Noong Bata ka pa!

67 1 0
                                    

Noong mga bata pa tayo wala pa tayong iniintindi sa mundo kundi maglaro ng maglaro kung saan-saan ma-pabahay , eskwelahan o ma-pakalye man, halimbawa:

Tumbang Preso- Ang laro ng mga asintadong bumato ng "Tsinelas" Isang lata lang kailangan yupiin ng konti at tsinelas mo lang. "Game na!"

Bangsak- Dito sa laro na ito kailangan magaling kang magtago,dito ka na kadalasang maburot at paulit-ulit matataya.
Yung darating sa point na "Ilang oras ka naghahanap kung saan -saan yun pala ay nagsiuwian na yung mga kalaro mo Bahay nila" . saklap (FacePalm)

Patintero- Dito sa laro na ito kailangan mabilis kang tumakbo at kailangan malapad ang mga braso mo para sa pag taya. (patotot lang ang alam kong tawag sa nantataya sa gitna)

Agawan Base- Dito sa laro na ito kailangan ay may Base kayong hahawakan para hindi kayo mataya ng kalaban kahit ilan pwede sumali ,kahit malayo pa ang pagitan ng Base ng kalaban nyo pwede, kailangan maubos nyo silang lahat at ang target mo kung sino ang unang makahawak sa Base ng kalaban ay sisigaw ng "Save" sila ang panalo.

kung may "Big Games" meron ding "Mini Games" dyan na pumapasok ang mga larong

Tex- Ito yung mga Card na maliliit meron din malalaki yung mga Yugioh pero kadalasan maliit ito. Ito yung kung ano uso na palabas sa T.V. yun yung nakalagay na picture sa "Tex" Halimbawa nakalagay pic ni Marian tas may Power 8000 nakakatawa na inis isipin.Hahaha.
Cha,Chub lang ang labanan dito. "Tigisang Pato" at isang "Pananggulo" ,bawal lang mang "Oblik"

H/Jolen- May "Jolen" na Isahin,Limahin,Sampuin. Yung "Isahin"kulay Green na Transparent. "Limahin" kulay White naman."Sampuin" Batik- batik as in Karug-Karog na Puti yung pagkabatik may iba't-ibang kulay na kasama. dito mo makikita ang iba't-ibang porma ng pagtira ng "Jolen" may paCobra,pakadyot,may paSkit pang nalalaman,may paTweet tweet,may Batak talagang tumira kahit saan pa yan Sungkaan man o Agaran.

Pogs-Parang "Tex"rin ito pero pabilog naman sya at makapal pa sa "Tex" ang pinagkaiba nito inihahampas sya sa sahig maglalagay ng tiglimang taya ng nakataob at hahampasin ng tigisang hampas kada turn hanggang sa magCha at maubos ito.

Turumpo-Ito yung gawa sa kahoy na galing pa sa puno ng Bayabas na may Pako sa loob.Ito yung nilalagyan ng "Thumbtacks" sa tuktok ng "Turumpo" para gawing "Shield" at hindi agad ito mabasag.Siguro lahat naman ng mga kalalakihan alam ang larong Turumpo.

Gagamba-Ito yung nabibili sa labas ng eskwelahan na iba-iba ang presyo dipende sa laki ng "Gagamba" Isang Stick lang ang kailangan yan na yung magsisilbing "Ring" sa labanan at syempre ilabas na ang mga "Gagamba" sa "Box ng Posporo" at simulan na ang laban. Ang makikita mo sa laban na kagatan,10ft, saka pag natalo ka Sasaputin ka na o yung tinatawag na FishBall ka.Maraming klase ng Gagamba
may

Gagambang Tunay
Gagambang Peke
Gagambang Buko
Gagambang Bahay
Gagambang Kuryente
Gagambang Electric Fan
Gagambang Refrigerator
Grapitik
Gagamboy
Spiderman

BokaphobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon