{ I n t r o }
I hate boys. I really really dislike them. I mean, they're violent. Binubully nila lahat ng mga babae sa school namin.
And perhaps, manloloko sila. Una, lolokohin ka nila at ito ka naman, magpapaloko ka. Pag nakuha na nila ung gusto nila sayo, dun ka na nila iiwan.
Just like my father, before I was born, iniwan na niya kami ni mama kaya ito, naghihirap kami.
I really really hate boys, until I met him.
Nung first day of school, inatake ako ng anxiety attack ko.
Hindi ako makahinga at namamaga ang mata ko kaya hindi ako ganun makakita pero biglang may tumulong sakin.
"Miss, okay ka lang?" yun ang sabi niya. Hindi ko maaninag masyado ang mukha niya pero ang alam ko lalake siya.
"H-h-hindi ako m-makahinga..." yun lang ang nasambit ko. Severe case kase ang anxiety attack ko. Masyado kase akong nag-aalala sa mga maliliit na bagay.
Bigla nalang niya akong niyakap at sinabing.. "Miss, kaya mo yan. Wag ka nang mag-alala, nandito lang ako. Inhale, exhale...."
Sa mga sinabi niya, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at pag gising ko, nandun na ako sa clinic namin.
"Hello, gising ka na pala. Buti nalang naagapan ang anxiety attack mo at may nagdala pa sayo dito." sabi ng nurse sakin. Sino kaya ung nagligtas sakin?
"U-uhmm.. kilala niyo po ba ung nagdala po sakin dito sa clinic?" tanong ko sa nurse.
"H-huh? Hindi eh. Akala ko kase mag-jowa kayo. Ah, may pinapabigay pala sayo ung nagdala sayo dito. Gamitin mo daw yan pag umatake nanaman ung anxiety attack mo." sabi niya sabay abot sakin.
Scarf. Ang bait naman niya. Feeling ko iba siya sa mga lalake.
Sana, magkita pa kami.