Untitled Part 1

16.8K 86 3
                                    

Na-experience ko na po ito noong 19 na taong gulang ako, nag-aaral sa isang national na kolehiyo dito sa Pilipinas.


Ako si Jun.


Payat ako, wala kasi masyadong makain sa bahay, eh hindi naman kami mayaman. Hindi rin naman ako nag-gygym, takbo takbo lang tuwing umaga. Wala din naman akong abs, siguro slim-built lamang, pero malakas naman ang mga braso ko para magbuhat. Sa totoo lang, bastos ako, nanonood ako ng mga videos na R18 at nagba-bati ako araw-araw, dalawang beses, nakakapanghaba raw kasi yung ng buhay sabi nila.


Bastos talaga ako, pero ang hindi ko inakala na ang magiging first ko ang isang lalaki, kaklase ko pa.


So ito na, sa totoo lang kasi ako yung tipo na taong loner, ang kaibigan ko lang madalas si Mika, malakas siyang kumain pero mabait.


Balik ako sa storya, nagpa-assignment yung prof namin na gumawa ng small presentation gamit ang illustration board tungkol sa systems of the human body, sabi magkakaroon daw ng partner para hindi mahirapan sa trabaho kasi weekend lang ang merong oras at monday agad ito ipapasa.


Nangako ako na si Mika makakapartner ko o kaya wala na akong partner para mas maganda pa. Narinig ko yung pangalan ko, "Okay... si Jun. Makakapartner mo si... Mark. Ang system na gagawin niyo is... reproductive system." sabi ng prof namin.


Si Mark, soccer player yun.


Pagkatapos ng klase, hindi ko pinuntahan si Mark. Hindi kasi ako magaling pagdating sa mga group projects, ace ko ang individual projects. Para walang hassle pagdating sa mga desisyon at walang away. Kung partner man, si Mika madalas ang natatapat. Pero ang hindi ko inakala, siya pa ang pumunta sa akin.


"Jun!" ang maikling sigaw ng aking pangalan na naibigkas ni Mark kaya napatingin ako bago ako umalis ng kwarto.


"... Hm? Ano?" ang tanong ko.


"So... ano? Kailan ba tayo gagawa? Libre naman ako ngayong weekend, 'di naman ako uuwi sa pamilya ko." ang tanong niya na ibinalik sa akin.


"Uh... ganito... siguro. Bili ka ng..." napa-isip ako kung ano ang mga kailangan namin na gamit.


"2 Illustration Board siguro na 1/2, construction paper, bond paper, tsaka na rin marker na maraming kulay." ang dagdag ko.


"Sige! Ako na bahala dun. Sa kwarto mo nalang tayo gumawa." ang sabi niya.


"Hinde! Ah-... kasi, madumi kwarto ko." ang palusot ko kasi sa totoo lang madumi naman talaga, pero labas na labas ang mga R18 magazines ko sa bookshelf. Yung mga R18 ko na dvd sa ilalim ng tv tas yung lotion ko sa ibabaw ng cabinet.


"... Ha? Okay lang yun. Tutulungan nalang kita maglinis bago tayo gumawa." sagot naman niya.


"Hindi na. Sa kwarto mo nalang, dalawang kanto lang naman ang layo ng apartment diba?" ang tanong ko.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Untold Pinoy M2M StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon