III. Paraluman

17 5 0
                                    


Paanong ba gang susukatin
ang gandang tinataglay;
Kung ang bilang at tugma ng
mga salita ay sinukat na't tinimbang
ngunit 'di naging labis: kulang–
Upang tumbasan ang tingkad ng
pamumukadkad ng
ngiti sa labí.
Marahil nga'y 'di sapat ang
mga sugnay ma't
pangungusap
para mapunan ang
patlang ng wika sa
pagbibigay linaw at kahulugan sa
iyong karikitan.

Translation:

How will I measure
your beauty–
If the rhythm and rhyme
of words are not enough
to match the shine
and glimmers of your smiles.
Maybe, those clauses
and sentences are never enough
to fill in the gap
of the language
in giving the true meaning to
your charm.

On Bridges That We BurnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon