Chapter 7

2 0 0
                                    

Pagdating sa bahay ni Wynes nakita nya si Andrew na nag aabang sa labas ng bahay niya.

"Saan ka ba galing, hindi ka ba natulog sa bahay mo?" halata sa tono nito ang pagkairit ng marahas syang hawakan sa braso ni Andrew.

"At bakit ganyan yang suot mo?"

"Wala ka ng pakialam, bitawan mo nga ako!" sabay bawi sa braso nya.

"Saan ka galing sabi?" Napataas na ang boses nito kay Wynes saka hinawakan ng mas mahigpit sa braso si Wynes

"Aray nasasaktan ako Andrew ano ba!"

"Bitawan mo nga sya, di mo nakikita nasasaktan mo na sya!"

"Bakit sino ka ba, wag kang makialam away namin ng Girlfriend ko to!" sabay tulak ng malak kay Dylan.

"Tumigil ka nga dyan Andrew, as far as i remember ex boyfriend hindi na kita Boyfriend Andrew."

"Alam kong galit ka lang Babe, fling lang yun sa amin ni Lian, alam mong ikaw yung mahal nilalandi lang nya talaga ako!"

"At nagpalandi ka naman."

"Look I'm sorry Babe, pero hindi naman ata dahilan yun para sumama ka agad sa ibang lalaki. Hindi ka ganung babae Wynes"

"Napakawalang hiya mo talaga Andrew, umalis ka na please lang."

"No, hindi ako aalis, yang lalaking yan, yan yung paalisin mo dito, aayusin natin to!"

"Hindi lang ikaw ang pwedeng magcheat Andrew wag mong duro duruin si Dylan dahil Boyfriend ko sya, wala kang karapatan kaya umalis ka na!"

"Kelan pa?" galit na galit na sigaw nito kay Wynes.

"Kagabi lang, at katabi ko sya kagabing natulog!"

"Eh mas Gago ka pala sakin, pag niyayaya kita magsex hindi ka pumapayag pinagpipilitan mo ibibigay mo lang yang pisteng pagkabirhen mo pag kasal na tayo, eh puro naman pala kasinungaling yang pinagsasabi mo malandi ka rin mas malala ka pa kay Lian, isang gabi palang Wynes isang gabi lang!"

Isang malakas na suntok ang nagpabuwag kay Andrew mula kay Dylan.

"Ang dumi ng bibig mo wala kang karapatang bastusin si Wynes ng ganyan!"

"Dylan, please tama.. tama na please."

Awat ni Wynes ng akmang susugurin pa ni Dylan si Andrew. Tumayo si Andrew pasugod kay Dylan para gantihan ito sakto naman ang pagdating ni Erah, agad umawat si Erah at Cris sa dalawa.

"Ano bang nangyayari sa inyo bakit ba kayo nag aaway!" naguguluhang tanong ni Erah.

Biglang hinila ni Dylan si Wynes pasakay ng sasakyan matapos kunin kay Erah ang bag ni Wynes.

"Hoy, bumalik kayo dito di pa ako tapos!" sigaw ni Andrew sa dalawa, akmang hahabulin nya si Wynes pero hinarangan sya ni Erah at Cris.

Humahagulhol ng iyak si Wynes, nanginginig ang buong katawan nito kaya itinabi na muna ni Dylan ang sasakyan.

"Hoy, ok ka lang?"

"Mukha ba akong ok?, ang kapal ng mukha nya pagkatapos ng ginawa nya pinamumukha nya pang ako yung may ginawang mali, ako pa yung sinumbatan nya ang kapal nya!" nagpatuloy lang sya sa apgtangis, hinawakan sya ni Dylan sa balikat saka tinatapik tapik.

Matapos kumalma, huminga sya ng malalim.

"Ah I- Im really sorry Dylan, ang dami ko ng atraso sayo, imbes na nananahimik ka, ako itong lumapit sayo, hinalikan ka, kahit sinusungitan kita hindi mo ko pinabayaan kagabi, Im really really sorry kung nadamay ka pa sa mga problema ko, Sorry sinabi kong Boyfriend kita, i feel sorry for you di tama na ginamit kita kanina patawad talaga." lalo sya umiyak habang humihingi ng tawad kay Dylan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 19, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crazy in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon