Chapter 31: Curiosity

172 7 0
                                    

"Daddy Doc, sino ang nanay mo?"

Napatigil si Kaiden sa kanyang ginagawang pagluluto sa tanong na 'yon ni Dreams. Nakapwesto si Dreams malapit sa dining table, nakasandal ang siko nito sa upuan habang nakatingin niya diretso sa picture frame na naroon. Bumalikwas ng takbo si Kaiden upang kunin iyon dahil ayaw niyang mapakialama iyon ni Dreams. Hindi niya alam pero labag iyon sa kanyang kalooban.

"Don't you dare touch this one." Singhal ni Kaiden at tinutukoy nito ang pictura frame na noon ay hawak na niya sa magkabila nitong kamay saka ipinagpatuloy ang pagtutuloy.

"Luh? Hindi ko naman hahawakan e, nagtatanong lang ako." Sagot nito at humarap sa gawi ng doktor kung saan abala ito sa pagluluto ng kanyang hapunan. "Siya 'yong nanay mo, di ba? Nasan na siya ngayon? Bakit hindi mo siya kasama dito sa unit mo?"

Walang natanggap na kahit na anong sagot si Dreams mula kay Kaiden. Para itong bingi na hindi narinig ang mga sinabi nito. Napabuntong-hininga ng malalim si Dreams at lumapit sa gawi ni Kaiden. Paside siyang sumandal sa lababo paharap sa mismong pwesto ni Kaiden na nagluluto. Kunot-noo tuloy siyang tinitigan ng lalaki't napasinghal pa ito ng bahagya.

"Kahit anong gawin mo, hindi ko sasabihin sa'yo." Iritableng tugon ng lalaki. "Stop investigating about my life. Hindi mo ikakayaman 'yan kaya tumigil ka na."

"Siya 'yong nanakit sa'yo na sinasabi mo 'di ba?" Pagpapatuloy nitong tanong at binalewala ang mga sinabi ng doktor. "Nasaan siya? At anong dahilan kung bakit sinaktan ka niya non?"

Taas-kilay siyang sinulyapan ni Kaiden at matalim ang tingin na itinapon nito na sapat lamang upang matakot siya. "Alam mo bang pwede kitang kasuhan sa pangingialam mo sa buhay ko, hmm?"

"Magkaiba ang nangingialam sa nagtatanong, Doc." Depensa nito.

Umiling ito na hindi sang-ayon sa sinabi ni Dreams. "Sa inaakto mo ngayon, parehas 'yon. At hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mong alamin lahat tungkol sa akin. You're not girlfriend! You're not my wife kaya labas ka sa bagay na 'yon." Maawtoridad nitong usal saka pinatay ang stove at nilayasan si Dreams na laglag ang panga.

Pinanood na lang ni Dreams ang papalayong bulto ni Kaiden dala-dala 'yong picture frame na ipinagdadamot niya kay Kaiden. Napahilot siya sa kanyang sentido nang layasan siya ng doktor. Papatayin siya ng kuryosidad niya at para maiwasan iyon, kinakailangan niya ng kasagutan mula sa doktor pero mukhang nahihirapan siya. Mas mailap pa si Kaiden sa baboy ramo kung ikukumpara niya.

"Aalis ako ngayon, maggrogrocery lang ako kasi nawalan na 'ko ng stock." Kinuha ni Dreams ang dadalhin nitong sling bag at payong panlaban niya sa init ng araw sa umagang iyon. "May ipapasabay ka bang ipabili?"

"Nothing."

Sa malamig na pagsagot na iyon ni Kaiden, hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Dreams na magsalita ulit. Tahimik na lang siyang lumabas ng unit at nagtungo sa dati niyang pinupuntahan na grocery store. Kaunti ang tao roon na nadatnan niya, kaagad na siyang kumuha ng mga bibilhin niya habang tulak-tulak niya ang isang push cart. Bago siya nagtungo sa grocery store ay dumaan muna siya sa cebuana upang padalhan ng pera ang kanyang pamilya. Nangutang muna siya sa kaibigan niyang si April at babayaran niya ito kapag nakuha siya sa pinag-applayan niyang trabaho, 'yon ay ang mismonh grocery store na pinagbibilhan niya. Napansin ng ibang employer ang pagiging madalas ni Dreams roon kaya naman ilan doon ay naging kaibigan na niya.

"Tine, ano may balita na ba?" Pagtatanong ni Dreams ukol sa application na inilakad niya sa manager ng grocery store na iyon. Gusto niyang magtrabaho doon pansamantala para may pagkunan siya ng perang ipapadala sa pamilya niya. Magtratrabaho siya hanggat kaya pa ng katawan niya. Ayaw niyang maging pabigat kay Kaiden kaya naisipan niyang mag-isip ng trabaho.

HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon