Chapter 7

30 0 0
                                    

Chapter 7



"Grabe bitchy, ang galing mo ah. Tingnan mo siya ngayon, pinagkakaguluhan na ng mga babae." she sighed. "...grabe crush ko na yata siya." Dugtong pa niya. Nakalagay yung kamay niya sa ilalim ng baba niya, na parang nag day dreaming at nakatingin kay Johann Alrei na busy sa pakikipag ngitian sa mga babae. Yung ngiti na nahihiya siya, at sino ba siya para mang dedma. Sigurado akong lalaki ang ulo niyan. Makakalimutan na niya rin yung babaeng nagugustuhan niya, dahil marami nang nagkakagusto sa kanya ngayon at pwede na siyang mamili kahit sino sa mga babae na yan.


"Look Aby, may dare ako sayo." nag lean forward siya sa akin at nag evil smile siya.


"Ano?" Confident kong tanong sa kanya. I smiled back at her. I love this girl very much. At ito ang isa sa favorite naming game 'I DARE YOU.'


"I want you to make him fall for you. Simple. Alam kong kayang kaya mo yun, pero alam ko itong lalaking ito ay iba." I raised my right eyebrow at her. I smirked. Ito ang isa sa pinaka madaling dare niya saakin. Madali lang ma-fall ang katulad niya, lalo pa't hindi siya napapansin ng girl na nagugustuhan niya.


"Call. And what if magawa ko yun?"


"May free shopping ka, kahit sa anong branch ng mall namin." Hindi ko pa yata na kwento sainyo, si Thalia Janine Fortalejo ang aking bitchy besty ang pamilya nila ay kilalang mga business tycoon. Nag mamay ari sila ng ilang mga malalaking mall and hotel dito sa bansa. Mayroon din silang iba pang branches sa Asia. Kaya rich kid itong babaeng ito. Well, kung libre lang din naman, papayag na ako. Kahit kaya ko namang bilhin kahit na anong gusto ko.


"Okey Fine." I replied.


"One month lang ah."


"Sure. Baka nga hindi pa umabot ng One month e."


"Haha. Let's see." Mukhang ayaw niyang maniwala na kaya ko. Huh. Walang hindi naaakit sa charm ko noh.


"Janine." I know this voice. Si Gab. Ngumiti si Janine mula sa likuran ko at ngumiti din sa akin ng nakakaloko. Inaasar niya ako sa pinsan niya. Lumingon ako at nakita ko siyang nakatingin sa akin. Sinimangutan ko siya at ibinalik ko na yung tingin ko kay Janine. Galit ako sa kanya, ako lang yung pinarusahan ni Sir. Its all his fault. Flirt kasi siya. Umupo siya sa bakanteng upuan sa side namin. Hindi ko siya nililingon.


"Mayroon ba akong hindi nalalaman dito?" Then she sip her juice. Pabalik balik yung tingin ni Janine sa aming dalawa na medyo natatawa pa.


"Yang pinsan mo ang tanungin mo." I crossed my arms. At napatingin ako sa pinsan niya na nag grinn. Uh! Nakakainis, talagang iniinis niya ako. I stood up, ".. diyan na nga kayong magpinsan." and walk out. Hindi ko alam kung saan ako papunta ngayon, kaysa naman makasama ko si Gab duon sa loob nag-iinit ang dugo ko. Hindi man lang ako ipinagtanggol, siya naman ang may kasalanan. Ang landi landi niya kasi. Ang unfair, ako lang ang naparusahan. Arrgghh. Tumigil ako sa paglalakad and I close my eyes. Inhale. Exhale. 'Ayokong maistressed .' bulong ko sa sarili ko. Inhale. Exhale. Pagkatapos kung mapakalma ang sarili ko. Unti unti kong iminulat ang aking mga mata. At biglang tumambad sa harapan ko, ang isang napaka gwapong nilalang. Isang adonis. He is smiling at me. Lumabas na naman, ang malalalim niyang dimples. Para akong naging isang bato sa kinatatayuan ko. Hindi ko maikurap ang mga mata ko, dahil napaka gandang view nito. Suddenly, bigla akong nakaramdam ng pag-init ng mukha ko. And I think there is something wrong on my stomach. Bigla akong nakaramdam ng paro paro sa aking tiyan. Shit. What is this feeling?? Ang bilis ng tibok ng puso ko. Biglang bumagal ang galaw ng mga tao. Ano bang nangyayari? He wave his hand in front of me. Duon lang ako bumalik sa sarili ko.


"Are you sick Aby?" Hinipo niya ang noo ko.


"N-no." nauutal kong sagot. Bakit ba ako nagkakaganito. Hindi naman ako ganito dati.


"Are you sure?" concern niyang tanong sa akin. I composed myself. Ayokong mag karoon siya ng hint kung bakit nagiging ganito ako. Nerd siya. Nagbago lang ang appearance niya. Matalino siya. At hindi ako ito. Hindi ako pwede makaramdam ng ganito, sa pagkakaalam ko ganito daw yung feeling kapag ... Oh My ... hindi pwede..


"Ilang beses ko bang uulitin? " Tinaasan ko siya ng kilay. Then he smile dryly. He put his hands inside his pockets. Wow. Medyo pa-COOL effect na siya ngayon.


"Bakit kaba nandiyan sa harapan ko?" Mataray kong tanong sa kanya.


"Akala ko kasi may masakit sayo. Bigla ka kasing napapikit."


"Talaga? Baka gusto mo lang akong ikiss?" may pang-aasar kong tanong sa kanya. His face turning into red. He shook his head. HAHA. Indenial pa. I knew it. May gusto ito saakin. Medyo mapapadali ang larong ito at siguradong panalo na naman ako sa Dare na ito ni Janine. Let's the game begin.


Ms.Playgirl meet Mr.NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon