Chapter 18

184 6 1
                                    

Sabrinna POV

Natapos ko na ring maghanda ng hapunan nung magising si Sandy. Tumatawa-tawa siya habang naglalaro sa floor mat, puno ng kalat ang mga laruan niya pero masaya siya kaya't napangiti na lang ako.

Nakaka-relax lang na makita siyang masaya, lalo na sa ganitong mga pagkakataon na parang ang tahimik ng mundo namin.

Naalala ko tuloy kung bakit ako nagsusumikap para lang mapanatili ang kapayapaan at kaligayahan namin.

Ilang minuto lang ang lumipas, may kumatok sa pinto. Binuksan ko, at andun si Jane kasama ang asawa niya.

Ngumiti lang ang asawa ni Jane at nagpaalam, "Babalikan ko na lang siya mamaya," sabay alis, kaya't naiwan si Jane para makasama kami ngayong gabi.

Dire-diretso si Jane sa loob, hindi man lang ako binati at dumiretso na kay Sandy.

“There’s my little angel!” bati niya na puno ng excitement habang lumuhod sa tabi ni Sandy.

Tumingin si Sandy sa kanya, kitang-kita ang tuwa sa mata niya habang nilalaro siya ni Jane.

Habang pinapanood ko sila, naramdaman ko ang pagkalma ng loob ko. Masarap talaga ang pakiramdam na nandito si Jane, lalo na pagkatapos ng mga nangyari kanina.

Unti-unti nang nawawala ang kaba at pagod ko habang inaayos ko ang lamesa. Nilagay ko na ang baby chair ni Sandy sa usual na pwesto, at naghanda ng maliit na mangkok ng pagkain para sa kanya.

Pagkatapos kong maihanda ang lahat, tinawag ko sila, "Jane, dalhin mo na si Sandy dito, dinner na."

Dahan-dahang binuhat ni Jane si Sandy, na tumatawa pa rin dahil sa kanilang laro, at pumunta kami sa dining table.

Umupo na kami at nagsimula nang kumain, puno ng kuwentuhan at tawanan ang paligid.

“So, what’s the latest?” tanong ni Jane, sabik na marinig ang mga balita.

Napatawa ako habang sinusubuan si Sandy. “Wala naman masyado, same old—trabaho, si Sandy na laging nagpapakabisi sa akin, at ang buhay, you know.”

Habang kumakain kami, tuloy-tuloy lang ang kwentuhan. Busy ako sa pagpapakain kay Sandy habang sumusubo ng pagkain ko, pero masarap at simple lang ang dinner namin.

Pero habang nag-uusap kami, bumalik sa isip ko yung nangyari kanina sa mall. Napaisip ako na siguro mas mabuti pang ikwento ko na lang kay Jane.

Tinignan ko siya at sinabi, “You won’t believe who I ran into today.”

Tumigil si Jane, halatang curious. “Sino?”

“Cyrus, yung pinsan ni Prime,” sabi ko, trying to sound casual pero medyo uneasy pa rin.

Nanlaki ang mata niya. “Cyrus? Oh my God, paano nangyari yun? Okay ka lang?”

“Okay lang ako,” sagot ko, pilit na ngumiti. “Nagulat lang talaga ako. Hindi ko kasi inaasahan na makikita ko pa yung kahit sino na may koneksyon sa nakaraan ko.”

Hinawakan ni Jane ang kamay ko, na parang sinusuportahan ako. “Gets kita, Sabrinna. Ang dami mo nang pinagdaanan. Pero tandaan mo, kailangan mong maging matatag—para kay Sandy. Kailangan ka niya.”

Tumango ako, na-appreciate ko ang sinabi niya. “Oo, tama ka. Kaya ko 'to. Kailangan ko lang mag-focus kay Sandy at mag-move forward.”

Ngumiti si Jane, at nagpatuloy kami sa pagkain. Kahit na medyo mabigat yung topic, pinagpatuloy pa din naming kumain na para bang walang nangyari. 

Binalewala ko na lang ang nangyari sa mall kanina at pilit ko itong kinalimutan. Habang lumilipas ang oras, dumating na rin ang oras na kailangan nang umuwi ni Jane dahil sinundo na siya ng asawa niya.

Ashford Series 1: Loveless VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon