Crown 16 – Island of Heartbreak
"Hindi ba dapat nating pagusapan ang paggawa ko ng mga liham sa'yo. Kaysa ang ugnayan si Deon at Kyro pati ni Alessia. Ako nga pala, ang iyong bagong kasulatan simula labing-isang taon pa lang tayo. Kaya hindi tayo pwede mag-usap kasi alam kong si Axel Tresvenor yung gusto mo."
Pagpapaliwanag ni Zeno ng nakangiti.
Pinaharap ni Zeno ang balikat ni Avery sa kanya para dumungaw ng atensyon sa dalaga.
Hindi makapagsalita si Avery kay Zeno kasi naguguluhan na siya sa kanila ni Axel na matagal na niyang gusto.
Hindi ito nagpapadala ng litrato.
Simula nung labing isa pa lamang sila.
Ayun pala ay napupunta sa maling tao ang kanyang mga likha at pagkwento ng kanyang buhay.
Nakita ni Kyro ang mukha ni Midnight Alex. Nagulantang siya.
Hindi niya alam kung bakit siya nalungkot na si Deon pala si Alex.
Bakit siya nagtaka?
Bakit siya naguluhan?
Hindi niya alam na si Deon pala ay magaling makipag-away.
Nagtitigan sila.
Hindi niya alam kung bakit siya malungkot.
Dahil ba kay Alessia? Dahil sa halikan nila ni Alessia.
Bago iyon, ngayon lang nagkaroon ng pagbabago ang tingin niya kay Alessia.
Kumbaga, nakaramdam siya ng bago.
Pero kay Alex, nung nalaman niyang ang dati niyang kabiyak na niloko siya ang taong gusto niya ngayon.
Parang may kung anong pumasok sa puso at isip niyang pangamba.
Niyakap pa rin niya ito pero puno ng pag-aalala ang puso niya.
"Hindi ako makapaniwala na ikaw si Alex."
Napangiti na rin siya kasi ito ang kanyang bagong natitipuhan.
Akala niya pagkakaibigan lang. Bakit ganito?
"Siguro nagulat kita. Ako yung hinahanap mo."
Natahimik si Kyro.
Naalala niya si Alessia.
Ayaw niya kasing balikan pa si Deon pero ito si Alex.
Yung babaeng nakasalamuha niya sa hirap. Sa mga labanan.
Napangiti siya. May kung anong pumasok na tabing sa kanyang lalamunan.
Pero nalunok niya rin ito agad parang ganoon. Natanggap na niya.
Natahimik si Kyro at lumingon muna para makapag-isip
"Naalala ko bigla ang una nating pagkikita, yung kabayo, yung pagkakaibigan natin, ang pamilya mo at higit sa lahat, nagpanggap tayo na na mag-asawa."
Pero umalis bigla sa kanyang harapan si Alex.
Nawala ito sa paningin niya sa loob ng barko.
Hindi nito narinig ang kanyang sinabi, parang nawala na parang bula.
Nagkaroon ng usok sa likod ng barko.
Lumapit si Alessia sa gilid ni Kyro.
Nakita rin niyang lumapit si Axel, nagtataka.
"Anong nangyayari? May sira ba ang barko?"
Sabi ni Kyro kay Axel, nakakunot ang noo.
"Siguro hindi ko alam, malay ko. Kapit lang kayo dyan baka malaglag kayo sa barko."
BINABASA MO ANG
Somewhere Only We Know ✔
عاطفيةKyro Augustus has always been a prince who's obedient to his parents. Destined to marry a princess, Alessia Marcella. But not until a girl from a mysterious place tried to break into his life. They meet somewhere only we know and everything went to...