His One- Sided Story

73 2 12
                                    

[a/n]: Hi guys! Kapag po naka Italic ibig sabihin po nun ay yun yung flashbacks :) Hehe. Maraming salamat sa nagbasa, nagbabasa at magbabasa ng story! :)

And also check out my other stories too! :)

Enjoy! :) kkk


****


Paano nga ba masasabi na "In-love" ang isang tao?


Iyon ba yung kapag nakikita mo siyang ngumingiti ay parang nagliliwanag ang paligid mo at para kang kinikilig? Na kapag kinakausap ka niya ay todo ang attensyon mo sa kahit ano pa man ang sabihin niya? Yung kapag nakita mo siyang umiyak ay parang dinudurog ang puso mo dahil ayaw mo siyang makitang ganon. At kahit na sandali lang kayo nagkita basta't nakapag usap kayo ay buo na ang araw mo. Mahirap ipaliwanag pero alam ko, alam ko sa sarili ko, na in-love nga ako.


Naalala ko pa iyong una naming pagkakakilala. Umuulan noon sa school...


Nalintekan na. Wala akong payong. Paker, 6:30 na pala ng gabi, nako. Matatagalan pa kaya ang ulan?


Nandito ako ngayon sa lobby ng school namin at hindi ako makalabas sa gate gawa ng wala akong dalang payong. Humihina na din naman na ang ulan at sana ay tumila na ito. Wala nang gaanong tao sa school dahil sa maagang nag uwian ang iba at ang iba naman ay nasundo na nang kanilang mga magulang. Umalis ako sa lobby at pumunta sa may bandang hagdanan upang maupo. Medyo malayo sa ibang tao at medyo madilim na din sa parte na ito dahil nakapatay na ang ilaw. Nagmuni muni muna ako at nag isip kung mayroon ba kaming mga takdang aralin ngayong araw ng biglang may narinig akong mga yabag. Nagmumula ito sa kabilang corridor at hindi sa may lobby. Nakakapag taka dahil madilim na doon at wala nang tao.


'Baka naman janitor lang?' bulong ko sa sarili ko.


Kalauna'y bigla nalang lumalakas ang yabag at papalapit ito sa kinaroroonan ko. Nakikita ko sa dilim ang anino ng parang babae, ang mahaba at basang buhok nito ay nakatakip sa mukha niya at bahagya itong nakayuko. Kinabahan ako. Naestatwa sa kinalalagyan ko. Kahit kelan ay hindi pa ako nakakakita ng multo sa tanang buhay ko at oo, kahit lalaki ako ay takot ako sa mga multo! Papalapit ng papalapit at nagulat ako sa mga sumunod na nangyare.


"AHHHHHH!!!" Sigaw ng multo kaya naman pati ako ay napasigaw na din. Akmang tatakbo na ako ng mapagtanto ko na, may multo bang sumisigaw?


"s-sino ka?" Nauutal ko pang sambit. Lumapit ang nilalang na iyon at doon ko nakita na isa pala siyang schoolmate namin dahil nakasuot siya ng uniporme na pang babae.


"Jusko. Akala ko multo ka din!" sabe naman niya at tumawa ng sobrang lakas.


"Bakit naman kase nandun ka sa corridor eh napakadilim at wala ng tao doon!" bwelta ko naman dahil halos atakihin na ako sa puso kanina pero siya, balewala at patuloy lang ang pagtawa.


Nang nahimasmasan na siya at tumigil sa pagtawa ay doon lang siya nagsalita. "Sorry. Kase naman, nasuspend ako. Naglilinis ako sa garden ng biglang umulan tas nasarhan pa ako sa gate1 kaya dito ako banda sa gate 2 dumaan. hehe" Paliwanag naman niya. Halata naman na galing siya sa pagkabasa sa ulan dahil basang basa ang buhok at uniporme niya. Nagmagandang loob na ako at pinahiram siya ng panyo na agad naman niyang ipinagpasalamat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His One-Sided Love (One- Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon