"Bat mo ginawa yun?"
"Hindi ko alam."
"Hindi mo alam? Sinong niloloko mo? hahaha. ohh right, ako."
"... sorry bhie."
"sorry? ha-ha. sagutin mo tanong ko! Bat mo ginawa yun?"
"hindi ko alam. Hindi ko talaga alam."
"hindi mo alam? wow. sino niloloko mo? Choice mo yun eh!"
"alam ko na mali ung choice ko. sorry. di ko alam bat ko nagawa yun."
"akala ko mahal mo ko? kung mahal mo talaga ako, bat mo ko niloko? ano yun, trip trip lang? did you ever think of the consequence ng choice mo? naisip mo man lang ba ako nung mga panahong nakikipaglandian ka sakanya, nakikipaghalikan ka sakanya, or worse.. urggg!"
"sorry. alam kong mali ako. please, wag mo kong iwan"
"sorry. sorry. sorry. puro nalang sorry! sinong ginag*go mo dito Chris? Wala nang magagawa ang sorry mo at lalong lalo na wala ka nang babalikan. Don't you think tama na tong ginagawa mo sakin? di ka na ba naawa?"
"alam ko ang g*go ko dahil sa ginawa ko, pero please wag mo kong iwan. kelangan kita. mahal kita. ikaw lang. wala na ung samin. wala na. tinigil ko na"
"tinigil mo o siya mismo ang tumigil?"
". . ."
"goodbye Chris."
"please. Please naman oh Athena. Wag mo gawin to. Wag mo sayangin ung 4 years natin. Mahal na mahal kita. Ikaw gusto kong makasama sa altar. Ikaw gusto ko maging ina ng magiging anak ko. Wag naman, please."
"di ako ung sumayang nun. Ikaw. tigilan mo na ko. goodbye"
" . . . di ko na alam gagawin ko. Sige, Sorry sa abala. Sorry sa nagawa ko. wala na. wala naman na din saysay buhay ko kung hindi ikaw makakatuluyan ko. Thank you sa lahat :) mamimiss kita Athena. You're the best thing that came to my life and I'm sorry I wasted my chance. Nasa akin na, pinakawalan ko pa. Sorry. ingat ka lagi ah? gamit mo at sarili mo."
** you cannot reply to this person because this person either blocked you or does not exist **
"Nakakainis!!!"
di mapigilan ni Athena umiyak. sino ba naman kasing hindi maiiyak sa nangyari? ilang beses na nga niyang pinagbigyan sa panloloko, tuloy padin siya ng tuloy. palala pa ng palala pa ang nangyayari. di naman siguro masama na pagpahingahin na niya ung puso niya sa lahat ng panloloko na ginawa sakanya ng forever-cheater boyfriend niya noh? i mean, ex-boyfriend.
*message chat*
" alam kong magugulat ka dahil nakipagchat ako pero I'm concern with Chris. Ano nangyari? bat nagtext siya ng ganito ganyan na parang nagpapaalam na? bestfriend ko si Chris kaya alam ko kung ano takbo ng isip niya pag nagaaway kayo."
*message chat*
"Athena! ano nangyari sainyo? bat ganun message sakin ni Chris?"
*message chat*
"Ate Athena, nagaway po ba kayo ni kuya Chris?"
*message chat*
*message chat*
*message chat*
"BAT AKO GINUGULO NILA?! AKO MAY KASALANAN?!"
napasubsob nalang si Athena sa lamesa niya. Ni isang reply walang natanggap mga gumugulo sakanya. hinayaan nalang niya ang sarili magpahinga sa lahat ng nangyari, iniisip na "bukas. siguro mananahimik na sila..."
--------------------------------------
Hello sa mga magbabasa nito. please tell me kung "yay" o "nah" tong chapter na to. pleaaaaaaaaaase ^_^ para alam ko kung pagpapatuloy pa or not.
Lahat ng nangyayari dito, work of imagination ko lang. Sorry sa mga may pangalang "chris" at "athena" na couple sa totoong buhay.
BINABASA MO ANG
Restart
Teen FictionOne life. One shot at all the things we do. Remember all the wrong decisions that we had to go through? Remember all the consequences that we had to face with those decisions? Remember the options that we need to choose from and in the end, it was n...