"Jerry"

6 0 0
                                    


Si Jerry ay isang manyakis na bading. Hindi lang manyakis kundi sobrang manyakis. Nagsimula daw ang pagkahilig niya sa katawan ng lalaki nung nasa trese anyos pa lamang sya. Nakakita siya ng magazine ng puro hubong lalaki sa basket ng tiyuhin niyang nagtatrabaho sa barber shop. Iba daw ang naramdaman niya. At yun daw yung masasabing "calling" talaga ng kanyang sekswalidad.

Ngayon asa 30s na siya, magisa na lamang ito sa buhay dahil may sariling pamilya na ang mga kapatid. Wala na syang mga magulang kaya naiwan na lang sakanya ang lumang bahay na kinalakihan nila. Katamtaman lang ang katawan ngunit sakitin, maliit, kayumangging balat, malaki ang tyan, at mukhang disente. Madalas siyang pumupunta sa mga lumang sinehan na nagpapalabas ng malalaswang pelikula para maghanap ng pansamantalang ligaya. Di sapat sakanya ang isang beses lang. napapatatlo o apat pa nga minsan yun kaya yung limang-libong dala niya, ubos sa isang araw. Mahilig siyang manghipo sa tren, jeep, o sa bus. Basta may pagkakataon, kakaon. Minsan na ngang nasuntok siya ng nabiktima niya at nakuhanan pa ng video pero di ito tumigil. Hayok na Hayok ang bading. Dating OFW na ngayo'y nagtatrabaho sa isang manpower agency, Kahit napapalibutan ito ng maraming kaibigan, Nalulungkot pa rin ito dahil gusto lang naman niyang magka-boyfriend, yung lalaking magmamahal sakanya at game sa lahat ng gusto niyang gawin. Dahil dun, nahilig siyang makipagchat sa group ng mga lalaking katulad niya. Nagbabaka-sakaling may makilala siya at mahanap ang tunay na pagibig para sakanya. Marami na siyang nakilala: "Estudyante", "Empleyado", "Pulis", at iba pang mas mabuting itago na lang.

Isang araw may nag-apply sa kanilang agency. Si Tony. Mestizohin, maganda ang katawan, matangkad, mabait na lalaki. Tubong Samar ngunit diretso kung magsalita ng tagalog. Wala itong "punto". Maganda ang kanyang porma, "Manila Boy" kung titingnan. Halatang magaling sa pagpili ng susuutin at estilo. Mapapansing iba siya sa mga nagaapply dahil di lang gwapo, sobrang magalang pa at pinong-pino ang kilos kumpara sa mga aplikanteng parang napadaan lang para magpasa ng iisang pahinang bio-data

"Office work po sana, Sir" sagot ni Tony. "Alam mo Tony, mas okay kung magapply ka na Receptionist, mas bagay sa'yo tsaka maganda yung bigayan dun. Apply kita gusto mo?" tanong ni Jerry.

"Ahh.. sige po, sana po hindi mahirap yun. " sagot ni Tony. "Hindi yun. madali lang yun. Tsaka ipapasok kita agad para di ka na mahirapan maghanap ng trabaho. Bigay ka lang ng 450 for fast assessment fee para bukas magpa-medical ka na tapos sa isang araw start ka na sa work. Tawagan ka na lang namin after 2 days ok?" tila garantisadong pangako ni Jerry.

"Talaga po? Naku po!, marami pong salamat Sir...?"

"Jerry, Jerry name ko." Habang nakikipag kamay sa binata. Pilit na tinitigasan ni Jerry ang boses para hindi mahalata ng binata pero sa loob-loob nito ay gwapong-gwapo siya sa binata. Nangarap siya bigla na sana ay makasama niya ito o kahit isang gabi man lang na kapiling siya.

"Sige po Sir Jerry, see you soon."

Pagkatapos nang mahabang trabaho ay naroon na sa kwarto si Jerry para magpahinga. Bigla niyang naalala ang mukha at katawan ni Tony at pagkatapos nun, mahimbing syang nakatulog.

Kinabukasan, inasikaso na niya agad ang resume ni Tony, ibinida sa mga employers at pinagmalaki ang mga in-edit niyang resume nito para makapasok agad sa trabaho. Hindi naman nasayang ang pagiintroduce ni Jerry dahil agad din naman nakursonadahan si Tony maging receptionist sa isang five-star hotel sa may Guadalupe. Kaya dali-daling tinawag ni Jerry si Tony at pinagrereport na agad sa agency.

Todo ngiti ang bungad ni Tony kay Jerry na kinakilig naman ng bakla kaya sinabihan ito na: "hoy, di ka pa tanggap, ipasa mo yung interview at tsaka ka mag-smile." "Pero sobrang thank you po talaga Sir magpapa-medical na po ako, sige po!" tuwang tuwa ito at parang nagtagumpay sya sa unang hakbang habang pinagmamasdan siya ng mga ibang aplikante na tila ba naiinggit sa magandang balitang nakamtan.

"Jerry"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon