UTS 21

3.5K 65 2
                                    

Chapter 21

Natigilan ako sa sinabi niya, pwede namang ako na lang hindi niya na ako kailangan samahan. "Sige, punta tayo mamaya." I still agreed, well pupunta lang naman ng dagat.

"Okay, take a rest."

Tumango ako sa kanya, pumasok na ako sa loob ng room ko at gano'n din siya. Ihiniga mo ang katawan sa malambot na kama, ngayon na nabusog na ako I suddenly feel sleepy. Dala lang pagod sa byahe at pagbigat ng talukap ng mata ko ay tuluyan na akong napapikit.

I woke up around three pm, medyo kinabahan pa ako dahil akala ko three thirty na, malalagot ako kay Caden pag hindi ako nagising at nakasama sa kanya. I freshened up a bit, inayos ko rin ang pagkakatali ng buhok ko dahil nagulo iyon nang makatulog ako kanina.

Patapos na rin ako sa ginagawa nang may kumatok na sa pinto, mabilis akong naglakad at binuksan iyon, naiwan ang kamay nito sa ere na kakatok pa sana.

"I thought you fell asleep." paliwanag nito.

"Nasa trabaho tayo, kailangan on time." mayabang kong sabi, natawa ito.

"You ready?"

"Ready."

Nakalabas na kami ng hotel, at sumalubong sa amin ang isang black hammer na sasakyan, lalo nitong nakuha ang atensyon ko nang patunugin iyon ni Caden.

"Ikaw magda-drive?" tanong ko.

"Yes."

Kumunot ang noo ko, "Hindi ba lilibot tayo rito? Alam mo ba ang pasikot-sikot?"

Tinaasan ako nito ng kilay. "Of course, I always go here." pagmamalaki niya. Naglakad na ako papunta sa passenger's seat at umakyat na sa loob, gano'n rin siya.

"Kailan naman?" tuloy ko kahit nasa loob na kami.

"Before the accident, Cian and I, we always go here when we were a kid." pinaandar na nito ang sasakyan, so lagi sila dito dati? Bago niya pa ako makilala?

"Dito kayo nagbabakasyon? Saan kayo tumutuloy?"

"Oo tuwing bakasyon, lagi kaming iniimbitahan ni Governor. Sakanila rin kami tumutuloy." sagot nito, tumango-tango ako.

Kaya pala pinasundo pa kami sa security team niya, close pala talaga sila.

Nakalabas na kami ng daan, hindi kami pumunta sa daan papuntang bayan. Baka ay sa mas dulo pa kami ng lugar pupunta. Hindi ko alam ang plano ni Caden, kung anong parte rin ng Astalier ang gagamiting location sa shooting, sasama nalang ako sa kanya para makita ko at magka ideya sa mga isusulat.

Marami kaming nadadaanang bukirin, may mga baka at kalabaw doon. Panay rin ang nadadaanan namin mga puno, sunod-sunod din ang mga bahay. May maliliit at kubo, meron ding malalaki, at may mga mansyon pa nga. Mukha nagpapatayo rin talaga rito ang mga mayayaman.

Well I can see that the province is rich, maraming taniman, dagat at may nakita rin akong sapa. The province is very resourceful. If I retire, I can live here. Peaceful but also the place itself gives healing.

Medyo nakalayo na kami, hindi ko alam kung saan ba ako balak dalhin ni Caden. Sementado ang mga daan, malinis din kahit maraming puno at nalalaglag na dahon. Kaya okay lang, maganda nga magroad trip sa mga ganitong lugar.

Natigil ang mga iniisip ko nang ipasok ni Caden ang sasakyan sa bakuran ng isang bahay, para itong malaking kubo na kulay asul. Sa hindi bandang kalayuan ay natatanaw ang dagat, lumabas sa labas ang isang matandang lalaki, nagtataka sa pagpasok namin.

Kahit nagtataka ay sinundan ko nalang sa si Caden, pinatay na nitong ang sasakyan at lumabas. Malaking ngiti ang sinalubong ng matandang lalaki nang makita niya ito.

Under the Stars (Tonjuarez Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon