Kanina pa ako hila-hila ni Faye, hindi naman ako maka-angal kasi baka mainis na naman. Inaya ba naman ako na mamili kami ng engagement ring ng kaibigan namin. Gusto raw niya katulad ng engagement ring niya."Love... Ano ba yang mukhang yan? Hindi ka ba masaya na tayo ang pipili ng engagement ring ng mga friends natin?" Lumingkis pa siya sa braso ko.
Bumuntong hininga ako. "Pagod lang ako, love. Sige pumili kana. "Nakakawalang-gana talaga minsan kapag puro mga kasalan ang bukambibig ng mga nakapaligid sayo".
Habang pumipili si Faye ng engagement ring kumunot ang noo ko nang mapatingin ako sa hindi kalayuan. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko ang babaeng tumitingin-tingin sa singsing. Hindi ko namalayan na lumapit na pala ako sa kanya.
8 years ago...
"Happy 10th anniversary with you my love pagbati ko kay Benedict" Hindi ko naman akalaim na aabot kami ng 10 years. Mayroon kaming dinner kasama family and friends namin kompleto na kaming lahat si Benedict na lang ang iniintay.
Chat conversation with Benedict
"Mahal. San kana? Kanina pa kami dito sa venue malalate kaba?
Him: "Sorry mahal medyo malalate lang ako ng sandali may dinaanan lang ako".
"Okay okay ingat I love you" aking reply.
Bigla naman nagchat si Marie na malapit na raw sya sa venue at tinanong na rin ni Marie kung andito na raw si Benedict. Bigla naman nagsalita itong si Reeze na "wala pa nakasimangot na nga itong si Desceny ehh" (haha siraulo pero totoo).
"Ano wala pa rin ba fiance mo, Desceny? Tanong ni Dad sakin. Wala parin po dad but otw na sya".
"Ano nanaman kayang dahilan niya ngayon? Saan ni kuya na tila bang galit na galit. Stop it Kai, suway ni mommy kay kuya. Sana maisip rin ng fiance mo na magkaroon ng participation dito sa kasal niyo Desceny sabi ni ate Caisley sa akin".
"Ate he's trying his best naman po na tumulong, sadyang busy lang talaga siya this week. Yun na lang nasabi ko sa aking pamilya.
Napabuntong-hininga ako nang makita ko si Benedict na kakababa lang ng kotse nya. Magulo ang buhok, at hindi pa maayos ang pagkakasuot nya ng polo nya. Halatang puyat din. May bitbit syang bouquet of flowers.
"Sorry..i love you." Hinalikan nya agad ang noo ko pagkalapit nya sa akin. Inabot nya ang bouquet sa akin kinuha ko naman pero agad ko ring nilagay sa mesa. Bumuntong hininga sya at naupo sa tabi ko. "Sorry talaga.."
"Buti dumating ka pa, patapos na ang pag check sa venue. Umalis na rin sila daddy. You are really embarrassed me Benedict." Inirapan ko sya at medyo umusog palayo sa kanya.
"That's why I'm so sorry, Don't worry pupunta ako sa bahay nila papa and hihingi ako ng sorry. Let's not argue today, please." He said. Hinawakan nya ang kamay ko, hinayaan ko nalang siya. Wala na akong energy para magsalita.
Nang makauwi kami sa condo namin ay walang nagsalita sa aming dalawa. Pareho kaming pagod. Pagpasok namin sa loob ay hinubad nya agad ang polo at pants nya at hinayaan lang sa sahig.
"Benedict,yung mga damit mo ilagay mo sa labahan. Please lang."
"Ikaw na please, I'm so tired." Dumiretso agad sya sa kwarto. Gusto kong ibato sa kanya ang bag ko pero sayang. Tinanggal ko ang heels ko at nagsimula nang maglinis ng bahay.
Sa dami ng kalat halos lahat ay gawa ni Benedict. Ang kanyang mga bote ng soft drinks, mga plastic ng mga inorder nyang food. Tapos yung mga sapatos nya nagkalat. Pagdating ko sa lababo napamura ako nang makita ang mga hugasin. Ang sabi nya huhugasan nya to??
Nagluto rin ako pagkatapos ko mag linis ng bahay. Ang iniisip ko kanina habang pauwi kami ay matutulog nalang ako kasi may meeting pa ako mamaya sa office pero hindi na ako nakatulog kakalinis.
Tumunog ang alarm ko, 30 minutes tulog lang. Naglinis lang ako ng sarili at nagbihis. Tiningnan ko si Benedict na natutulog parin sa kwarto. Nag-iwan lang ako ng note at umalis na ng bahay. Bumili lang ako ng coffee at sumakay ng taxi.
YOU ARE READING
Our Wasted Decade
Short StoryBenedict is Desceny boyfriend for 10 years. He chose his happiness over his girlfriend until they broke up and see each other after so many years.