CHAPTER 12

847 11 2
                                    

Yuri's POV

"Arrghhh! Aray ko ang sakit ng ulo ko!!!"

"Miss Yuri gising kana pala" Minulat ko ang mga Mata ko at tinignan ang boses babae na yun habang sapo ang ulo ko dahil sa sobrang sakit.

"Who are you?" Tanong ko rito. Medyo malabo pa ang paningin ko kaya hindi ko masyadong maaninag kung kanino ang boses na yun.

"Uhm si Athena"

"Athena?"

"Yes Miss Yuri ang hair stylist and designer ng Kuya Keyr mo" ohw! Kinusot ko ang mga Mata ko at do'n nakita ko siya habang nakangiti nang sobrang laki. Habang mugto yung mga Mata.

"Anyari sa mga Mata mo?" Tanong ko rito saka ako bumangon. Jusko ang sakit talaga ng ulo ko.

"Ah? Ahh wa-wala to hahahahahaha kakanuod ko lang ng k-drama to"

"Tsk! 'wag mo akong lokohin. Kilala kita, Athena. Baka nakalimutan mo ako ang nagpapasok sa'yo sa trabaho kaya 'wag mo akong pagsisinungalingan diyan. Ano? May ginawa nanaman ba si Kuya Keyr sa'yo?"

"Huh!? Wa-wala ahh. Wa-wala naman siyang ginawa heheheheheheh" pikeng tawa nito.

"Ahh sabi ng Kuya Brie mo inomin mo raw ito pag magising ka" sabay labas niya gamot at kuha narin ng tubig.

"Para saan to?"

"Para sa sakit ng ulo mo. Sabi niya sa hang over daw yan. Naparami ka raw kasi ng inom kagabi" kinuha ko ito at ininom kaagad.

"Saan mga Kuya ko?" Tanong ko sa kanya.

"Si Ken nando'n sa Music Studio, si Xavi at si Brie naman nasa Company at si Ke-Keyr nando'n sa girlfriend niya may da-date daw sila kaya nag Japan sila. Kaya a-ako na yung pi-pinabantay ni Keyr sayo. Kasi ayaw niya akong i-isama. Peru, okay lang sa akin" tinignan ko siya habang naka kunot ang noo. Impossibleng hindi to nagseselos eh o impossibleng wala silang relation ng Kuya ko. Nakita ko talaga silang nag kiss sa lips. Ilang taon na ang nakalipas eh. Sa my pool pa nga yun at nakita ko pa nga paano pisilin ni Kuya ang bo*bs nito. Kaya napaka impossible na wala silang relation ni Kuya Keyr. Tandang-tanda ko pa nga ang mga expression  nilang dalawa habang naghahalikan. 

"Hindi ka nagselos?" Panunukso ko

"Po!?? Hi-hindi ahh at i-isa pa. Hi-hindi rin naman ka-kami bagay. So-sobrang ga-ganda ka-kaya ng fi-fiance niya ku-kumpara sa a-akin. Tapos mayaman pa. Bagay na bagay sila. Sa-samantalang a-ako, ku-kung hindi niyo siguro ako tinulungan mas ma-mahirap pa ako sa da-daga ngayon"

"Tsk! Oo at hindi lang naman ang sagot ang taas naman ng explanation mo. Defensive yan?"

"Ahh hi-hindi ahh. Ah Miss Yuri ipinagluto nga pala kita ng Bulalo. Halika kumain ka tamang-tama ang init pa no'n kakatapos ko lang kasi magluto. Sa-sabi kasi ng Ku-Kuya Xavi mo da-dapat daw mag lu-luto ako na ka-kahit ano na may sabaw para ka-kahit papano ma-mawala ang hang over mo. Si-sige ipaghanda ko la-lang ang sabaw mo" saka ito lumabas sa kwarto ko habang nauutal.

Kaya sumunod naman ako sa kanya at dumiretso sa Kitchen at umupo kaagad don.

Tinignan ko siyang naghahanda habang nakangiti. Pangiti-ngiti eh kita naman sa Mata niya na nasasaktan eh. Hayyy naku bakit pa nga ba kailangan natin magpa ka marter dahil sa l*tseng pag-ibig na yan.

Sexret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon