Chapter 50

259 9 3
                                    

Carmella Pov


Pagka baba ng kurtina ay agad agad kong tinanggal ang mic na malapit sa labi ko at nagwala dahil sa sakit. TANGINA!! Puro mura na ang lumalabas sa bibig ko dahil sa sakit.

"Tangina ang sakit!" Malutong na mura ko habang nakahawak sa hita ko halatang magkakaroon ako ng pasa dito, dahil naman sa sigaw ko ay napalapit silang lahat sa akin

"Hala okay ka lang?" Liam, malamang hindi!! Hambalusin kitang bata ka eh

"Hindi kasi nag iingat" Lucas, Tanga sinisi pa ako!! Nanood ka ba talaga!!

"Tangek kasalanan ni Ace" Kris, salamat!!

"Yeah" Luke, hindi ka nga nanood!!

"Imbis na tulungan pinag kumpulan pa ako!" Inis na sigaw ko nung mapansin na nakatingin lang sila sa akin kaya naman nag bigay na sila ng space para naman makahinga ako ng maayos at doon na ako umupo ng maayos at tiningnan ang hita ko na natamaan

"Ano ba ang nangyari??" Tanong ni Ryan, tangina naman

"Tangina kasi ng isa diyan hindi nag dadahan dahan" Inis na sagot ko habang hinahanap ang gagong Ace na yon.

"You still love it" Narinig kong nakakainis na tinig sa bandang uluhan ko kaya naman napatingala ako at hindi nga ako nag kakamali.....

"Hayop ka!! Anong you love it??" Inis na tanong ko sabay hampas sa kanya pero imbis na tumama iyon sa kanya ay madali niya lang hinawakan ang kamay ko tsaka ako binuhat ng pa bridal syle

"Ano ba ibaba mo ako!" Pagwawala ko ng makarinig na ako ng *Awwwe* sound pero wala talaga siyang balak na ibaba ako kaya naman pinabayaan ko nalang siya.


Arian Pov


Kanina pa kumukulo ang dugo ko dahil sa nasaksihan ko, I can't believe na nagpahalik ang kapatid ko sa lalaking yan?? No way!! Sino ba siya? Walang hiya talaga yung gagong yon!

Kanina pa nga ako pinipigilan ng mga kaklase ko para pumunta sa back stage pero ako pa din naman ang nag wagi kaya dali dali agad akong umakyat doon ng walang kahirap hirap, nakasalubong ko pa nga si Kuya Sevy na masama din ang timpla ng mukha kaya naman tumabi na ako sa kanya at sabay kaming pumunta doon, pero mas lalong nandilim ang paningin ko ng makita na buhat buhat pa ni Ace si Carmella kaya naman lumapit ako sa kanila at sinapak siya pero agad naman akong umatras at pigilan si Kuya Sevy ng may kukuhain na siya sa bulsa niya.


Ace Pov 

Agad ko namang binitawan si Carmella ng makitang may huhugutin na si Sevy sa bulsa niya.... wait natatakot ba ako?? No way

"You jerk! Nakakailan ka na!!" Nanggagalaiting sigaw ni Carmella bago may tumama sa kalamnan ko kaya naman napaluhod ako sa sakit. Tangina ang sakit talaga nito manuntok!

"Fuck Carmella" Rinig kong mura ni Sevy at doon na nga kami nagkagulo sa likod ng stage. Sigawan, batuhan, murahan at sakitan, ayan ang nangyayari hanggang sa tawagin kami as a first place, I can't believe na nanalo kami at the same time kumalma na si Sevy at pinaakyat muna kami sa stage para I claim ang prize namin which is the best moment ng section C dahil may mga bakla pang umiyak at si Carmella naman na kahit may distansya sa akin ay naglalaro sa confetti na nahuhulog  nag speech pa ang Principal at may pa congrats pa sa amin at pabiro pang tinapik tapik ang balikat ko pero hindi ko nalang siya pinansin


Third Person POV


"Sige mag enjoy lang kayo hanggang kaya niyo, tingnan lang natin kung kaya niyo ipagpatuloy ang normal na buhay sa gagawin namin" May ngise kong bulong bago ikupas ang aking isang daliri, kasabay non ay ang pag patay ng ilaw sa buong lugar at doon na nag kagulo habang ang mga alagad ko naman ay ginagawa na ang dapat nilang gawin.

"My uzhe poymal yego, ser" Isang voice chat ang natanggap ko sa isa kong tauhan bago kami umalis sa school. (We already caught him, sir)


Carmella Pov


Tilian ang naging reaksyon ng ilan lalo na si Lilith at Mara na nakayakap pa sa isa't isa habang tumutili, nagkagulo pa ng may napansin kaming mga lalaki na pumasok pero agad naman silang nawala at doon na kami nag panic.

"Ella"narinig kong pag tawag sa akin ni Kuya Arian sa hindi kalayuan kaya naman agad akong tumakbo kung saan ko siya banda narinig ang kaso ay may isang braso ang yumakap sa akin ng mahigpit 

"Stay here" Bulong sa akin ni Ace kaya naman kahit gusto kong pumunta kay Kuya ay nag stay nalang ako dahil alam kong ma proprotektahan pa ako ni Ace sa madilim na lugar. 

Nagtagal pa ang kaganapan ng ilang minuto dahil nagsbukasan na ang ilaw at doon tumambad sa amin ang ibang sugatan at yung iba naman na patay na istudyante pero hindi sila mukhang pinatay dahil halatang halata na suicide ang nangyari. Nakakadiri, nakakapangilabot, nakakasuka pero bakit??....... Bakit parang may nagising sa pinaka kaloob looban ko na matagal ng natutulog??




TO BE CONTINUED.................................










The only girl in Section CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon