.

"Via!" tingin konga narinig sa labas ang sigaw ko.
Nilabas ako ni Via habang hinahagod ang likoran ko. Kumoha siya ng tubig saka pina inom sakin.

"Ayos kana "Tumango ako.

Ano naman ang gagawin ni kuya don at bakit nasa ilalim ng kama nila nakalagay. Tumonog ang phone ko kaya ng makita ni Summer na si Yvo yon ay siya ang sumagot.

Nakakagulat ang pagsigaw niya bigla.

"Hoy Lalaki huwag na huwag konang makikita yang pagmumukha mo. Alamo masilan ang pagbubuntis ng kapatid mo pero kong ano anong kab*buyan mo. Balak mobang p*tayin siya. Huwag na huwag kanang uuwi dito " Napakurap kurap nalang ako habang nakanganga.

Dumating si Raph ng madilim na. Hindi ako sumabay kanina sa dinner dahil hinihintay ko ito. Binaba ko ang libro at sinalubong siya.

"Wife gising kapa" Hinila ko ito.

"Hinintay kitang dumating" Pinaupo ko siya. Ngumiti ito sakin at napatingin sa pagkain. Naglagay siya ng kanin sa plato ko kaya napangiti ako.

Matapos naming kumain ay naghanda na siya para maligo at ako ay naghanda narin para matulog.

Nagising ako dahil sa ingay ng dalawa na pumasok dito sa kwarto namin. Bumangon ako saka kinusot pa ang mata .

"Tito dad, Tita Mommy wake up"  ang dalawang toh ang aga aga pa naman.

Umakyat sila sa kama at humiga sa pagitawan namin ni Raph. Napatingin ako kay Raph na nagising narin ngayon.

Nag bulongan ang dalawa kaya natawa ako ng mahina habang pinapanood sila.

"Ano yan hah?"Kiniliti ko ang dalawa kaya tawang tawa sila.

"Wala po "Pagtanggi ni Sevastian.

"Ah Wala ...sige ..."Kiniliti ko uli ito kaya agad siyang napatayo at nagtago kay Raph.

Naliligo pasi Raph kaya kaming tatlo muna ang lumabas para sa breakfast.

Lumabas ako ng may narinig na tumatawag sakin. Hindi ko naman masabi na ang mga bantay yon dahil hindi sila mangangahas na pumasok sa loob ng mansiyon.

Naabutan ko ang isang malaking kahon sa labas at nakasulat padon ang pangalan ni Kuya. Baka para ito kay kuya.

Tumingin ako sa paligid pero wala akong nakitang tao maliban sa mga nananahimik na mga tauhan ni Kuya.

Binuksan ko ang kahon para malaman ang laman pero agad koyong naitapon ng makita ang....

Ulo ng tao..

My Husband is my Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon