Pamilyar ba kayo sa kaganapan sa Hacienda Luicita?
(Hacienda Luisita Massacre) kung saan maraming ang namatay.. simula nun, marami na rin daw ang kababalaghang nangyayari sa mismong lugar ng pinangyarihan. mga kaluluwang nagpaparamdam at nagpapakita daw sa mga residente doon. at ang kwentong ito ay isa sa mga naranasan na ng karamihan.. at totoong nangyari!!
----------------------
HLC Main Gate - kung saan nakadestino ang dalawang gwardiyang tawagin na lang nating Jun at mang mario. silang dalawa ang magkasamang nagbabantay at rumoronda sa buong kumpanya.. sa tagal na raw nilang nagtatrabaho sa nasabing lugar, ay hindi raw nila inisip na mangyayari sa kanila ang isang nakakatakot at nakakapangilabot na karanasan.
----------------------
Ala sais daw ng gabing sila na ang sumalang sa trabaho, araw ng lunes at walang darating na dealer ng tubo, kaya maaga din nilang sinarado ang gate. walang ibang libangan ang dalawa kundi, makinig lang ng radyo.. at habang nagpapalipas ng oras ay nagbabasa-basa lang daw sila ng dyaryo at ng pocketbooks na dinadala ni jun.
----------------------
Pasado alas onse na daw ng gabing iyon ng nagpasyahang rumonda si mang mario, at naiwan naman si jun sa boot ng mag-isa. palitan kasi sila sa pagronda, pagkatapos ng isa,ang isa naman, laging ganyan daw ang kanilang ginagawa..
---------------------
Malaki at malawak ang compound ng nasabing kumpanya kaya mahigit sa isang oras daw nila itong nililibot pero pag si mang mario na daw ang rumonda, hanggang sa kasuluksulukan ng building ay inihinspeksyon nya ito kaya higit sa dalawang oras daw ito bago makabalik sa boot, kaya ang ginagawa ni jun ay manigarilyo sa may bakanteng lupa sa likod ng boot..
---------------------
At nang gabing iyon habang naninigarilyo at palakad lakad sa lugar si jun ay napansin nya na parang may taong nakatayo, di kalayuan sa pwesto nya kaya.. nilapitan nya agad ito, Pssstt!! anong ginagawa mo dyan?! tanong ni jun, nakatalikod daw ito, mahaba daw ang buhok at kita nya ang tabas ng katawan kaya alam nyang babae ito. hoy!di mo ba ako narinig?? tanong ulit ni jun pero hindi daw ito limingon kaya lapitan na nya lang ito, laking gulat daw nya ng makita nya ang itsura ng babae, duguhan ang suot nitong mahaba at kulay puting bistida. biyak ang noo nito at medyo natatakpan ng mahaba nyang buhok ang madugo din nito mukha.sobrang talas daw ng pagkakatitig nito sa kanya, lumulutang ang mga paa nito sa lupa.
---------------------
Sa sobrang takot at pagkabigla ni jun ay nawalan daw sya ng malay ng mga sandaling iyon.. kaya ng bumalik si mang mario ay wala syang nadatnan,san nanaman kaya sumuot tong taong ito?? at agad nya daw itong hinanap.. at nagulat ito ng makita nyang naka andusay si jun sa lupa at dali dali itong nilapitan, pero natigilan daw sya ng makita din nya ang multo na papalapit sa kanila. nagulat sya pero hindi daw sya nagpadaig sa takot, at agad nyang hinalalayan si jun at nagmamadaling pumunta sa gate at agad itong binuksan, mabuti na lang daw ay may nakakita sa kanila at agad tumulong sa dalawa..
--------------------
Pagkatapos daw ng mga pangyayaring iyon ay nilagnat daw si jun ng ilang araw, si mang mario naman ay pansamantala munang nag leave.. hangga't di pa muling nakakapasok ang kasama nito.. simula nun ay naging katatakutan na ng mga trabahador at mga dumadaan malapit sa naturang lugar ang nasabing multo.. at hindi lang dito nagtatapos ang kababalaghan ng nagmumultong babae..