Hayy.. eto nanaman siya. Si "tomar". may toyong-marc in short. Kilala ko na siya nung grade school palang kami pero nitong High School lang kami naging classmates. Napaka-weird niya. Hindi nagsasalita sa school, napakamahiyain, at parang topakin. Di naman siya inaano ng mga classmates namin. Binibiro lang naman siya, dinadamdam naman niya. Pero infairness, Mabait naman siya. Tumatawag nga siya sa bahay namin e. patanong-tanong ng assignments na obvious naman na gusto lang ako kausapin.. kinakabahan pa sya. Nakakatuwa din naman kasi lagi syang nangangamusta tapos tinatanong kung okay lang ako... kahit paulit-ulit yun at wala na kaming mapagusapan kasi sa sobra niyang torpe. Actually, Naappreciate ko yun. Kaso yung personality niya? Sobrang turn-off kasi napaka-awkward niya kumilos. Sana, isang araw magbago siya. Kung crush niya ko, dapat ipaglaban niya yung feelings niya pero sobrang mahiyain siya eh.. lahat dinadaan sa sulat, bigay ng chocolates at pa-smile-smile lang sakin pero..
Hello? Mag-isa lang ako dito sa waiting shed, pwede mo naman ako lapitan, kausapin. Alanganaman ako pa lumapit sayo. Mauunahan ka ng iba kung ganyan ka.
Cute naman siya.. pero sobrang low self-esteem siya. Kaya laging binubully eh. Kawawa. Sana man lang isang araw, Ipaglaban naman niya sarili niya. Paano niya ko ipaglalaban once na ako naman yung inatake. Hay.. ayoko pa naman magkaboyfriend ng ganun.. Hindi naman ako nagmamadali kasi hinahanap ko pa yung ideal type ko. Yung magaling mag-gitara, kumanta, tska marunong mag-piano, matangkad, tsaka matalino. Pero studies muna noh. Ayaw din pa ni Mama.
Fourth Year HS na kami.. Medyo hindi na siya nangungulit. (Good..) medyo seryoso na rin ako sa pagaaral and mga programs na sinalihan. Andaming lumalapit sakin pero di ko naman sila type and ayoko pa talaga. Madalas akong nasasabihang mataray pero, I don't care. Ganito talaga ako pero once na maging kaibigan kita magiging sobrang loyal ako sa'yo. Wag mo lang ako lolokohin dahil iba ako magalit. ;)
Nagkaroon kami ng retreat. Sinabihang lapitan at humingi ng tawad sa mga taong nasaktan. Hindi ko nilapitan si Marc kasi.. hindi ko alam. Parang pinandidirihan ko siya. I'm sorry pero pinagdasal ko na lang siya sa mga bagay na nagawa kong mali o sa mga pagsusungit ko sakanya noon. Pero ayoko talagang lapitan. Yun lang.
Nung college ako. Dito ako nag-improve, mas maraming nakilalang tao from different walks of life, nag-perform sa stage pero mas malaki and mas maraming audience and most importantly, dito ko nakilala yung una kong naging boyfriend. Sobrang almost perfect niya. Matangkad, Maganda yung built ng katawan, player ng basketball sa campus namin tsaka talagang andaming nagkakagusto sakanya, pero ako yung nakita niya.. ako lang. Sobrang ramdam ko yung pagmamahal. Nakakaproud siya kasi parang yung inaantay mong ideal man, nasa kanya na eh.
Kaso? Natapos din kami. Siguro kasi yung mga ganung tipo? Mga gago din talaga. Siguro nakulangan pa sya sakin.. or siguro in time? Baka pag okay na kami parehas, baka dun na ulit pwede. Masakit yun. Kasi una mo siyang boyfriend tapos parang di man lang kayo nagtagal. Hindi ko na lang inisip kasi may mas importante pa kesa dun. Buhay ko, Family, and Friends. Pero inaamin ko, He's really special. And will always be special in my heart forever.
Nagwowork na ko ngayon sa isang government owned company. Kakakuha ko lang ng cs exam. And sobrang thankful ako kasi I passed. Sabi kasi nila, mahirap daw makapasa dun. Kaya I'm really proud. And para din yun sa mama ko. Ayun, buti naman at nagkaroon din ako ng additional title sa career ko..
Ambilis ng panahon, parang kamakailan lang quizzes lang and projects ang inaaalala natin. Pero ngayon, mas mahirap pa pala ang totoong buhay kesa sa mga exam-exam na yan na di mo naman iaapply pag nagwork ka na. So, eto ako ngayon.. stucked sa office. Tamang bonding with workmates after shift, foodtrip, travel, and more.
Medyo nalungkot din ako kasi bakit parang ganun na lang nangyayari sa buhay ko. Puro family, friends, pagkain, and phone na lang buhay ko. Wala na bang iba? Siguro time naman na magkaroon ako ng boyfriend. Kasi marami na akong sinacrifice para sakanila maging masaya lang sila. Sana naman, this time, ako naman yung maging masaya talaga. Yung mamahalin..