Chapter 1

9 2 2
                                    

Ball Game

"Paalala lang po, mga coach ng bawat team lang ang pwedeng pumasok sa court." Paalala ni Pres. Nick. Tumango na lamang kami nang matapos siyang mag announce at pinapila na.

Pinapasok na kami sa court at dahil kulang kami, walang substitute. Pagod pagod kami nito pag uwi.

Nag simula na at ako ang mag s-serve. Abot hanggang langit kaba ko dahil kinakabahan ako sa mga kalaban namin. Mukha silang batak na batak sa training, eh ako kakatraining ko lang nung nakaraan tapos hindi pa gamay at kabadong kabado.

Nang na serve ko na yung bola. Buti naman umabot pa sa kabilang court. Nagulat ako nang biglang ilahad ni Leon ang kanyang kamay at aambang umapir sa akin. Hindi ko naman siya pinahiya at inapiran ko siya. (Sobrang proud ko rito hahaha)

Nang mag s-serve na ulit ako pumasok siya pero sobrang dikit sa linya kaya nakapuntos na naman kami.

Sa ikatlong pag serve ko ng bola, hindi na 'to pumasok. Napasinghap ako pero buti na lang nandiyan silang mga ka-team mate ko para pagaanin yung loob ko. Hindi ko naman masyado dinibdib 'yon. Di ko lang alam kung bakit grabe sila maka comfort.

Malapit nang matapos yung laro. Ang intense na masiyado ng laban. Pinagpapawisan ako ng malamig dahil sa mga rally namin.

Score: 21-21

Napasa kona sa sa kakampi ko yung and then....NAPUNTA SA AUDIENCE YUNG BOLA!!!!

Napaupo ako dahil sa frustration pinuntahan ako ni Leon, napansin niya atang frustrated ako.

"Get up, Paris" aniya. Napatingin ako sa kanya. Nahihiya akong hawakan yung kamay niyang nakalahad. Baka kung anong isipin ng mga makakakita sa amin kung tatanggapin ko 'yon. Pero baka mapahiya ko siya kung hindi ko kukunin yung kamay niya. Inilahad ko na rin ang aking kamay at hinihintay na hilahin niya ako patayo.

Pagka tayo ko ay inabutan niya ako ng tubig. Grabe ang pagod ko, pagod namin. Bukod sa wala kaming sub ay maraming energy yung kalaban.

Inaya na kami nila Bishop na umuwi, masyado ng late para sa amin. Sa kotse na lang daw niya kami sumabay dahil mahihirapan kami humanap ng masasakyan pauwi.

Souls Don't Meet By AccidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon