Nanunuot
Ang hapdi, sakit, at kirot
Sa pusong sugatan;
Lubha ngang napuruhan
Tagos pa hanggang laman
Ang sakit ng galos at pasa na
Tinamo sa digmaan na
Ako ang talunan.Kung ang sagot sa paglimot
Sa pag-ibig na sawi
Ay tuluyang pagsuko -
Iwagayway na ang puting bandila,
Ibababa rin ang sandata't baluti;
Sa huling sandali,
Bago wasakin ng tuluyan
Ang pagmamahal na hatid.
Yakapin sana akong hangal
Na tinangkang sakupin
Ang puso mong
Iba ang hangarin.
BINABASA MO ANG
On Bridges That We Burned
PoesiaA collection of unsaid words and feelings dedicated to the people I once loved and cherished.